[Joseph's POV]
"Ano ba yan ate Mei Accuhan no na yan, matatalo ka na nyan e" bulyaw ko sa ate ko na katabi ko lang naman dito sa computer shop naglalaro kasi kami ng Touch 3claws isang Virtual dance online game sa computer.
"Oo na nakakatense kaya tong kalaban ko ang mamaw e" sagot nya.
"Weak head Weak Weak , Quit Ka Na" Pang aasar ko sa kanya
"Hmm.sinong Weak ngayon Tss Talo sya men, ang supportive mo kapatid nu wala kang gift sakin." Pambubuska nya sakin.
Pero infairness naman sa kanya deserved nya ung title na Head ng aming guild na Freaky guild . Isa sya sa Promotor kaya naging Player din ako sa larong to.
Ewan ko ba pero nahumaling na ako ng sobra sa larong to at sabi pa nila pwede mo raw mahanap dito yung forever mo sa game.nyemas pano napasok ung forever dun . forever doesn't exist yan ang paniniwala ko di ako bitter ah Pramis! Dun din kasi nakilala ng ate ko yung boyfriend-slash-couple in game nya.magbebreak din yun.
Alas tres na ng hapon ng mapagpasyahan naming umuwi na. Tiyak maraming ng Gawain sa bahay at may misa na naman si mama sa haba ng sermon nya.
Ako nga pala so Rylle Joseph Santos 18 yrs old, isang Hrm Student sa isang university dito sa manila,178cm Maputi Matangos ang I long , manipis na mga labi , may maamong mga mata,maraming nag sasabi na Mas mukha akong babae kesa lalaki Cute naman kasi talaga ako o baka ineechos lang nila ako. Dalawa kaming magkapatid si ate Mei Lyn ang panganay 22 yrs old Ang mga magulang naman namin ay sina Esther at Harold Santos.
--
Pagdating namin sa bahay ay Parang tahimik at walang tao baka wala si mama And speaking of mama nandito na pala sya sa likod namin at madaming dala mukhang galing sya sa palengke .
"Ano titignan nyo nlang ako ? Di nyo ba ako tutulungang ipasok to?" Sabi ni mama Sabay about ng mga pinamili nya .
"Ay opo nay" sabi namin ng ate ko sanay kuha nga mga ito.
"Joseph ikaw ang magluto nyan ah sinigang lang yan" Utos ni mama sakin
"Sige po nay" sagot ko
"Aakyat muna ako sa kwarto ko tawagin nyo ko pag dinner na at pag dating na papa nyo." Si mama
"Sige Nay" sagot ko at nag umpisa na along magluto.
--
"Ate tawagin mo na si mama kasi tapos na ako magluto" sabi ko Kay ate
"Sige" Sabi nya sabay akyat sa kwarto ni mama.
"Nanjan ka na pala tay,Mano Po tay"
"Kamusta Kayo dito?" Tanong ni papa
"Ayos naman po, Maupo na kayo sa hapag pa ihahain ko lang ung hapunan" sabi ko
"Asan ang mama mo?" Tanong ni papa
"Pababa na po tinawag na ni ate" sagot ko
Dumating na si mama at si ate. Habang kumakain ay biglang nagsalita si papa
"Pasukan mo na pala bukas Joseph maaga kang mag pahinga at ate mo na ang Bahala sa hugasan ah"sabi ni papa
" sige po pa" sagot ko
Natapos ang hapunan at nag ayos na ako ng mga gamit ko para bukas at naglinis muna ng katawan bago matulog .
---
Nagmadali akong pumasok kasi 20mins nlang start na ng unang klase ko pero di ko pa alam kung saan ang room ko. Nakarating ako ng University at meron pa akong 10mins para hanapin to kaya lakad takbo ang ginawa ko . sa kakamadali ko di ko napansin Yung Lalaki sa harap ko kaya natumba kami pareho.Nasa ilalim sya at Nasa ibabaw ako. Awkward =.=
YOU ARE READING
Behind The Arrows (On-hold)
RandomAng bully at ang nerd Ang Newbie at ang pro Gulo to panigurado Hanggang san ang Kaya mong ilaban ? Ating subaybayan A Love Online To Offline Dedicated To: Freaky Guild & Touch 3claws Players