UATW 32

1.8K 46 1
                                    

Lisa's Point of View

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa labas. At dahil masakit ito sa mata ay panay ang pikit ko. Shit! Ang sakit ng ulo ko. Wait! Where am I? Umupo ako at tinignan ang bawat paligid ng kwarto. Bakit parang iba? Hindi naman sa'kin tong kwarto. Mukhang pamilyar?

"Nasa kwarto ako ni Jennie?" pagtataka ko.
"Shit si Mama!" taranta kong hinanap ang phone ko at nakita ko ito agad na nakapatong sa mesa.

Halos mabitawan ko na ang phone ko nang makita kong naka 30 missed calls ako galing kay mama. Wala na sigurong mas nakakakakaba pa kundi ang makatanggap ng ganito karaming missed calls sa magulang mo. Panigurado, ay sunod-sunod na sermon ang abot ko nito once na nakauwi na ako. Pero ano magagawa ko? Alangan namang hindi ako umuwi?

I just took a deep breathe. Napansin komg ibang damit ang suot ko. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nalang humiga buong araw.

Teka... Ano ba kasi nangyari? Hindi lo man lang maalala. Ni hindi ko nga alam kung ano pumasok sa isip ko at nakarating ako dito. Sinubukan kong ipahinga ang sarili ko at pilit na iniisip ang mga nangyari. Kaso ayaw talaga makisama ng utak ko. Siguro mamaya ay maaalala ko na, sadyang masakit lang ang ulo ko at ayoko nang mag-isip pa.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya naman ay nabaling ang atensyon ko dito.

"Buti naman at gising kana Lalice, hinatiran lang muna kita ng kape." lumapit ito sakin at inilapag ang tasa ng kape sa kalapit na mesa.

"Thanks." nahihiya akong tignan siya. Pakiramdam ko ay may ginawa ako kagabi.

"Pagkatapos mo jan bumaba kana. Sabay tayong kumain."

Wala naman siguro masamang magtanong sa kaniya kung ano ang mga nsngyari kagabi diba? Nakita kong papalabas na ito kaya naman ay agad ko siyang tinawag.

"Jennie?" agad naman itong lumingon sakin.

"Bakit?"

"A-ano kasi. M-may natandaan ka ba kagabi na ginawa kong kalokohan o kakaiba? I mean.. Paano ko ba ipapaliwanag? May ginawa ba akong mali?"

"Wala naman." bakit parang di pa rin ako kampante sa sinabi niya na walang nangyari? Feeling ko meron talaga e.

"Sige na, inumin mo na yang kape. Para makakain kana. Atsaka kailangan mo na din maligo, para makauwi ka na. Baka magalit pa ang parents mo kasi nag----"

"I'm already 18. You don't have to worry about me Nini." she glared at me. Shit? Bakit parang natakot ako sa tingin niya?

What did I do?

"18 ka na nga, pero di ka naman marunong mag-ingat. Sino ba namang matinong tao ang iinom tapos mag-dadrive?"

"Uhm... M-me?"

"Shut up! Paano kung ma-aksidente ka Lisa Manoban? Paano nalang yung pamilya mo na naghihintay sayo pag-uwi? Paano mga kaibigan mo?" ito ang unang beses na nasermonan ako.

"At paano ako?" nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.

"Ano sabi mo?" gusto ko ulit yun marinig, wala lang. Ang sarap lang sa feeling na concern siya sa akin.

"Lalamig na yung kape. Kapag di mo pa inubos yan, uubusin ko yung pagkain na niluto ko sa baba." pag-iiba niya. Halatang nahiya siya kaya di ko nalang siya kinulit.

"Wow! Nagluto ka? Wait." hindi na rin naman masyadong mainit yung kape kaya agad ko itong ininom. Nagmamadali akong ubusin yun, namiss ko na kasi matikman ang luto niya.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon