Jennie's Point of View
"What the heck, Jennie?!"
"Lisa, tama na.. Hayaan mo na siya." saad ko sa kaniya.
Hindi ko na kayang panoorin lang sila. Kaya agad kong pinigilan si Lisa. Pero nagpupumilit siya na makalapit dito dahil halatang gustong gusto niya iyon saktan. Which is hindi ko pwede hayaan na gawin niya 'yon.
"Lisa. Tara na, please!" agad ko siyang hinila palabas ng canteen, habang ang mga tao sa loob noon ay pinagtitinginan at pinag-uusapan kami.
Ipinunta ko siya sa field. Umupo ako sa isang bench habang siya naman ay nakatayo at nakatingin sa malayo.
"I can't believe this Jennie!" humarap siya sa akin na galit na galit. Tinignan niya ako sa mata at nanlilisik ito dahil sa galit. Umiwas ako dahil di ko kayang tignan iyon. Nararamdaman ko ang takot sa bawat tingin na ibinabato niya sa'kin.
"HINDI MO KO HINAYAAN NA BIGYAN SIYA NG LEKSYON!!! HAHAYAAN MO NALANG NA SAKTAN KALANG NILA?! NAGBUBULAG-BULAGAN KABA?!" pasigaw niyang saad, nagulat ako dahil first time ko lang siya nakitang galit na galit at sinisigawan na ako.
"BAKIT HINDI KA LUMABAN?!" tumayo ako at hinarap siya kahit natatakot ako sa ipinapakita nya sakin ngayon.
"Una sa lahat, ayokong madamay ka. Ayoko masira ang image mo sa iba. Ayokong ma-guidance ka ng dahil lang sa'kin. Ayokong mangyari iyon Lalice. Nahihiya ako kapag pinatawag ang magulang mo ng dahil lang sa'kin...." yumuko ako.
"At ayoko sila patulan.. Hindi dahil sa natatakot ako. Ayoko sila patulan dahil ayoko malaman ng nanay ko ang nangyayari sa akin. Nagtatrabaho siya dahil sa akin, ayoko na dagdagan pa ang problema niya. Ayoko magkagulo." sa di malamang dahilan biglang tumulo ang luha ko.
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.
Napakahina ko ba? Duwag ba ako dahil hindi ko sila pinapatulan? Napakawalang kwenta ko ba dahil hinahayaan ko lang sila na saktan at apihin lang ako? Siguro nga napakaduwag ko. Siguro nga ang hina ko, siguro nga napakawalang kwenta kong tao.
Kahit anong pilit ko na wag nang umiyak, hindi ko talaga kayang pigilan. Lumabas na ang luha na matagal ko nang tinatago. Nabigla ako ng hilahin ako ni Lisa at niyakap ako.
"Sssh.. It's okay. I'm sorry, I'm just mad. Thanks for being concern." sabi niya sa akin habang niyayakap ako at hinahagod ang aking buhok. Niyakap ko din siya pabalik. Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil matagal ko nang hinihintay na may taong iintindi sakin.
"Sorry kung napakaduwag ko." sabi ko sa kaniya.
"Ha??" tinignan niya ako ng nagtataka, pinitik niya ang noo ko ng sobrang lakas at napahawak ako dito.
"Bakit mo ginawa yun?" saka ko siya tinignan ng nakasimangot.
"You're not a coward. Iniisip mo pa nga ang kapakanan ng iba e. So hindi ka duwag para sa'kin. Kaya..." bigla na naman niya akong pinitik uli ng sa noo.
"Take off your glasses and wipe your tears. Dahil ang pangit mo umiyak Jen." saka siya ngumisi, tinignan ko siya ng masama. Ngayon naman ay pinisil niya ang pisngi ko.
"Loko ka!!!!" sabi ko sa kaniya, agad siyang tumakbo at hinabol ko naman din siya.
"Ang pangit mo umiyak Hahahaha!!" muli niyang saad habang tumatakbo.
BINABASA MO ANG
Us Against The World (JenLisa)
FanfictionPlease, don't give up on us. Kung napapagod ka, just take a rest and let me fight for the sake of our relationship. For the sake of our love and happiness. I love you, Lisa. I love you so much to the point na mali man sa paningin ng iba, ipaglalaban...