UATW 1

6.1K 107 4
                                    

"Lisa, be ready. Lilipat na tayo ng bahay sa sunod na araw." nagulat na lamang ako sa aking narinig.

"What?! Seriously mom? Why?! I'm okay now with these place!" sagot ko kay mama. Kakauwi ko lang kasi galing sa mall. Tapos ito ang madadatnan ko?!

Parang ang sama naman ata 'non!

"You know what's the reason, right?! Inayos ko na lahat Lisa, maging ang paglipat mo ng school. Pack your things now!"

Padabog akong umakyat sa aking kwarto at inilagay na lamang sa kahon ang mga gamit ko. Hindi na ako nasanay. Ano ba inaasahan ko?! Lagi nalang ganito.

***

"We're here." tumigil ang kotse at agad naman kami lumabas. Tahimik kong kinuha ang maleta ko.

Napansin ko ang bahay na nilipatan namin ngayon. Di hamak na mas malaki ito kesa sa tinitirahan namin noon. Agad akong pumasok sa loob at umakyat sa taas upang tignan kung ilang kwarto ang meron. Mayroon itong 3 rooms. Kasama na din dito ang isang kwarto na magsisilbing Guest room. Naghanap ako agad ng kwarto at pinili ko ang kwarto na nasa dulo. Nang makapasok ako ay nag-ikot ikot ako sa loob nito.

Buti nalang ay walang alikabok. Medyo sensitive ang ilong ko dun e.

"So how's your room?" tanong ni mama sakin.

"Not bad."

"If you need something, nasa baba lang ako."

"Kailan nila balak iakyat ang kama ko? I'm so tired. I want to rest." saad ko dito.

"Maybe later darling, pag natapos na nilang ayusin ang mga gamit natin sa baba. Saka nila iaakyat ang kama mo. Bababa muna ako, tatawag na rin ako sa papa mo." agad naman umalis si mama sa kwarto ko.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din sila mag-akyat ng mga gamit namin. Inayos ko din yung mga gamit ko kanina.

Nasa baba ako ngayon at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si mama na nakaupo habang umiinom ng kape. Kumuha naman din ako ng maiinom ko sa ref at isinalin ito sa baso, saka umupo na hindi kalayuan kay mama.

"Why do we have to do this?" bigla ko na lamang iyon nasambit sa kaniya. Base on my peripheral vision, I know that she's looking at me. Habang ako naman ay nananatiling nakatingin sa baso na hawak ko.

"Cause I'm just being concern Lisa." napatayo ako sa kinauupuan ko.

Hanggang ngayon ay ito pa rin ang sagot niya. I know that there's something wrong, pero hindi niya yun sinasabi sakin.

"No ma. You're not concern. You're just controlling my whole life!" naiinis ako! Hindi ko magawang gawin lahat ng gusto ko. Lahat ay bawal! Maging ang pagkakaibigan ay hindi ko magawa!

"Watch your words Lisa! I'm not controlling you for God's sake! Stop being stubborn!" I just rolled my eyes.

"Ma.. I can handle myself. I'm 18 years old. I'm not a kid anymore. Atsaka di mo naman kailangan mag-alala, alam ko kung paano alagaan ang sarili ko. Look, asthma lang to ma."

"NO IT'S NOT LISA!" tumaas ng konti ang boses ni mama at napatingin naman ako sa kaniya.

"I-I mean.. Sundin mo nalang ako Lisa, it's for your safety. And I'm sure that your gonna love this place."

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon