UATW 49

362 19 4
                                    

Lisa's Point of View

Nakarating na rin kami sa airport ni Jennie. Kinuha ko na din ang mga baggages ko at nagsimula nang maglakad.  Malapit na kami sa entrance nang may maramdaman akong yakap. Isang mahigpit na yakap galing sa taong mahal ko. Kapag ganito talaga, nahihirapan akong kumalas sa yakap niya. Nakakaadik naman kasi. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Parang kanina lang hindi niya ko kinakausap. Ni hindi man lang niya ako magawang tignan. Alam ko naman na hindi niya ko matiis.

Well, baka isang Lisa Manoban 'to.

Just kidding..

"Oy ingat ka ah? Chat mo agad ako or tawagan kapag nakarating kana dun sa Daegu. Basta aantayin ko ang tawag mo." natawa naman ako ng bahagya kasi bakas sa boses niya na malapit na siyang umiyak pero pinipigilan niya lang.

"Syempre naman. Makakalimutan ko ba yan?" sabi ko. Saka ako humarap sa kaniya.

"Atsaka Lili.." pahabol niya.

"Mmm?"

"Ano kasi..." nahihiya pa niyang sabi sakin.

Nagtaka naman ako sa inaakto niya. Bakit naman siya nahihiya ngayon? Atsaka bakit kailangan pa niyang yumuko? Ganun nalang ba ako kaganda para sa kaniya?

"Is there's something that you wanted to tell me?" tanong ko dito.

"Sinasagot na kita." sinasagot daw? Saan? Hindi ko naman siya tinanong.

Tinanong ko ba siya kanina?

"Huh?" ito lang ang nasabi ko sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maguguluhan sa sinabi niya?

"Ang sabi ko sinasagot na kita." pag-uulit niya.

Hindi ko alam kung bakit parang wala ako maintindihan sa mga sinasabi ni Jennie sakin ngayon. Epekto ba yan ng puyat niya? O baka ako talaga ang walang maintindihan? Tagalog na yung salita niya pero hindi ko pa rin magawang intindihin ang mga sinasabi niya sa'kin. Natanggal na ata ang turnilyo ko sa utak? Sino ba pwedeng humampas sakin nang magising ako at marealize ko kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya sakin.

"Anong sinasagot?" muli kong tanong.

"Wag na nga!" nakita kong sumimangot ito at umiwas ng tingin sakin.

I saw her pouting her lips. Mas nate-tempt tuloy akong halikan siya lalo na't ganyan siya. Ang cute niya pa magtampo. Instead na matakot ako sa kaniya, mas lalo akong natutuwa kapag nakikita ko siyang nakasimangot. Nagmumukha siya cute na kuting.

Tumawa ako ng bahagya dahil sa reaction niya. Pero sa isip-isip ko, wala naman dahilan para sagutin ako ni Jennie kasi in the first place I didn't ask her.

"Nini, hindi naman kasi kita tinatanong. Bakit mo naman ako sasagut---" natigilan ako.

Ilang segundo ata akong nakatitig kay Jennie at hindi nagsasalita. Sa oras na 'to ngayon ko lang narealize kung bakit niya nasabi yun sakin. Damn this brain! Alam kong matalino ako pero bakit hindi ko agad naintindihan 'to.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon