CHAPTER 13: Traitors

394 5 5
                                    

MAKIKITA si Tanya Heralva sa kanyang opisina na tila may inaasikasong papeles. She is busy doing her stuff dahil may paparating na fashion show ang House of Hera sa susunod na Linggo. Ilang sandali ay bigla syang naantala nang dumating ang kanyang sekretarya na may kasamang isang babae—si Alba.

"Miss Tanya, here's your new applicant", sabi sa kanya ng kanya ni Messy. "She's ready for the final interview with you", sabay ngiti at saka umalis na ng kwarto.

Alba is Ruby and Vicky's friend na hindi alam ni Tanya. Maybe it is part of their plan para mas mapadali ang pagpabagsak nila sa Heralva sisters.

"You may sit", tugon ni Tanya. Hindi maalis-alis ang kanyang paningin sa bagong aplikante.

Alba is acting like she is so very shy. May mga dala syang portfolio ng kanyang mga designs as a part of her job requirements.

"Good morning, Miss Tanya", sagot ni Alba, sabay abot ng mga portfolio.

Binuksan ni Tanya ang portfolio at namangha sya sa mga gawa ni Alba. "So, you're Alba Miranda?", sabi ni Tanya while tinitingnan ang mga designs.

"Yes, I'm Alba Miranda, and I'm twenty-eight years old. I studied fashion designing in Victoria's Fashion School", sabi ni Alba.

Napataas ng kilay si Tanya nang nabanggit ang fashion school ni Victoria noon. "But this school doesn't exists anymore".

"I know but as a former best fashion company in this country, I will apply my knowldege about what I learned from Miss Victoria", sagot ni Alba. "I can assure you that I will do my best as your new Senior designer".

"Why House of Hera?", mataray na tanong ni Tanya kay Alba. "I mean there's a lot of successful company here in our country".

"I am facing the new Queen of Philippine Fashion, and I want to work with her, that is why I chosed her", sagot ni Alba at saka binigyan ng ngiti si Tanya to convince her.

"Alright, you're hired", sagot ni Tanya kay Alba. Isang malaking ngiti naman ang pinakawalan ni Alba at saka tumayo at nakipagkamay kay Tanya.

"You will start to work here tomorrow. Just process all the requirements na ibibigay sa iyo mamaya ni Messy", sagot ni Tanya.

"Thank you, Miss Tanya", sabay alis si Alba at saka ngumiti nang napakatalim.

Walang kaalam-alam si Tanya na may nakapasok na naman na kaaway sa kanyang buhay.

Nang lumabas si Alba ay nagbigay ng senyales siya kay Messy na tila may connection sila sa isa't-isa. Dahang-dahang lumapit si Messy kay Alba habang tinitingnan nila ang paligid kung may makakita sa kanila.

"Nagawa mo ba?", tanong ni Messy.

"Mabilis lang pala mauto ang amo mo", sagot ni Alba kay Messy sabay cross arms. "Akala ko ba magaling at matalino si Tanya Heralva? Nauto lang pala sya ng isang Alba Miranda".

Napangisi si Messy. "Be careful. I know her. Sa una lang yan, pero kapag mapansin ni Tanya na may kahina-hinalang nangyayari. She will start investigating you. Kaya huwag mong ipapakita sa kanya na magkakilala tayo, dahil kung mangyari iyon, she will connect you to me at mapapadali na malalaman nya na konektado tayo kay Miss Ruby at Miss Vicky".

It means na sila ang tinawagan noon ni Messy. Messy is also a secret enemy of the Heralva sisters.

"Balang araw, mapupuno ng anay ang company ng mga Heralva. Hindi nila alam na unti-unti na silang nasisira habang tayo ay nakikinabang at unti-unting nagtatagumpay sa ating mga plano", sagot ni Messy sabay taray.

"Are we going to continue our plan?", tanong ni Alba kay Messy. "Ang pabagsakin ang mga magkakapatid na Heralva at Red?".

"Yes", sagot ni Messy habang nakatingin sa kawalan. "At sa oras na mangyari iyon, tayo na ang makikinabang sa kanilang mga yaman".

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon