CHAPTER 7: The New Red

273 3 0
                                    

"I WERE RUBINA CUENVILLA-ROJO THEN", isang makahulugang sagot ang pinakawalan ni Ruby kay Victoria.

"Cuenvilla?", napakunot-noo si Victoria nang mabanggit ng babae ang apelyido nya.

Nasa azotea silang dalawa habang nagtsa-tsaa. Kahit nahihirapan pa si Victoria ay kinaya nyang bumangon.

"Yes, dahil sa pagitan nating dalawa, ako ang tunay na Cuenvilla", sagot ni Ruby.

"H-how comes?", nalilito pa si Victoria. Marami pang sekreto tungkol sa tunay nyang pagkatao ang nais nyang malaman.

"Dahil ang tunay kong ina ay walang iba kundi si—Margarita Cuenvilla", nanggigigil na sinabi ni Ruby sa kanya.

"P-paano? B-bakit?", tanong ni Victoria.

"Iniwan nya ako just for you and for your dad, Victoria. Kaya hindi ka nya kayang mahalin dahil hindi ka ang tunay na anak ng ina ko", sagot ni Ruby. Nais nyang ibuhos ang sama ng loob sa babae.

"Parte ba ako ng plano mo?", matapang na sinabi ni Victoria sa kanya. "Maghihiganti ka rin ba sa akin? Then go! Sanay na ako dyan!", bumuhos ang emosyon ni Victoria sa mga sandaling iyon.

Napahawak si Ruby sa kamay ng babae. "No", makahulugang sinabi ni Ruby. "Dahil ikaw ang magiging alas ko laban sa mga kalaban ko".

Napakunot-noo si Victoria.

"Maghihiganti tayo kay Alexis, Ruth and most of all—kay Tanya!", sagot ni Ruby. "They ruined my mother's life. And now, it's payback time! Sila naman ang magdudusa at pagdudusahan nila ang mga sakit na pinadanas nila sa ating ina".

Biglang kinabahan si Victoria. Hindi dapat malaman nito na siya ang pumatay kay Marga. Kundi mananagot sya.

"A-ano ba ang naging kasalanan nila sa'yo?", tanong ni Victoria. Kinakabahan sya.

"Pinatay ng ama ni Ruth ang ama ko. And that Heralva sisters! Pinatay at pinahirapan nila ang ina ko!", biglang sumabog ang emosyon ni Ruby na gigil na gigil na.

"Paano kita sasamahan sa laban na ito?", tanong ni Victoria sa kanya.

"Bubuhayin kitang muli", sabay abot ng isang dokumento. Certificates of her as a new woman. "You will be, Vicky Red!", 

Victoria Cuenvilla to Olive Madrigal to Vicky Red

Hindi makapaniwala si Victoria. Ito na ba ang matagal na nyang inaasam-asam? Ang muli nyang pagbangon at ang muli nyang pagbabalik para makapaghiganti?

"We will clean your name. Papaniwalain natin ang publiko na patay ka na. And you will reveal yourself after the healing of your scar", tugon ni Ruby.

"I have the best doctors in plastic surgery. Hindi natin babaguhin ang mukha mo", dagdag ni Ruby kay Victoria. "Kundi ang pagkatao mo..."

"Paano natin sisimulan ang lahat?", tanong ni Victoria kay Ruby.

"May isang malaking pain na na nakahain sa kanila. Sa oras na kumagat na sila, saka na natin sila huhulihin", isang matalim na ngiti ang pinakawalan ni Ruby sa babae.

Napatayo bigla si Victoria. Naalala nya pa 'rin ang gabing hindi nya makakalimutan.

"Kilala mo ba kung sino si Mrs. Elizalde?", tanong ni Victoria sa babae.

"Yes", sagot ni Ruby. "She is one of my biggest shareholders in Rojo Cosmetics. But I secretly back stabbing her".

"I saved you from her men. She is known as mistress hunter. Sa oras na malaman nya ang kabit o kalandian ng asawa nya ay kaagad na pinapatay nya ang mga ito, kahit ang buong pamilya", sagot ni Ruby.

"B-bakit ganun nalang ang galit nya sa mga kabit? Ako, oo—I was once a mistress, pero hindi naman umaabot sa ganito ang nangyari sa akin. Only Ruth is just a coward woman, na kahit ngayon hindi pa nya in-expose ang sarili nya sa public. She is just using Tanya Heralva para mas mapadali ang pagbagsak ko", nanggigigil na sinabi ni Victoria kay Ruby.

"Speaking of Ruth Reyes", tila biglang nagkaroon ng interest si Ruby. "Where is she now? Eight years of hiding? Come on!".

Isang makahulugang tingin ang pinakawalan ni Victoria kay Ruby. Napaupo ito at uminom ng kaunting kape. "That is what we are going to find out. Hahanapin natin sya saan mang sulok ng impyerno. At sa araw na makita ko sya, sisiguraduhin ko na ako mismo ang magsisindi ng apoy sa kanyang katawan".

Napangiti ng napakatalim si Ruby. Hindi sya nagsisi na si Victoria ang pinili nyang magiging kakampi.

"Para ito sa ating Mamá", mahinahon na sinabi ni Ruby sa babae. "Para sa dugong Cuenvilla".

MAKIKITA na kumakain ang dalawang babae sa azotea. Having a dinner date under the moon light.

"Lahat ng mga nakikita mo, magiging sa'yo na", tugon ni Ruby. "Magiging kadugo kita sa mata ng batas at sa mata ng madla".

Hindi nakapagsalita si Victoria. Sa panaginip nya lang ito inaasam-asam. And now, it is finally in her hand. Babalik na sya at kukunin nya ang lahat ng mga inagaw sa kanya. Victoria Cuenvilla had risen from the dead. And now, Vicky Red will avenge.

FIVE MONTHS LATER.
Makikita ang isang babae na nakatayo sa isang azotea habang nakalapag ang kamay sa balkonahe at may nakapatong na kopita na may lamang alak. She is wearing a sleek back hair style at nakasuot ng royal blue fitted dress. Pinamamasdan nya ang napakagandang tanawin sa mansion na iyon.

Ilang sandali ay biglang sumulpot ang isang babae na may katarayan din. May dala-dala itong phone na tila ibibigay sa babaeng iyon.

"Miss, someone is calling you...", aniya.

Ilanh sandali ay hinarap nya ang babaeng iyon. In a slow motion. Isang pamilyar na mukha ang unti-unting makikita. Isang mukha ng kahapon na minsan nang sinira at muling bumangon.

Si Victoria! But now, she is Vicky Red!

Wala na ang bakas ng sugat nya sa kanyang mukha. Everything is fine and perfect. Bumalik na ang dating Victoria ngunit may bago nang pagkatao. Malaki na ang kanyang pagbabago mula nang nagpagupit sya ng buhok. Her eyes are grey para hindi masyadong makilala ang kanyang mata. Siya ang Victoria na parang hindi Victoria.

Because now, she is Vicky Red.

Kaagad na kinuha ni Vicky ang phone at kinausap ang nasa linya.

"Thank you, Sir. Ako na ang bahala sa lahat. Name your price and I will give it to you right away", sabi niya sa kausap nya.

At saka nagpaalam at binaba ang phone.

"So, kumusta na raw ang kaso mo kay Ms. Marga? Ingat ka at baka malaman yan ni Ruby", ani ng babae.

"Alba, we don't need to worry", Alba ang pangalan ng babaeng kausap niya. "Malinis na ang kaso ko. I wiped them out. Na-white wash na", sagot ni Vicky.

"Ruby is a powerful and influential woman. Kaya nyang halungkatin ang dapat halungkatin kahit saan mo man ito ilibing", banta ni Alba. "I am her bestfriend, pero mas pinili kitang kampihan dahil alam ko ang mga plano mo sa kanya".

Napataas ng kilay si Vicky at binigyan nya lang ng isang matalim na ngiti si Alba.

Anong plano kaya ang nakatanim sa isipan ni Vicky para kay Ruby?

"So, ano na ang plano mo kay Tanya?", tanong ni Alba. Her smiling lips seem to be excited.

"Tomorrow", sabay lakad ng ilang metro si Vicky habang hawak-hawak ang kopita. Tumalikod sya kay Alba at uminom ng kaunti. "Tomorrow will be my homecoming. I have slept for three years, and I will shake the whole city of Ciudad de Oro", at saka lumingon si Vicky kay Alba.

Kapwa nagngitian sila. Mga ngiting may nagbabagang mga plano.

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon