(SANDY’S POV)
“Tristan at Sandy… Lumayo kayo… kung sakaling tumakbo sya kayo na ang bahala” sabi ni Ma’am Miki. Lumayo kami katulad nga ng sabi ni Ma’am Miki sa contacts. Habang sila Darren at June naman ang pumunta dun sa library.
“Kung ikaw si Hiro…. San ka pupunta? O Magtatago?” tanong sa akin ni Tristan. Maka tanong naman toh?! Kailan pa ako nag mukhang lalaki ahh?! Atsaka! Kung kausapin mo ko ng ganya eh close tayo??? galit pa rin ako sa’yo oyy! Di kita bati! Pero dahil seryoso sya sige sasagutin ko na.
“kapag ako si Hiro pupunta ako o magtatago dun sa walang tao tapos yung tipong marami kang pagtataguan” sabi ko sa kanya. Napa isip naman sya dun.
“Katulad ng likod ng school.. dun banda sa parking Area?” tanong nya sa akin. ( =___=) Oo! Maraming sasakyan dun eh?! Maraming taguan.
“parang doon nga…” sabi ko… habangnakatingin sa kanya na nagtataka.
“nandoon sya” sabi nya. Tumakbo sya hilahila ako papuntang parking Lot sa likod ng academy.
Anong nandoon sya??? Di ba nga nasa Library sya??! ( =_=) Pa-uso toh ahh?!
“TRISTAN! SANDY!” sigaw ni June sa contacts namin.
“Bakit?” tanong ko.
“Wala sya dito! Jacket lang at isang sulat ang nakita namin” sabi naman ni Darren na kasama ngayon ni June.
“sulat?!” pagtataka ko. Tumigil kami dahil nakarating na kami sa parking lot.
(TRISTAN’S POV)
Sabi na eh?! Ibang tao tong si Hiro… di sya basta basta.
“kaya nyang manupulahin ang lahat…” nabanggit ni Sandy habang nakayuko. Naglabas sya ng papel at ballpen. Sabay tingin sa akin.
“basahin mo…” –sabi ko. Nagtake down notes kami. Magaling sya magmanipula.. kung ganon kailangan lang namin sakyan ang mga pakulo nya.
“ito… ’kung gusto nyo akong Makita, ako ay nasa unahan ng bawat numero ng pangalan ng taong nasa isip nyo ngayon’ yung ang nakalagay sa sulat.” Sabi ni Darren “nasan na kayo?!” tanong sa amin ni June.
“nasa parking lot” sabi ko. Habang nagiisip kami kung anong palaisipan iyon?!
“…ako ay nasa unahan ng numero ng pangalan ng taong nasa isip nyo ngayon” pagbanggit muli ni Sandy. Kinuha ko yung Notes nya. “yung taong nasa isip natin ngayon ay kadalasan yung taong nagsasalita o yung taong kausap natin” dugtong nya.
“Kung ganon… ang pangalan nya yung sagot sa unang palaisipan.” Sabi ko at isinulat yung pangalan nya sa papel. H-I-R-O? “pang ilang ang… H… I… R… O… sa Alphabet?!” tanong ko kay sandy.
“Kung hindi isasama yung Ng at Ñ… H-7, I-8, R-18 at O-15. Bakit?!” tanong nya sa akin. ‘Unahan ng bawat numero?!’ Kung ganon… 7, 8, 18,15. . Unahan?!
“7811?” nabanggit ko. Napatinginnaman sa akin tong si Sandy. Nagtataka na ata sya sa akin eh?! ( =___=)
“Oy! Yung tinutukoy mo ba.. Number ng plate ng sasakyan ahhh?” tanong nya. Plate number? Possible nga.
Dumating na sila June at Darren.
“hanapin natin yung may plate number na 7811” sabi ko. Kumilos na kaming lahat. Wala pa rin kaming Makita hanggang sa nagkitakita kami sa gitna may isang Van na lang ang hindi namin na titingnan.
“Tristan… yan yun di ba?” tanong ni Sandy sa akin. Binuksan ko yung pinto. Pumasok kaming lahat sa loob.
“so??? Kayo pala ang isang guild na napapabalitaang responsible sa mga Istudyanteng nawawala” sabi ng lalaki sa likod.
![](https://img.wattpad.com/cover/20572610-288-k123757.jpg)
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip
Mystery / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...