CHAPTER ONE

16.4K 202 9
                                    

"ANOTHER ROUND of tequila shot please," ani Lady sa waiter sa harapan niya.

Alanganing napatingin ang pobre sa kanya. Tila hindi nito alam kung susundin ba siya. Sabagay, hindi rin niya ito masisisi. Pang-anim na ang order niyang iyon ng tequila.

"Hey, I said another round of tequila!" singhal na niya dito. Nabigla naman yata ito dahil sumunod na ito sa kanya. Nang ilapag nito ang shot glass sa harapan niya, ay agad niyang tinungga iyon. Napangiwi siya sa pait ng lasa, hindi pa rin niya makuhang masanay kahit na nakailang shot na siya. Hindi rin naman niya masisi ang sarili dahil hindi naman talaga siya manginginom.

Gusto lang talaga niyang magpakalasing ng gabing iyon. Gusto niyang pansamantalang kalimutan ang problema, at humingi siya ng tulong sa espiritu ng alak. Pampamanhid kumbaga. Wala na siyang malalapitan pa, kundi ito na lang. She's so frustrated. Damn frustrated.

Muling nanumbalik ang nakaraan. Isang buwan pa lamang ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat.

Tears ran down her face. She has no one to turn too. Ang mga inakala niyang kaibigan ay parang mga bulang naglaho ng magsimula siyang bumagsak.

Mga Plastik! Galit na wika niya sa isip. Mga Mukhang Pera!

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" anang waiter.

"Yes," halos pabulong na sagot niya.

"Mukhang medyo napaparami na po yata ang inom n'yo. May kasama po ba kayo?"

"I'm okay. I can manage. Now, leave me alone." Mariing wika niya.

Hindi na muli pang nagsalita ito at tahimik na iniwan siya nito doon sa maliit na mesa sa may sulok, malapit sa bartender.

Pinahid niya ang mga luha sa pisngi, ngunit tila ba walang katapusan iyon. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito tumitigil. Patuloy pa rin sa pagbagsak. Parang ang puso niya, na hanggang sa mga sandaling iyon ay tila ba lalong nadudurog sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Ang dami naman tao diyan na masasama. Bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal. All I want is someone who will love me.

"One more, please." Aniya sa waiter.

Nilapag nito sa harapan niya ang isa pang shot ng tequila. Hindi muna niya ininom iyon. Pinakatitigan niya iyon, saka niya in-imagine ang timawang ex-boyfriend niya na naroon sa gitna at nalulunod. Sa isiping iyon, tinungga niya ang tequila, sabay bagsak ng baso.

User! Walanghiya ka Dave! Ginamit mo lang ako!

Kung hindi lang kasalanan sa Diyos ang pumatay. Malamang, ginamit na niya ang impluwensiya niya para makaganti sa hayop na 'yon. Pero hindi siya bababa sa level ni Dave. Itinaas na niya sa Diyos ang lahat. Siya na ang bahalang gumanti sa mga taong nang-aapi sa kanya.

"If I were you, hindi ako dito nagpunta. This is a public place. Makikilala ka pa rin dito." Anang isang baritonong tinig. Kahit maingay ang paligid ay nakarating pa rin sa pandinig niya ang malamyos nitong boses.

Napa-angat siya ng ulo. May kung anong bumundol sa dibdib niyang nang magtama ang mga mata nila. Kasunod niyon ay ang magandang ngiti nito na tila pumawi sa lahat ng dinadala niyang problema.

Pinilig niya ang ulo. Tama. Lasing lang siya. Pitong shot ng tequila na ang naiinom niya. Natural lang siguro na mag-hallucinate siya.

"Sino ka ba?"

The Tanangco Boys Series 8: Humphrey LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon