Jennie's Point of View
Maaga akong nagising and I don't even know why. Maybe I'm just excited to see HER again. After kong maligo, magbihis ng uniform at mag-ayos sa sarili, kinuha ko na ang bag ko at agad na bumaba.
"Good morning Nay!"
"Ang aga mo naman gumising Jen?" natawa naman ako sa sinabi sakin ni nanay.
"Nay.. Una na po ako." dun nalang siguro ako kakain.
"Teka, itong pera mo. Atsaka dalhin mo na rin 'to." sabay abot sa akin ni nanay ng pera at ng dalawang Baunan.
"Nay? Ano po 'to?" tanong ko sa kaniya.
"Baon mo. Dalawa na yan para sa kaibigan mo. Dali pumasok kana. Ingat sa biyahe." yumakap ako kay Nanay at hinalikan siya sa pisngi.
"Thank you nay. Ikaw din, ingat ka." sabay lagay ko ng dalawang baunan sa bag at inilagay ang pera sa wallet ko. Masaya akong lumabas ng bahay at bumiyahe na papuntang school.
Nakarating na ako sa Campus. Bumaba na ako ng jeep at pumasok na sa loob. Masaya akong naglalakad nang biglang....
"JEEEEEEENNIE!! AAAAAH!!!!"
"Ay tipaklong ka!"
Lumingon ako at nakita ko si Rosé na tumatakbo papalapit sakin.
"AAAAAAHH I MISS YA GIRL!!!" mangiyak-ngiyak niya na sabi sa akin kahit kunwari lang. Napatawa naman ako at binatukan siya.
"Sana lahat namimiss..."
"May nakakamiss din naman sayo pero di mo lang alam kung sino, ayyyyiiiiie!!" sabay siko niya sakin. Napailing nalang ako sa sinasabi niya. Nasa field kami ngayon ni Rosé at naglalakad na papasok ng campus.
"Uy! Sa Breaktime ah? Kita tayo sa canteen. Ipapakilala ko sayo ang matalik kong kaibigan. Magugustuhan niyo siya kasi mas makulit siya kaysa sakin. HAHAHAHAHA!"
"Aray!!" sabi ko. Ikaw ba naman hampasin sa likod. Jusko feeling ko lalabas ang puso ko sa ginawa niya. Ano bang klaseng nilalang itong si Rosé? May lahi siguro tong Four Arms or di kaya si Hulk na sobrang lakas kung makasuntok o makahampas.
"Sus.. Nagkukunwarian ka lang na nasasaktan noh?"
"Masakit ang paghampas mo sakin Rosé! Bad ka!" sabay pout ko. Tumawa naman siya.
"O siya! Kailangan na natin maghiwalay ng landas. Papasok na ako sa klase ko ayun ang mga kaklase ko oh. Bagong araw na naman para matuto! Booooring!!!" natawa naman ako sa kaniya. Kumaway na siya saka tumakbo.
Maya-maya pa ay nakarating ako sa tapat na ako ng room, agad akong pumasok at napansin ko na tumahimik bigla. Kanina parang sobrang ingay nila. Ano naman kaya ang problema nila? Napansin ko ang mga tingin nila na parang nanghuhusga. Kasama pa ang bulong nila. Naglalakad na ako palapit sa inu-upuan ko ng marinig ko ang bulong ng babae pagdaan ko..
Hindi ko alam kung sinadya ba niyang lakasan iyon para sakin.
"Buti nalang at natitiis siya ni Manoban noh? Kunwari banal-banalan pero nasa loob din ang kulo." sabi ng babae habang nakatingin sakin.
"Palibhasa walang papa at tanging mama lang ang meron sa kaniya. Kaya walang gumagabay sa kaniya kasi hiwalay na ang mga magulang niya. Sabi nga ng iba sa kaniya, masama daw talaga ang ugali niya." sabi naman ng kausap nito.
Bakit parang ang sakit?
Kahit wala man akong tatay may nanay naman na gumagabay sakin. Any minute gusto ko nang umiyak. Tanggap ko pa na sabihan nila ako ng masama ang ugali e. Pero ang husgahan ang nanay ko na hindi ako ginagabayan? Hindi na nakakatuwa. Below the belt na ang ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Us Against The World (JenLisa)
FanficPlease, don't give up on us. Kung napapagod ka, just take a rest and let me fight for the sake of our relationship. For the sake of our love and happiness. I love you, Lisa. I love you so much to the point na mali man sa paningin ng iba, ipaglalaban...