Lisa's Point of View
Nagsimula na ang klase kanina pa at hindi ako makapag-focus sa lesson namin ngayon. Ang naiintindihan ko lang ay magsisimula ang exam before the sembreak start. Bago nga lang mag-sembreak ay kailangan muna namin magpasa ng mga projects namin. Habang patuloy na nagdidiscuss ang teacher namin sa harap ay nilalaro ko lang ang ballpen na hawak ko. Pinapaikot ko lang ito sa daliri ko at iniisip kung bakit kakaiba ang mga inaakto ni Jennie ngayon.. Hindi man lang siya makapag-open up sakin ng mga nangyari kahapon sa date nila. At sa tuwing sinusubukan kong tanungin iyon ay iniiba niya ang topic. Bakit kaya siya ganun? May ginawa kayang kalokohan yung mokong na yun sa date nila?
Isinawalang bahala ko na lamang ang mga iniisip ko at pinilit na ituon ang atensyon ko sa klase.
Break time na namin. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Jennie.. Kumain na kaya yun? Lumabas ako sa classroom at habang naglalakad ako ay tinitignan ako ng mga nadadaanan kong mga babae. Alam ko naman na maganda ako. Hahahahaha!
"Lisa?" napalingon naman ako sa likod ko nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
I saw Vernon, he's walking towards me with a worried in his face.
Ano naman kaya problema niya at tinawag ako nito? For the first time, siya ang unang nag-approach sakin. Tinignan ko lang siya hanggang sa makalapit na siya sakin.
"Lisa. Can we talk?"
"Why?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"I just want to tell you something... It's important."
"Okay."
Nagdecide kami parehas na pumunta na lamang sa field ng campus para doon nalang mag-usap. Para kahit papaano ay wala akong masyadong makikita na mga kaklase ko na maiissue at masakit sa mata kung makatingin. Sarap tusukin ng mata nila.
Nang makarating kami sa field ay nakita namin na walang masyadong estudyante ang nasa labas. Nakatayo lamang ako at inaantay na magsalita siya.
"There's something important that I have to tell you, Lisa."
"Just say it. Nagmamadali ako." nakita kong yumuko muna ito saglit at muli akong tinignan.
"Lisa, I want Jennie to be mine." I just look at him without any expression on my face..
Hindi ko alam ano mararamdaman ko. Dapat ba akong magalit at magselos dahil sa sinabi niya o ano?
"And?"
"I want you to stay away from her." mariing sabi niya sakin.
"Wait. Who the hell are you to tell me that?"
"I just love her that much, pero paano niya yun mapapansin? Paano ko magagawang ipakita sa kaniya na totoo ang nararamdaman ko kung sa iba napupunta ang atensyon niya?" nagulat naman ako sa sinabi ni Vernon.
"What do you mean?"
"I talk to her yesterday. She said to me that she loved someone else."
"And?"
"That's you Lisa, she loves you!" pinilit kong hindi ngumiti sa mga narinig ko..
Parang gusto kong tumalon sa sobrang saya at kilig. Sigurado na ako na parehas na kami ngayon ng nararamdaman. Masaya ako dahil sinabi niya mismo kay Vernon na mahal niya ako. At sa taong pinagseselosan ko pa talaga.
BINABASA MO ANG
Us Against The World (JenLisa)
FanficPlease, don't give up on us. Kung napapagod ka, just take a rest and let me fight for the sake of our relationship. For the sake of our love and happiness. I love you, Lisa. I love you so much to the point na mali man sa paningin ng iba, ipaglalaban...