UATW 47

596 25 2
                                    

Jennie's Point of View

Nasa coffee shop kami ngayon ni Lisa. As much as possible hindi ko hinahayaan na mag-isip ng ikakasira ng mood ko or ng araw ko. Sabi nga niya, sulitin namin ang araw na magkasama kami. At heto ako, tinititigan siya habang nakangiti. Kasi alam kong matagal pa bago ko ulit makita ang maganda niyang ngiti. Gusto ko siyang kunan ng pictures. Pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Atsaka pag nakita niya akong kinukuhanan siya ng picture, baka asarin niya pa ako. Edi mas lalo akong mahihiya nito.

Naalala ko na may sasabihin pala si Lisa sakin kaya agad ko siyang tinanong.

"Lili, ano pala sasabihin mo sakin?" tanong ko habang kumakain ng cake habang siya naman ay nagbabasa ng libro na binili niya kanina sa national bookstore.

"May sasabihin ako?" maang-maangan niyang sagot habang hindi ako tinitignan.

"Nag-mamaang maangan ka pa e. Dali na sabihin mo na sakin." pag-mamakaawa ko.

"Wala akong sasabihin, meron ba?" sabay baba niya ng libro sa mesa at tinitignan ako.

"Inaasar mo ba ako?" tanong ko sa kaniya saka pinaningkitan siya ng tingin. Nakita ko naman na ngumisi siya at umiling.

"I love you." everytime she said that words, hindi ko maipaliwanag yung saya ko. Nararamdaman ko naman na seryoso siya sakin.

"Mamimiss kita.." pahabol niya.

Ilang beses ba namin kailangan sabihin ang mga salitang yun. Hindi ko din alam.

"Pwede bang ihatid mo ko sa airport? Gusto kitang makita bago ako umalis. Gusto kitang yakapin ng mahigpit." ito ba yung gusto niyang sabihin sakin kanina pa?

Parang ayoko na makita siyang umalis dahil sobra ko siyang mamimiss at hahanap-hanapin ang presence niya. Kung pwede nga lang na samahan siya papuntang South Korea nagawa ko na e. Kaso hindi. Katulad nga ng sinabi ko, wala akong sapat na pera para do'n.

Ngumiti ako ng pilit at tumango bilang sagot sa kaniya.

"Syempre naman. Ihahatid kita Lili. How 'bout your parents?" tanong ko sa kaniya.

"They're busy as always. Alam naman nilang gusto kong pumunta sa South Korea kaya okay lang sa kanila yun." kalmadong sagot niya.

"Ang yaman niyo naman kasi." saka ako nag-pout. Natawa lamang siya ng bahagya.

"Gusto ko maayos ang suot mo ah?" masaya niyang tugon.

"Mapangit ba yung mga sinusuot ko?" tanong ko.

"Hindi ko naman sinabing mapangit. Dala ka ng jacket, magtataxi kasi ako papunta dun and baka malamigan ka sa loob." sabay inom niya ng kape.

"Parang ang layo ng pupuntahan ko pag nag-jacket ako." natatawa ko pang sabi sa kaniya.

"Sunduin nalang pala kita, sabay tayong pumunta sa airport." tumango naman ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Pinisil naman niya ang pisngi ko.

"Sobrang cute talaga ng Nini ko. And by the way, wag kang magpapaligaw sa iba ah? Uuwi talaga ako dito pag may umaaligid sayo." tumawa naman ako.

"Edi maganda, para makita na ulit kita bago matapos ang 1 month." pagbibiro ko.

"Ah so gusto mo talaga na may manligaw sayo?" sumeryoso naman bigla ang itsura nito.

Sa totoo lang natatakot talaga ako kay Lisa pag ganyan ang ibinabatong tingin niya sakin. Alam mo yung feeling na tumatagos yung tingin niya. Pero kahit na ganyan siya tumingin, I find her so attractive to me.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon