DeviL's GRIP 28: GAME 4

868 28 1
                                    

(SANDY’S POV)

Nang nawalan na si Ma’am Miki ng malay. Agad akong tumayo ay hinanap ang susi. Yung susi na nasa ilalim ng lamesa. Agad kong binuksan ang pinto at tumakbo pa alis.

“Sandy! Sandali lang!” sigaw ni Tristan sa akin habanghinahabol nya ako “Tumigil ka! Hwag kang tumakbo!” sigaw nya. Habang ako patuloy lang sa pagtakbo nagtago ako sa isang classroom sa second floor ng building.

“Hwag mo na lang ako sundan!” sigaw ko at nung napansin ko na nasa tapat na sya ng pinto ng classroom tumigil ako sa pagsasalita.

“Hanggang kailan ka magtatago! Hanggang kailan mo tatakbuhan ang problema!” sabi nya na may pagkakairita ng boses. “para saan pa ang L.A. Unit kapag sinasarili mo lang ang lahat” sigaw nya.

“hindi ko naman sinasarili” sagot ko sa kanya. “gusto ko lang mapag isa” sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa pinto para pagbuksan si Tristan.

O_O

“Anong problema?” tanong ni Tristan. Lumingon ako para tingnan ang paligid. “Umalis ka na dyan!” sigaw ni Tristan.

Nakita ko yung monitor sa loob. Sinubukan ko uling buksan yung pinto ang kaso naka lock.. ayaw mabuksan. Naka stock ang pinto.

“Ayaw mabukas!” sabi ko kay Tristan habang inuuga uga ang pinto nang may nakita akong device sa isang gilid ng pinto. Hindi ko alam kung ano toh pero parang kailangan mo pang mag lagay ng number.

“sagutin ang tanong, nang ang landas ay mabukas…. Sandy nahulog ka sa patibong. Gusto mo malaman ang laro mo?” tanong ni Devil na nasa screen ng Monitor.

“ANG LARO MO AY MATATAPOS NA!” sigaw ko sa kanya.

“Pano ka nakakasigurado?! Ang larong ginawa natin ay kailanman hindi matatapos” sagot nya

“yung taong nasa labas sya ang magliligtas sa akin… sya ang tatapos ng larong pakana mo!” sagot ko sa kanya.

“Ang larong ginawa naten!” Asar na sagot ni Devil. “sa loob ng isang minuto kapag hindi mo nasagutan ang kabuuang sukat ng bola na nasa harap mo” utos nya

Lumabas ang timer sa ang 1:00. Meron lang akong 60 na Segundo para masagutan yun.

“Bilang pampaggana sa’yo… kapag hindi mo yan nasagutan sa loob ng isang minuto babalutan ng tire gas ang kwarto kung saan ka naka kulong … good luck” ang huli nyang sabi at nagsimula ang timer na gumalaw.

Agad kong kinuha ang medida na katabi ng basketball ball. Isinukat ko ang Radius.  Ang Radius ay ang sukat mula sa center palabas o ang sukat kalahati ng Diameter. At ang tawag sa kabuuang sukat ay Circumference.

“ANG ANG FORMULA PARA MAKUHA ANG CIRCUMFERENCE!” sigaw ko kay Tristan kasi unti unti ng sumisingaw yung Tire gas kahit hindi pa tapos ang timer.

Isinulat nya gamit ang kamay nya ang sagot.

c

Ayun sa Pagsukat ko ng Radius ang bola na toh ay may sukat na 5”

Ang equivalent ng

C=(2)(3.14)(5 inch)

C=6.28 x 5 inch

C=31.40 inch

Lumapit ako sa pinto at inilagay ang numerong 31.40

Nang biglang nagsalita si Devil.

“Ang oras mo ay bumibilis hahahha” tawa nya. Ang 30 seconds kanina ay mabilisan ng nagbabawas ng oras.

(TRISTAN’S POV)

Kahit anong gawin ko sa pinto ayaw pa ring bumukas.

“Hwag kang hihinga!” sigaw ko. Tinakpan nya yung bibig nya.  Halos wala na akong Makita sa loob puro usok na lang.

LiveD Academy: DeviL's GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon