DeviL's GRIP 8

1.3K 40 0
                                    

(JUNE’S POV)

Hindi kami umuwi ng maaga. Pumunta kami sa Lumang building. Bukas ang mga ilaw dun. Pumasok kami sa loob ng Lumang building. Nauna na ako sa pagpasok.

“June sandal-… Argh!” sabi ni Darren napalingon ako. May isang taong humanpas ng batuta sa balikat ni Darren. Nakaitim hindi ko Makita.

“Darren!!!” sigaw ko. Hinabol ko yung lalaking naka itim. Habang tawa ng tawa na hinahabol ko. “TUMIGIL KA!!!!!” sigaw ko dun. Pero hindi pa rin sya tumigil.

“June habulin mo lang… kasama namin ngayon si Darren maayos naman ang lagay nya.” Sabi ni Sandy sa contact “Sige!” sagot ko.

Sa isang kwarto.  May isang upuan sa gitna…

Pumasok ako sa kwartong yun… para saan yun.

“JUNE HWAG KANG PAPASOK SA KWARTONG YAN!” sigaw ni Tristan sa contact.

*BOOOOOOGSH~                            

May humampas ng balikat ko.

(TRISTAN’S POV)

Pagkasabi ni Sandy tugkol sa kalagayan namin may mga taomula sa likod namin. Tinutukannila kami ng baril parepaehas silang sa supot sa ulo.

“Magsisimula na ang laro” sabi ng lalaki mula sa likod ng mga kasama nya. “Darren long time no see… gusto mo bang mag laro ng Dart” yaya ng lalaking yun.

Parang sya yung pumalit sa babae.

Nagising si Darren sa pagkakapukpok sa kanya.

“Dart? Eh? Wala ngang Dart board loko loko ka ba?!” sabi ni Darren. Kung naka laro na nya yun dati ibig sabihin hindi sya yug leader…yung bagong leader. Hindi kami maka alis dahil sa mga baril at patalim na nakatutuk sa amin.

“Ganon? Ilagay nyo nga yung lalaki atsaka yung batang babae sa  dulo.” Utos ng lalaki. Inilagay ako at si Sandy sa  dulo na naka gapos. May inilagay silang mansanas sa ulo namin. “para maging fair… may isang kasamahan akong ipupusta… at ang ipupusta mo ay ang kaibigan mo” sabi nya.

May inilabas silang Monitor at nakita namin dun si June at yung isang lalaki na naka gapos at ang huhulugan nila at ang pool.

“hambog ka!” –sigaw ni Darren habang hawak hawak yung balikat nya na pinukpok. Naghihirap sya sa sakit. Hindi nya maigalaw ang kamay nya. “Mandurugas!”

“hhahahahha~ akin yung lalaki sa’yo yung babae” sabi nung lalaking yun. “meron lang tayong tig  limang kutsilyo.

(DARREN’S POV)

Buti naka alis agad si MA’am Miki.

Pero itong lalaking toh nahihibang na ata.

Paano ko matatamaan kung sa bawat paghawak ko ng kutsilyo na ngangatog ang kamay ko sa sakit ng balikat ko. Hindi maaaring patayin si Sandy.

“Kapag hindi matamaan ng tatlong  beses ang mansanas sa ulo nya… lulubog ang kaibigan mo. Hindi sya makakalangoy… nakagapos ang kamay at paa nya. Imposible sa kanyang makalangoy.” Sabi ng lalaki.

“makipaglaban ka ng patas!” sigaw ko sa kanya. Tumawa lang uli ito at tumingin kay Tristan at Sandy. “hwag mo silang idamay!!”

“Ayoko nga~ madali lang sa’yo ipusta ang sarili mong buhay… pero hindi ang ipusta sa akin ang mga kaibigan mo.. lalo na sya!” sabi nya savay turo kay Sandy na umiiyak. “nakakaawa naman sya… nagkaroon sya ng kaibigang gaya mo!”

“Tumigil ka na!” sigaw ko.

“Tama ka! Titigilan ko na ang pagdadaldal…. Simulan na natin ang laro.” Sabi ng lalaki. Tumira na sya. Na sakto sa Mansanas na nasa ulo ni Tristan. “Ikaw naman… hwag ka ng mahiya magaling ka naman ditto di ba?”

LiveD Academy: DeviL's GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon