Jennie's Point of View
Narinig ko ang pag-alarm ng cellphone ko mula sa tabi ng unan ko. Kinuha ko ito at pinatay ang alarm. Teka anong oras ba ako nakatulog? Inaantok pa ako. Nakakainis naman kasi si Lisa eh! At bakit ko naman siya sinisisi? Pagkakaalam ko din ay 4 am na ako nakatulog kanina tapos ngayon 6 am na. Grabe Jennie! Papatayin mo ba ang sarili mo? Ang galing! Napakagaling. Ginulo ko ang buhok ko. Naisipan ko naman na itext si Lisa para kahit papaano ay hindi niya makalimutan na magsisimba kami ngayon.
To: Lalice
Good morning Laliiiice. Magsisimba pa tayo diba? Bangon na jan, kumilos kana. Wag kang malelate ah? Kasama ko pa naman si nanay ngayon.Pagkatapos kong magtext ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Tinanggal ko na din ang benda sa paa ko para naman makakilos ako ng maayos. Medyo hindi na rin masakit at hindi na rin namamaga 'to. Pagkatapos kong maligo at mag-bihis ay bumaba na ako. Naabutan ko si nanay na nag-aalmusal. Nang makita niya ako ay ngumiti ito sakin.
"Good morning nak."
"Good morning nay, oo nga pala. Kasama pala natin ang kaibigan ko na tinutukoy sa inyo nung nakaraan. Grabe, sobrang bait nun."
"Kumain ka muna, para naman pagdating niya ay makaalis na tayo." tumango ako bilang sagot sa sinabi niya at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos kong kumain ay umupo muna ako sa sofa upang antayin na makarating si Lisa. Si nanay naman ay naliligo na. Ang tagal naman niya makarating. Baka hindi pa yun gising? Anong oras na kaya! Kinuha ko ang phone ko at agad ko siyang tinawagan. Nakaka-isang ring palang ay sinagot na niya ito.
"Hello? Lalice nasaan kana?"
["Woah! Wala man lang good morning jan? Anyway, I'm on my way Nini, how about you?"] sagot niya mula sa kabilang linya.
"Hinihintay ko si nanay na matapos. Pero paalis na rin naman kami." kahit inaantay ko siya. Hay nako, ang galing ko naman magsinungaling.
["Sunduin ko nalang kayo."]
"W-wag n-----" bago pa man ako makapagsalita ay agad na niya binaba ang tawag.
Hey that's rude! Ang bastos nun ah! Alam kong hindi siya nakahubad! Pero nagsasalita ako tapos bababaan niya ako? Anong klaseng ugali yun?
Nanatili akong nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Kahit papaano ay may mapaglilibangan ako. Ay teka! Parang may nakalimutan ako sa taas. Umakyat ako at hinanap ang wallet ko. Nang makita ko ito ay dumaan muna ako sa kwarto ni nanay. Naabutan ko siyang nagtatali ng buhok.
"Nay?" tumingin naman ito sakin.
"Oh bakit nak?" ngumiti lamang ako at niyakap siya. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bakit gusto ko nalang yakapin si nanay ngayon.
"Nanghihingi ka ba ng pera?" natawa naman ako. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya.
"Magrerequest lang ako nay, gusto ko sana kumain ng leche flan. Nagccrave ako dun e." natawa naman kami pareho ni nanay at sinabihan na niya akong bumaba. Baka nakarating na daw yung inaantay na bisita ko.
Bumaba na ako at narinig ko ang mga katok mula sa labas ng pinto. Baka siya na yan! Agad kong pinatay ang tv at dumiretso sa pinto upang buksan ito. Nang buksan ko ang pinto, bumungad sakin si Lisa. Nakatayo ito sa harap ko ngayon at nakangiti.
BINABASA MO ANG
Us Against The World (JenLisa)
FanfictionPlease, don't give up on us. Kung napapagod ka, just take a rest and let me fight for the sake of our relationship. For the sake of our love and happiness. I love you, Lisa. I love you so much to the point na mali man sa paningin ng iba, ipaglalaban...