DeviL'S GRIP 1

8.6K 140 3
                                    


(SANDY'S POV)

Maganda ang mga facilidad, propesyonal ang mga guro, mga disiplinadong mga estudyante at maganda ang pamamahala sa paaralan. Dyan kilala ang LIVED ACADEMY.

Sabi ng iba mababait at iwas sa gulo ang mga estudyante dito.

Pero ang di nila alam....

.

.

Sa likod ng kagandahan at kabutihan ng Academy.

Mala demonyo ang mga nag-aaral dito. Pakitang loob lang ang nga sinasabi nila. Sa kalooblooban ng academy mo malalaman ang iba't ibang uri ng demonyo.

Naglalakad pa lang ako sa corridor marami ka ng maririnig na usap usapan ng bawat istudyante. About sa kasalukuyang kababalaghang nangyayare kung bakit maraming nawawalang istudyante. Sabi nila, mga lumipat na raw ng school pero may iilan na naglaho na lang bigla na walang pasabi.

*BOOOOGSH~
Isang malakas na kalabog mula sa hagdanan pasecond floor.
May nakasalubong ako na nag-aaway. Nagtutulakan at nagsisipaan. Ni wala ni isang pumigil sa dalawang lalaki. Itinulak ng isang istudyante ang isang lalaki at tumalsik ito sa akin. Kaagad akong humawak sa handrail upang di mahulog. Napahawak ako sa puso sa kaba, kamuntikannnankong mahulog dahil sa pagbangga ng lalaki sa akin.

"WALA KANG LUGAR SA ACADEMY NA TOH!!! KAYA ANG ADVICE KO SA'YO MAG-DROP KA NA!" sigaw ng lalaki. Sya si June Rey sikat sya dito dahil lahat nang tao takot sa kanya. Nakikipag away sya na walang dahilan. Kilala ko na sya... bagay talaga sya mag aral dito sa sama ng ugali nya. Hindi pa ako makaalis sa pwesto dahil sa tensyon ng pag aaway nila.

"Sir... sorry po... magpapa-Drop na po ako!" sabi ng lalaking kinakawawa ni June. Oo naaawa ako. =_= ang kaso wala rin akong laban sa kanya eh?! Magaling lang ako mangalap ng impormasyon pero ang makipag away. Iyak takbo ako!? Atleast naman umamin na ako agad!? Kaysa akalain nyong matapang ako.

"magaling!!! Akin na pera mo!" sabi ni June. Hindi pa rin ako maka-alis... kahit araw araw na akong nakakakita ng ganito... hindi pa rin ako sanay. Ibinigay ng lalaki yung wallet nya kay June. "UMALIS KA NA! NAKAKAIRITA KANG TINGNAN!" sigaw ni June. Tiningnan nya yung laman ng wallet. "Ano ba toh? 8 thousand lang! Sh*t! sayang ang pagod ko!" banggit nya.

( =_=) Napaka talaga!

"kalian pa kaya titigil tong taong toh?" bulong ko at dumeretsong umakyat sa Second floor.

"Sandy!!!" sigaw ng lalaki mula sa likod ko. Lumingon ako. O_O Si June... sinundan ako!? Hala ka! Baka suntukin ako nito! "Iwas na iwas ka ata?! Pwede bang..." sabi ni June sa akin. Ahhhh! Nanakawan ako nito!

"W-WALA AKONG PERA NGAYON!!!! NAKALIMUTAN KO YUNG WALLET KO!!! BIBIGYAN NA LANG KITA NG 12 THOUSAND BUKAS! PRAMIS!" sabi ko habang naka yuko at nakapikit. Hinila naman nya ako patayo. "hwag po!???? ( ~_~)" pagmamakaawa ko.

"Tigilan mo nga yan! Nababanas ako sa'yo eh?! Di kita nanakawan!!! HAYYYYY! NAKO! Tigilan mo mag-ganon at baka mapagtripan ka ng iba!" payo nya pero pagalit. Hwag nyong sabihin na magkaibigan kami. Kakilala pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Ahhhh! Oo ^-^ Hehehehhe! Sige~ sige~" sabi ko sabay iwas. Habang naglalakad ako, sunod pa rin ng sunod tong June natoh =_=.

Delikado ang buhay ko nito =_= marami pa namang kagalit toh????

May napadaan na teacher.

"^_^ Good Morning Ma'am!" pagbati ko. Ngumiti naman sa amin yung teacher kung alam nyo lang. Halos lahat ng teacher walang alam sa pinag-gagagawa ng mga Istudyante dito. Ni hindi nga nila alam na karamihan sa seksyon namin may dalang deadly weapon.

LiveD Academy: DeviL's GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon