*LIVED ACADEMY *
(MA’AM MIKI’S POV)
Nagyong araw… wala na namn si Sandy. Hindi pa sya bumabalik. Ba’t ba hindi ko magawang pigilan sila na hindi makuha si Sandy. KAsalanan ko talaga toh!? Ako lahat ang may kasalanan.
“Ma’am Miki” sabi ng isang boses nakita ko sa pinto ng bahay si Sandy na nakatayo lang doon. “bumalik na ako” dagdag pa nya. Lumapit ako at akmang yayakapin sya.
“Hwag! Hwag nyo akong yakapin!” sigaw ni Sandy sa akin napaurong ako dun. Kung ganon…
Magkatulad na sila ni Luke. Lumapit sya at niyakap ako ng marahan nakapatong lang ang ulo nya sa akin at hinawakan yung kamay ko.
“Ba’t ngayon ka lang bumalik?” tanong ko sa kanya. Hinimas ko yung ulo nya “Ano bang nangyare?” tanongko sa kanya.
“Ma’am Miki… Bumalik ako kasi oras na… yung nangyare naguumpisa palang pero di pa nagsisimula” sabi ni Sandy. Oras na? ano yung hindi pa naguumpisa? “ papasok po ako ngayon… kailangan ko ng magbihis” dugtong nya at habang derederetso sya sa loob ng bahay naalala ko bigla si Luke parang katulad na nya si Sandy.
Habang nasa loob ng bahay si Sandy.
“L.A. UNIT!” sabi ko sa contact. “Nandito na si Sandy” balita ko sa kanila.
“Si Sandy? Bumalik na?” tanong ni Tristan sa contact. Pagkalingon ko nagulat ako ng biglang si Sandy lumitaw sa harap ko.
“nawawala yung uniform ko… papasok na lang ako” sabi nya kung tititigan mo sya parang walang syang buhay. Ibang Sandy ba ang bumalik ditto?! Pinakinggan kong mabuti ang ingay.
*tik~ *tok~ *tik~ *tok~
Puro ganon ang naririnig ko. Isang orasan o relo?
“Sandy! Sandali sabay na tayo” sabi ko at sinamahan sya papasok. May iba talaga. Ano ba yung hindi ko nahahalata?
(TRISTAN’S POV)
Nasa academy na ako. Ganon pa rin ang nangyayare ditto pero ang mga tingin ng guro ditto ang L.A. Unit ang pinakamasamang tao ang nagaaral ditto sa Academy. Palibhasa walang alam sa mga nangyayare. Hindi man lang nila napapansin ang mga pagbabago sa kilos ng mga istudyante.
“Tristan…. Nandito na si Sandy” sabi ni June at nakita namin si Sandy na kasabay ni Ma’am Miki sa pagpasok. Pero pagpasok pa lang yung mga camera na agad ang tiniigan nya. Kumaway si Ma’am Miki sa amin. Pagkalapit nila sa am,in agad kong hinawakan ang braso ni Sandy.
“Sumama ka sa akin… may pag uusapan tayo” sabi ko at hinila sya. Balak kong pumunta sa room 14 kung saan nasisigurado akong nandoon sya kahapon.
“Dahan dahan lang!!!!!” sigaw nya pero hindi ko pa rin sya pinapansin. “Bitiwan mo muna ako!” reklamo nya.
Pagkapasok ko sa kwarto. Nakaupo doon si Ken.
“malapit na” sabi nya at habang naka upo sya hawak nya yung white queen sa chess at ang queen of hearts sa baraha. Nabitawan ko si Sandy. Lumapit si Sandy kay Ken habang hawak nya yung braso na pinaghawakan ko sa kanya.
“ang bilis mo naman pumunta ditto… kakarating mo lang sa academy di ba?” tanong ni Ken kay Sandy “Mauna ka na… gawin mo na yung dapat mong gawin!” sabi ni Ken habang nakangiti sya kay Sandy.
Tumango lang si Sandy at tinititigan ako…
Nang magkasalubog kami.
“to find the real heart, you must go in the place where your heart wants to go…” bulong nya at dinaanan ako habang ako naman at nakikipagpatayan ng titig kay Ken. Agad kong hinabol si Sandy sa binabalak nila.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip
Mystery / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...