DeviL's GRIP 27: GAME 3

818 25 0
                                    

(JUNE’S POV)

Nang magamot ko ang sugat ni Angela. Dali dali kaming pumunta sa academy. Ang balon ay matatagpuan sa lumang bahay sa harap ng Academy.

“Nakatulong ba sila?” tanong ko kay Angela.

“malaki” sagot ni Angela.

Nang makarating na kami sa tapat ng Academy naka-lock ito at naka kandado ng libo libong kandado.

Kinuha ko ang contact k okay Angela at sinuot ko uli sa akin.

“Hindi na muna natin kailangan  yung tulong nila… sa ngayon paraan ko naman ang gagawin natin” sabi ko. “Pumasan ka…” utos ko sa kanya.

“Arayyy” sabi ni Angela.

“yakapin mo lang ang katawan ko. Hwag mong ihahawak yung isang kamay mo na may sugat” sabi ko sa kanya. Pumasan sya sa akin at umakyat lang  sa gate ng Academy yan ang kadalasan kong ginagawa lalo na kung half day lang ako pumasok.

“pumunta na tayo sa science laboratory” sabi ko at nagsimula na kaming tumakbo papunta kay Ma’am Miki.

(MA’AM MIKI’S POV)

Ano bang kwarto toh?

O_O Ito ba yung kwarto kung saang nagpakasunog si Yui. Si Yui na baliw at leader ng Revoc.

Ba’t ba ako nasa lumang science laboratory?!

Bumangon ako sa pagkakahiga. May nakita akong Monitor apat na monitor. Naka sulat sa isang monitor ay ‘GAME OVER’ sa pangalawa naman ay ‘WINS’ ang pangatlo ay sa mini pool kung saan nandoroon sila Sandy at Tristan.

“Sayang Micah… hindi mo nakita ang paghihirap ng mga Istudyante mo…” sabi ng lalaking nasa harap ko. Biglang bumukas yung ilaw. O_O Lumapit sya sa akin at hinawakan ang tenga ko. “Mama… nakalimutan mong i-On ang contact…” dugtong pa nya habang ako napatulala lang sa kanya.

“L-Luke?!” tanong ko habang nakatulala sa kanya.

“malalaman mo sa tamang panahon… at saka hindi ako magpapakilala sa sarili ko kundi isa sa pinaka mamahal mong Istudyante ang magpapakilala sa akin… malalaman mo rin yun…” sabi nya at tumingin sya sa orasan. “Parating na ang nanalo sa laro…” dugtong nya at paalis syang nakatingin sa akin.

“sandali… ba’t mo ba sila dinadamay… ba’t ka ba nagkakaganyan?” tanong ko.

“hindi pa ngayon ang panahon para malaman mo yan…” sabi nya at bago isarado ang pinto may sinabi sya muna “kung gusto mo protektahan yung mga istudyante mo…. Gawin mo…  kahit sa anong paraan. .. kita na lang sa pagsasalo” sabi nya at umalis.

Ano na naman ba ang balak nya?! Di ko akalain na si Luke ay si Devil.

Sa totoo lang kasalanan ko naman lahat eh?!

Kaya sila nadamay… dahil sa kakagawan ng anak ko. Nang sarili kong anak.

Biglang bumukas yung pinto.

“Ma’am Miki! May nangyare ba sa inyo?” tanong ni June sa akin at tinulungan akong tumayo “L.A. Unit! Nakita ko na si Ma’am Miki… pupuntahan namin kayo dyan!” sabi ni June sa contact.

Napansin ko ang kasama nyang babae. Sya si Angela… ang dating mission ni June.

“Ma’am Miki! Maayos na po ba kayo?” tanong ni Sandy sa contact.

“Ma’am… narinig namin yung paguusap nyo kanina… si Devil ang nakausap nyo.” Sabi ni Tristan sa contact.

Ba’t ba pati kayo nadamay ditto?!

LiveD Academy: DeviL's GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon