[Joseph's POV]Naging Masaya at maayos ang pagrereport namin kanina sa room,ang sigla kasi ni geo kanina siguro dahil dun sa kagabi.nandito kami ngayon sa hallway naglalakad papuntang cafeteria treat nya na daw kasi mataas na marka yung natanggap namin para sa report.habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si rey.
"Pre,Bat magkasama kayo ni babe?Haha" si rey tanong nya Kay geo.
"Pupunta kami cafeteria.sama ka ?my treat pre" Sagot nya Kay rey.
"Ayy di na,may sasabihin lang sana ako Kay babe Hehe." Si rey.sabay tingin sakin.
"Bakit ano yun?" Tanong ko.
"Invite kita mamaya nuod tayo ng sine.diba Hindi tayo natuloy kagabi?hehe" si rey.
"Ahhm" tumingin muna ako Kay geo bago sumagot pero Poker face sya"Si..sige Rey hehe"nahihiya Kong sagot.
"Yaayy!Sunduin kita later ah" si Rey.Pero yung isa poker face parin.
"No!intayin mo nalang ako sa guard post"Sagot ko sa kanya.
" Tapos na ba kayo?if you don't mind gutom na kasi ako e."iritang sabi ni Geo.Ano problema neto back to suplado nanaman.
"Sige alis na ako pre.Maya nalang babe ah hehe" Paalam nya sabay alis. Pero itong isa salubong na yung kilay.
"Tara" Yaya ko pero sya biglang naglakad ng mabilis kaya binilisan ko na din.hanggang makarating kami ng cafeteria.Pinagtitingan kami pag pasok namin dun kasi ang ingay ko kakatawag sa kanya.
"Geo"
"Geo saglit"
"Mokong Ano ba!"Pagsigaw ko nun e bigla syang huminto kaya bumangga ako sa Likod nya.
"Ouch!Bat ka naman huminto" Galit kong sabi habang hinihimas ang noo ko.
"Don't you dare call me Mokong Again" Galit na bulong nya sakin.
"Sorry Kalma lang.Ang bilis mo kasi e"Nakakahiya Ngayon lang ako naging aware sa itsura nya halos lahat ng babae nakatingin sa kanya pati mga Kabaklaan.
" Follow me"Pumila sya sa Counter at bumili ng pagkain pero naiba yung plano nya na sa cafeteria kumain kasi sa garden na sya papunta.
"Bat dito tayo sa garden akala ko ba sa cafeteria tayo?" Tanong ko sa kanya.pero umupo na sya sa Favorite spot ko.
"Ang ingay mo kanina diba?Lahat nakatingin satin.Kainis ka" inis nyang sabi sakin.sabay abot sakin ng pagkain.
"Sorry naman.Pero thank you sa treat geo,mabait ka din pala minsan di lang halata haha" Pasasalamat ko sa kanya.
"Is that a compliment?Magte thank you nalang dami pang sinasabi" si Geo.
"Haha araw arawin mo yan,wag kang nega sa buhay.Yun lang Hanash ko kain na tayo" sabi ko sa kanya sabay kain ng binili nya
"Kaya lang naman ako ganito kasi takot lang ako magtiwala agad sa mga taong bago ko lang nakilala.kaya nga isa lang tropa ko e si rey lang."Si Geo.
" Ah I see.Pero sana kung ganun man e di kailangang maging Harsh .Grabe ka kaya sakin Haha"Paliwanag ko sa kanya kaya nagbago yung awra sa mukha nya,Ngumiti sya ng bahagya.baka natamaan sya sa sinabi ko.
"Nakikita ko namang mabait ka kahit minsan di ka matino kausap"parang ako pa ata Mali.
" Tignan mo grabe ka sakin,matino kaya ako kausap.suplado ka kasi kaya binabalik ko lang sayo haha"Napansin ko na ngumingiti sya pero inaalis nya rin pag tumitingin ako.
"Ngumiti ka lang walang masama at di ka mamamatay pag nakita nila yan" Dagdag ko.
"Di ako ngumingiti nu" PokerFace nyang sagot.Hayst denial haha .
"May gusto ka Kay rey nu?Bigla nyang tanong.
" Huh?Baliw ka.Hindi nu.Mabait sya,Masaya syang kasama kaya ganun pakikitungo ko sa kanya."Sagot ko sa kanya.
"Alam mo yang si rey mabait naman talaga yan.medyo Fvckboy Lang.Parang kelan lang nung makita ko syang ganyan sya pag kausap ka.Yung saya nya kasi makikita sa mata nya pag nandyan ka." Paliwanag nya sakin.
"Oh bakit mo sinasabi sakin yan?Haha" Tanong ko sa kanya.
"Ramdam ko kasi may gusto sya sayo.Pero never ko naman sya nakitang nakipag date sa lalaki" Nababaliw na to si Geo.
"Yun naman pala e di naman pala sya nakikipag date Sa lalaki,Pano mo nasasabi yan?" Tanong ko.pero imbis na sumagot sya bigla syang tumayo kasi tumunog yung on cue talaga tong bell e panira .
"Balik na tayo sa room.Tara" yaya nya at nag lakad nanaman sya ng mabilis may lahi ba tong kabayo -_-Kaya tumayo agad ako.bumalik na kami agad sa room.Naging maayos naman ang buong klase.ilang oras ng Mahabang mga lessons at nag dismiss na . naalala ko yung lakad namin ni rey.tama bang pumayag ako?pero parang ang sama ko naman kung tumanggi ako.
Naglakad ako palabas ng room para dumiretso sa Guard post ng makasabay ko si Geo."Ready Ka Na ba sa date nyo?" Tanong nya
"Date mo mukha mo!Di yun date tse"inis Kong sabi sa kanya at nag lakad na ako ng mabilis.nakita Kong nakatayo na si Rey mula sa malayo at nakita nya rin akong paparating na kaya kumaway sya at tumugon naman ako.
"Tara na Babe?hehe" si rey.
"Joseph ang itawag mo sakin pls. Di ka ba nahihiya na 'babe' ang tinatawag mo sakin pinag titinginan kaya tayo,baka kung ano pang isipin nila e"Paliwanag ko sa kanya.
" Sorry sorry Joseph hehe.so Tara na ?"Medyo pilit na yung tawa nya.mukhang iba yung dating sa kanya ng sinabi ko.Pumunta na kami sa labas kasi nandun yung motor nya at agad din kaming umalis papunta sa isang malapit na mall para manuod ng sine.
"Thank you Talaga Joseph pumayag kang sumama ah" Papunta na kami ng sinehan para bumili ng ticket.
"Ayos lang ikaw pa hehe" ako.
Pumasok na kami sa loob ng sinehan.
"Kahapon ang showing neto, Pero mas OK pala na ngayon kasi ikaw kasama ko hehe" Sabi ni Rey habang naka focus sa pinapanuod namin.pero ako di makafocus kasi nakatingin ako sa kanya at nagtataka bakit ganyan sya sakin.
"Wala sa mukha ko yung palabas wag ka sakin tumingin Hehe Don't stare at me like that baka mafall ako" out of nowhere ay sinabi nya yun at sa tingin ko namula ako sa sinabi nya mejo nahiya kasi ako .
"Di ako nakatingin sayo nu.Echosera haha" ilang oras ang lumipas ay natapos ang palabas.niyaya nya muna ako magdinner sa isang fastfood.Kaya nag punta kami dun.
"May boyfriend ka ba?" Napaiktad ako sa tanong nya kaya nabuga ko yung iniinom Kong soda.
"Sorry Rey Sorry.Ano ba kaseng klaseng tanong yan rey " Sagot ko habang pinupunasan yung mukha nya.
"Ayos Lang Joseph Nakakabigla din naman yung sinabi ko hehe.Pagod ka na ba,hatid na kita?" Tanong nya sakin.Ang awkward ng atmosphere ngayon .
"Sige tara hehe . sorry talaga sa nangyari"papunta na kami sa parking lot para umuwi at hinatid nya narin ako sa bahay.
" maraming salamat rey,Ingat pauwi Goodnight"Sabi ko sa kanya.
"Salamat ng madami Joseph Napakasaya ng araw na to. Goodnight sweet dreams"umalis na rin sya agad para makauwi na .Kaya pumasok na ako sa bahay para makapag pahinga na.
---
Thank you see you next update
Click ⭐
•JhoeWayo27•
YOU ARE READING
Behind The Arrows (On-hold)
RandomAng bully at ang nerd Ang Newbie at ang pro Gulo to panigurado Hanggang san ang Kaya mong ilaban ? Ating subaybayan A Love Online To Offline Dedicated To: Freaky Guild & Touch 3claws Players