(SANDY’S POV)
Sa Hospital…
Habang nakahiga si Tristan sa kama ng hospital.
“Iwan ko muna kayo ditto… Sandy umuwi ka na pagkatapos ahhh” sabi ni Ma’am Miki. NAgpaalam sya sa akin.
Kausapin ko kaya toh ng tulog…
“Tristan?” tanong ko sa kanya pero walang kibo malamang tulog na tulog toh. “may aaminin ako sa’yo napakabigat ng kasalanan ko…” dagdag ko
Tumingin uli ako sa kanya. Tulog pa.
“kasi… bago yan gusto ko lang malaman mo na… lahat na ginawa ko sa L.A. Unit nagmula sa totoong ako” sabi ko. “Ako ay….” Di na tuloy kong sabi
“Totoong ikaw?!” sabi ni Tristan. Hala! Gising sya! “bakit anong kasalanan yun?” tanong nya uli.
“wala~ wala~ nagiinarte lang ako. Wala toh!” sabi ko sa kanya patayo na ako ng biglang hawakan nya yung kamay ko sabay lapit ng mukha nya. Sabay haplos ng pisngi ko.
NApapikit ako. Akala ko hahalikan na naman nya ako ng bigla syang napatingin sa pinto.
“O_O Darren?” gulat kong sabi at lumayo kay Tristan. Agad na lumapit sa akin si Darren “Darren sorry” sabi ko.
Hinila nya ako palayo.
“bitawan mo sya!” sigaw ni Tristan kay Darren
“Hayaan mo kaming mag usap!” sabi naman ni Darren. Ano na naman bang gulo ang ginawa ko. “Ang kulit mo talaga eh noh?! Di ka ba nagiisip! Kapag nalaman ni Ma’am Miki yang ginagawa mo!” galit nag alit na sigaw ni Darren sa akin habang nasa labas kami ng kwarto ni Tristan.
“Ano bang kailangan malaman ko?” biglang tanong ni Ma’am Miki sa amin. Napalayo kami sa isa’t isa. Patay tayo dyan. Baka… baka maalis agad ako sa L.A. Unit.
“Ma’am Miki kasi po….” Sabi ko aamin na ako. Total parehas rin naman yung nararamdaman namin ni Tristan sa isa’t isa. “kasi po….” Dugtong ko habang hindi ko masabi ang totoo.
“kasi nagpa-practice sila para sa play namin sa theatre gusto talaga ni Sandy sumali Ma’am” singit ni June na nasa likod ni MA’am Miki. “Sandy… subukan mong ibahin yung acting mo lagi na lang si Darren ang magaling” dugtong pa nito at inakbayan kaming dalawa ni Darren.
“Ma’am hintayin nyo na lang po ako sa labas ng hospital uuwi na rin po ako…” sabi ni June “pag uusapan lang namin yung acting kanina” dugtong pa ni June at tumingin sa aming dalawa.
“Ohhh sige… siguraduhin nyo lang ahhh” sabi ni MA’am Miki at umalis.
Hinila kami ni June papasok sa kwarto ni Tristan. Se-sermonan na kami. Isa isa naming tinanggal yung contact naming lahat.
“Mga sira ulo kayo noh…. Lalo ka na Sandy!? Sinong may sabi sayong ipahulog sayo si Tristan! Ikaw na ang nagsabi sa akin.” Sigaw ni June. Napayuko ako. “Rule #1 don’t trust anyone…. Rule #2 don’t fall in love!... hindi mo pinanindigan yan!!!” sigaw nya sa akin.
Kailangan ko na bang sumagot…
“Sandy kaibigan kita simula pa lang nung una ikaw na yung nakasama ko at kilala na kita… lagi mong nilalabag yung rules pero ngayon!” sigaw sa akin ni Darren. Humarap sya kay Tristan. “Ba’t hindi nyo napigilan yung nararamdaman nyo… makakasira lang yan sa atin… tayo tayo lang din ang magsisiraan dyan ba lang araw!” sabi nya.
Napaupo ako sa higaan ni Tristan. Nanlugmok na ako. Nanghihina ako sa pinagsasabi nila sa akin.
“Anong gagawin nyo…. Kakalimutan na lang ba natin toh pati yang nararamdaman nyo sa isa’t isa o sasabihin natin kay Ma’am Miki at maghanda kung sino sa inyong dalawa ni Tristan ang mawawala sa L.A. Unit” tanong sa akin ni June.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip
Mystery / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...