Chapter 12

86 4 0
                                    


[Joseph's POV]

"Oh Bat Late ka ata.Puyat ka ba ?" Tanong ko Kay geo Kasi di naman sya nalelate e.Napansin ko din na parang nangingitim yung ilalim ng mata nya.May Problema ba sya.

"Ah Oo.Di kasi tumunog yung alarm ko lowbat kasi kagabi." Sagot nya pero sa white board sya nakatingin.May iniiwasan ba sya.

"Ah ganun ba.Wala pala tayong First at second Subject Nagkaroon ng meeting e.Gusto mo bang kumain?" Aya ko sa kanya.Mukhang di pa sya kumakain kasi late sya ng gising.

"Bat di mo naman tinext sakin agad.di na Salamat nalang.gusto ko nalang magpahinga gusto ko pa matulog." Mukhang aburido sya ngayon.Kaya hinayaan ko nalang sya.

"Sige sige.Sleepwell.Gisingin nalang kita pag may prof." Sabi ko sabay Alis ng room.Bibili nalang ako sa cafeteria at dito nalang ako sa room kakain.

"Josepphh!" Ang aga nya mga bes.

"Hi.Rey Anong atin?" tanong ko sa kanya.

"Nag breakfast ka na ba?Tara sa cafeteria." Sya.sabay akbay sakin.Hinayaan ko nalang.

"Bibili lang ako sa cafeteria.dun ako sa room kakain rey e." Sagot ko sa kanya.kanya inalis nya yung pagkakaakbay nya.

"Ganun ba ? Sige sige dun nalang din ako sa room nyo kakain." Sya.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ko Kay rey.

"Wala naman.tsaka yung mga prof may meeting diba.OK na ba pwede na ba akong sumama?" Mapilit talaga sya.

"Ikaw bahala." Sagot ko. Bumili ako ng dalawang burger at dalawang tubig di naman ako sobrang gutom kasi nag breakfast naman ako bago pumasok.

"Bat ang dami nyan?Gutom ka ba?"napansin nya kasing ang dami Kong binili.

" Hindi. Bibigyan ko si Geo.Di kasi nag breakfast yun.Mabait naman yun minsan e suplado lang hehe"sabay lakad namin pabalik ng room.

"Ang sweet naman.sana maging ganyan ka din sakin Babe este Joseph hehe"Naglalakad parin kami sa hallway.

" Di ako sweet concern lang ako dun. Puyat na puyat tapoa gutom baka di makapag aral ng maayos e.Sa susunod titreat din kita Rey"nandito na kami sa room.kumuha si rey ng silya at tumabi sakin.Wala naman masyadong tao sa room kasi nasa labas sila lahat.

"Yownn.Asahan ko yan ah."si rey.

"Ang ingay nyo naman di ako makapag pahinga e." Si geo.iniangat nya yung ulo nya at aburido nanaman.

"Oh Para sayo.Kumain ka kahit konti.eto pa tubig." Abot ko sa kanya ng binili.

"Ayoko nga kumain.pasensya na" Sagot nya sabay yuko ulit sa desk nya para matulog.

"Ayaw nya daw babe.Akin nalang" singit ni rey.

"Kulang pa ba sa.." Ako

"Akin na.ako na kakain" putol ni geo sabay hablot ng pagkain.habang nakatingin Kay rey.Ano kaya problema Neto.

"Si..sige" wala na akong nasabi nakain na nya e.

"Bat nandito ka pre?" Tanong ni geo Kay rey.

"Wala kasi akong magawa e.so sumama nalang ako Kay Joseph dito." Sagot nya sabay tipa sa cellphone nya.

"Mauna na pala ako.may praktis game daw kami.Gusto nio manuod?"tumayo sya at inaantay yung sagot namin.

"Hindi na.May gagawin pa kasi kami e.Next time nalang" Ako na yung sumagot.

"Ganun ba sige sige.una na ako ah" sagot nya sabay labas ng room papunta sa court ng school.

"Bat di ka sumama di ba gusto mo sya ?May paBabe Babe pa nga kayo e." Problema netong mokong na to at nag memake face pa.

Behind The Arrows (On-hold)Where stories live. Discover now