*GAME 1*
(SANDY'S POV)
Nagising na lang ako sa isang madilim na kwarto. Wala kang halos Makita sa sobrang dilim hindi ko nga alam kung sino sino ang mga nasa paligid ko.
Basta ang alam ko lang... Ayon sa pakiramdam ko. Naka upo ako sa upuan at nakagapos. Hindi kasi ako makagalaw eh?! Nasan na kaya ako?
"May tao ba?" tanong ko na walang kasi guraduhan kung may sasagot. "sumagaot naman kayo oh!" sabi ko. Pero wala talaga.
Nang biglang bumukas yung ilaw. Nagulat ako kasi nakalagay ako sa pool na walang tubig. Yung mini pool ng academy. Sa pagkakagapos ko ditto sa upuan halos hindi ko Makita ang yung paligid. Basta ang alam ko lang nasa mini pool ako.
Kinapa kapa ko ang lubig na nakagapos sa akin ng maramdaman ko na parang may tao sa likod. Pagkalingon ko nakita ko si Tristan na katabi kong nakagapos at walang malay.
"Isa na naman toh sa mga laro ni Devil" bulong ko. Nang pilit kong ginigising si Tristan. "Tristan!! Gising!!!" sigaw ko habang ilaalog alog ang upuan para magising sya.
Ang himbing naman ng tulog nya. Pinagmasdan ko ang paligid at may nakita akong camera na nakatutok sa lugar namin.
"Nasan ako..." sabi ni Tristan. Hay salamat nagising rin! "Ano bang nangyare?" tanong pa nya.
Lumingon din sya sa akin.
Nakatingin ba sya sa akin? Hindi ko alam. Medyo lumalabo ang mata ko.
"Nasa mini pool tayo..." sabi ko sa kanya mukhang yun lang naman ata ang gusto nyang malaman. "may mga malalaking hose na nakalagay sa lugar natin" dugtong ko.
"sino kaya yung uunahin nya?" tanong ni Tristan.
"si Darren" sabi ko na nakatingin sa kaya. "Nakita ko yung pagkasunod sunod ng laro nya at ang ihuhuli nya at tayo... basta si Darren ang una" paliwanag ko. Nang biglang sumeryoso ang mukha nya
"Pano mo nagawa to?" tanong nya sa akin. Napatahimik ako sa tanong nya "alam mo bang hindi pa ako naloloko ng kahit sino... pano mo ko naloko sa simula pa lang ha?" tanong nya na medyo naiiba na ang aura
"Hindi ko to ginawa... hindi rin kita niloko... wala akong niloko ni isa sa inyo.... Ginawa ko lang yung mga sinasabi nya bukod dun wala na akong ginawa" paliwanag ko.
"umamin ka na... hwag ka ng magsinungaling... kilala ka ni June bilang isip bata na sakit sa ulo at ni Darren bilang kaibigan nya. Sino ka ba talaga?" tanong nya.
(TRISTAN'S POV)
Sa sobrang kaba ko sa nangyayare napatanong ako kay Sandy nang di nagiisip.
"Hindi mo ba talaga ako kilala..." sabi nya "ako yung laging panira at laging sumisira sa inyo... ako yung taong lihim na sinisira kayo at ako rin yung taong walang alam na ibang Rules" dugtong nya. Sinubukan ko syang lingunin at nakita kong umiiyak sya ang kaso hindi ganon kalakas katulad na lang dati na kadalasan nyang ipinapakita sa amin.
"p-pasyensya na..." sabi ko at hinawakan ang kamay nya "hindi ko sinasadyang sabihin yun... masyado lang akong hindi makapaniwala sa nangyayare... pasyensya na" sabi ko sa kanya.
"hindi!!!.... tama ka naman eh?! Walang ni isang nakakakilala sa akin... si MA'am Miki... Ikaw si Darren at si June maski ako hindi ko kilala" sabi nya na humahagulgol "basta ang alam ko sira na ang buhay ko.... Sumisira din ang buhay ko ng ibang buhay... masyado na akong naguguluhan simula pa lang ng pagkapanganak ko!" sabi nya.
Hindi ako kumikibo at hinawakan lang ng mahigpit ang kamay nya. Kasalanan lahat toh ni Devil. Hindi si Sandy ang sumisira kundi ang DEvil na yan! Ipapangako ko na sisirain ko rin ang buhay nya katulad ng paninira nya sa buhay namin!
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip
Mystery / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...