DeviL's GRIP 20

1K 28 0
                                    

(DARREN’S POV)

Nagising na lang ako sa isang lugar na nakatapat sa akin ang ilaw. MAdilim tangging sarili ko l;an gang nakikita ko. May naririnig akong ngumingisi…

“LUMABAS KAYO!!! SINO KAYO!?!” sigaw ko pero walang sumasagot. “SUMAGOT NGA KAYO MGA SIRA ULO!” sigaw ko muli.

“Hahahahhahahaha! Ang simula ng laro ay nagsisimula pa lang… hindi pa ito nag-uumpisa. Gusto nyo ba ng paunang mechanics?!” sabi ng isang boses. Wala pa rin akong Makita.

“SINO KA BA? HWAG MONG PAGLALARUAN ANG BUHAY KO!” sigaw ko. Tawa lang ng tawa ang boses na naririnig ko banda sa harap ko.

“hwag kang mag-alala di lang naman ikaw ang paglalaruan namin eh?!” sabi ng boses saka umilaw ang harap ko. O_O Si Sandy “papaglaruan ko ang buhay ng mga kaibigan mo” dugtong ng lalaking boses.

“S-Sandy? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Nakayuko lang sya na nakaharap sa harap ko. Unti unting lumiwanag ang paligid. “Sandy tumakas ka na!” sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin.

Yung kamay nya na nakalagay sa likuran nya ay unti unti nyang iniharap. Hindi sya tumatayo sa kinauupuan nya kahit na walang gapos ang kamay nya. Ano bang nangyayare?!

“Sandy!!! Ano bang ginagawa mo? Umalis ka na!?” sabi ko sa kanya. Nang lumiwanag nan g tuluyan ang paligid katabi ko pala si June na nakatakip ng tape ang bibig. “June?” tanong ko. Nagising si June sa pagkakapikit. Parehas kaming nakagapos maliban kay Sandy na naka upo lang sa harap namin. Maski si June nagulat sa nakikita nya wala man lang reakyon si Sandy sa mukha nya.

“Mga siraulo pala tong mga kaibigan mo Sandy… hindi madaling makahalata.” Sabi ng boses. Biglang sumulpot sya sa likuran ni Sandy. “Gawin mo na ang dapat mong gawin…” utos nito kay Sandy. Lumapit si Sandy kay June at kinuha ang contact nito. Itinapon nya sa sahig at inapakan para masira.

“Kunwarian lang ang pagdukot sa’yo?” tanong ko kay Sandy. “sa simula pa lang niloko mo na kami?” dugtong ko.

“H-Hindi! Hindi ko kayo niloko…” sabi nya habang umiiyak. “Gusto ko kayo maligtas ang kaso…” sabi nya na hindi nya matuloy.

“ANG KASO ANO?!” sigaw ko.

“Ang kaso… hawak ko ang buhay nyo. Kapag ni isa sa inyo ang magtangkang sirain ang laro ko babawian ko agad ng buhay” sabi ng lalaki. “Ako si Devil… ako ang may mga pakana ng nangyayare sa academy… lahat lahat ngayon alam nyo na… kailangan nyo munang makatikim” dugtong nya. Hindi ko sya mamukhaan dahil sa mascara na suot ni Devil ngayon.

“Tigilan mo na sila! Ang usapan natin…. Hindi mo sila papatayin di ba!” sigaw ni Sandy kay Devil. Natawa na naman si Devil. “Usapan natin yan! Susunod ako sa’yo hwag mo lang sila papatayin!” dugtong ni Sandy habang umiiyak.

“Hindi ko naman sila papatayin! Papahirapan ko lang… hindi naman ganong kasakit yun eh!?” sabi ni Devil. Dumami yung mga kasama nya. Kung hindi ako nagkakamali. Dapat balot lang sa mukha ang suot nila pero ngayon naka mascara na sila na parang malungkot na kaluluwa ang itsura. “Simulan nyo na ang pampagana…” dugtong ni Devil.

Tinanggal ng isang kasama ni Devil ang tape na nakatakip sa bibig ni June. Hinawakan nila ang braso para hindi makapalag at pilit na pinapaalis sa lugar kung nasaan kami.

“SANDY!!!! SA TINGIN MO MATUTUWA SI TRISTAN KAPAG NALAMAN NYA KUNG SAAN KA TALAGA KABILANG!” sigaw ni June kay Sandy habang pilit syang pinapaalis at pinapalipat sa kabilang kwarto. “ANG TIBAY DIN NG LOOB MO! NAGAWA MONG SIKMURAIN YANG DEMONYONG KASAMA MO! AT HIGIT SA LAHAT NAGAWA MONG SIRAIN ANG L.A. UNIT SA ISANG IGLAP LANG!!! SANDY!” sigaw ni June hanggang sa mhindi na namin maintindihan ang sigaw nya sa kabilang kwarto.

LiveD Academy: DeviL's GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon