Lisa's Point of View
Maaga akong gumising ng may ngiti sa aking labi. Napapansin ko ang sarili ko na lagi nalang excited pumasok. Mukha ba akong inspired? Wala naman ata problema dun. Normal lang naman ata yun diba?
Maybe yes or Maybe no...?
Nasa dining room ako ngayon at kasama si mama. Tahimik kaming kumakain ng almusal namin ngayon. Nagmamadali akong kumain dahil sa totoo lang, kapag nagtagal pa ako dito ay baka alam mo na. Maungkat na naman ang nangyari kagabi, which is ayaw kong pag-usapan. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din akong kumain at tumayo na para maghanda nang umalis. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na lamang nagsalita si mama.
"Your dad talks to me." tumingin lamang ako sa kaniya at hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin.
"Uuwi na siya. I guess, bukas siya makakarating dito."
"Good news ma..." I said to her.
"Umuwi ka kaagad."
Wala na akong tugon na sinabi sa kaniya. Sa halip ay naglakad na lamang ako paalis sa bahay. Thank God, hindi niya naalala ang pagiging late ko umuwi kagabi. Sumakay na ako ng motor at nagsimula nang magmaneho.
***
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa Campus. Agad ko din naman ipinark ang motor ko at naglakad na papasok ng school. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway ay naabutan ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng bulletin board. Baka lumabas na ang result about sa audition ng Dance Club kahapon? Napansin ko naman ang iba na tumitingin sakin. Karamihan ay babae, kadalasan ay nakangiti ito sakin at kinakawayan ako.
Wala naman akong reaksyon na binibigay sa kanila kasi sa totoo lang, masyadong awkward para sakin at nakakapagtaka ang kinikilos nila.
"Hi..." natigilan ako sa paglalakad nang may tumigil sa harap kong babae.
"Lisa right?" kahit nagtataka man ay tumango ako bilang sagot sa tanong niya..
Base sa nakikita ko, blonde ang kulay ng buhok nito. Maputi at mayroong magandang shape ng body. Medyo na-attract lang ako sa kaniya kasi sa totoo lang maganda siya.
"See you later." saka niya ako binigyan ng ngiti.
Ha? Ano daw?
Anong ibig niyang sabihin sa see you later? Ano ba meron?
"Who the heck is she?" tanong ko sa sarili ko. Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad papalapit sa bulletin board.
Nung nasa tapat na ako ay napaisip ako kung makikipagsiksikan ba ako sa mga estudyante dito. Sa totoo lang ay ayaw ko talaga na ginagawa yun. Sobrang sikip kadi kapag nakipagsiksikan ako sa kanila.
Pero mas nangibabaw talaga ang excitement ko na makita ang pangalan ko sa listahan.
"Bahala na nga.."
Nang makarating ako sa unahan ay agad kong hinanap ang pangalan ko. Umaasa ako na sana kasama ako sa mga pasado sa Dance club. Parang tanga lang ako dito sa totoo lang, kinakabahan ako na naeexcite Hahahaha. Maya-may pa ay nahanap ko ang pangalan ko, actually pang number 20 ako sa listahan.
What the hell!!
Di ako makapaniwalang napasama ako sa club na yan.
"Shit.." bulong ko sa sarili ko. Umalis ako nang may ngiti sa labi ko.
Ang ganda naman ng araw ko ngayon!
Excited na akong ibalita yun kay Jennie. Dapat ba muna akong mag-drama, para sabihin niya na hindi ako nakapasok? Grabe! Ang saya ko. First time ko lang makasali sa ganito!
BINABASA MO ANG
Us Against The World (JenLisa)
FanfictionPlease, don't give up on us. Kung napapagod ka, just take a rest and let me fight for the sake of our relationship. For the sake of our love and happiness. I love you, Lisa. I love you so much to the point na mali man sa paningin ng iba, ipaglalaban...