CHAPTER NINE

5.9K 148 1
                                    

MATAPOS ang mapangahas na halik na iyon nang nagdaang gabi. Hindi na sila nagkibuan pa ni Humphrey. Hindi niya alam kung bakit nagalit ito. Gusto niyang isipin na nagseselos ito kay Dave. Nang umagang iyon, paggising niya. Agad niya itong hinanap. Kailangan na niyang makausap ito. Liliwanagin niya ang lahat ng dapat liwanagin.

Huminga muna siya ng malalim bago lumabas sa silid na inookupa niya. Kasama niya sa silid na iyon sina Madi at Allie. Nauna na kanina pa ang dalawa sa kanyang bumaba. Hindi na siya sumabay sa mga ito dahil kinokundisyon pa niya ang sarili. Kailangan kasi niyang mag-ipon na maraming lakas ng loob para harapin si Humphrey. Pagkatapos kasi ng pangyayari kagabi. Hindi na niya alam kung paano ito kakausapin ng hindi makakaramdam ng pagkailang.

Bago lumabas ng silid ay pinasadahan pa niya ng tingin ang sariling repleksiyon sa salamin. Good enough. She's wearing a white summer dress with printed small flowers. Hanggang tuhod ang haba niyon. Sinuklay pa niya ang buhok saglit bago tuluyan naglakad patungo sa pinto.

"Kaya mo 'yan, Lady." Pagkausap pa niya sa sarili.

Ganoon na lang ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya nang pagbukas niya ng pinto ay naroon nakatayo sa harapan niya si Humphrey. Kung kagabi ay hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang simangot. Ngayon naman ay magaan ang dating nito. Nakangiti ito sa kanya na siyang lalong nagpabilis sa pintig ng puso niya. He looks gorgeous on his simple faded jeans and blue shirt. At his smell. Habang buhay na yatang maaalala ng ilong niya ang pabango nito.

Lihim siyang bumuntong-hininga. Saka pilit na kinalma ang sarili. Kailangan niyang payapain ang sarili, dahil kung hindi ay baka siya naman ang sumunggab dito.

"Good Morning," bati nito ng may ngiti sa labi.

"G-Good M-Morning," kandautal na bati din niya dito.

"Mabuti naman at gising ka na. Yayayain sana kita eh." Anito.

"Saan?"

"I promised you na ipapasyal kita sa buong farm."

Ngumiti siya dito. "Oo nga pala."

"So, let's go. Mag-breakfast na tayo. Tayo na lang yata ang nandito sa bahay. Ang mga pengkum na 'yun ay nagsilayasan na kasama ang mga asawa nila."

"Okay." Sang-ayon naman niya.


HINDI maiwasan ni Humphrey na matawa sa klase ng reaksiyon na nakikita niya ngayon sa mukha ni Lady. Daig pa nito ang batang ngayon lang nakalabas at naka-pamasyal. Tuwang-tuwa ito sa bawat magandang tanawin na nakikita nito. Dinala nito ang sarili nitong digicam at inabala ang sarili sa pagkuha ng litrato, lalo na sa mga bulaklak.

Habang siya ay abala naman sa pagkuha dito ng litrato ng hindi nito namamalayan. Kung nalalaman lang nito kung gaano nito pinapabilis ang tibok ng puso niya. Ngunit hanggang ngayon ay apektado pa rin ito sa ex-boyfriend nitong si Dave. Pakiramdam niya ay mahal pa rin nito ang huli. And it's killing him. Aaminin niya. He's jealous.

"Ito na yata ang pinaka-favorite ko sa lahat ng pinuntahan natin." Wika nito. Umupo ito sa upuan na yari sa kawayan.

Naroon sila ngayon sa isang maliit na dampa sa gitna ng taniman ng mga rosas. Pagkatapos nilang kumain ng umagahan. Namasyal sila sa buong farm. Nilibot nila ang buong paligid. At iyon na nga ang last stop nila. Habang nagpapahinga ay hindi pa rin tumigil sa pagkuha ng litrato ang dalaga.

Hindi napigilan ni Humphrey ang sarili na kunin ang camera niyang nakasukbit sa leeg niya at tinutok iyon kay Lady. He took stolen shoots of her. Kung nalalaman lang nito kung gaano ito kaganda, with her face. Lalo na kapag ngumingiti ito. Mas lalong naniningkit ang mga mata nito. Kung maaari lang niya itong mahalin. Kaya lang ay hindi puwede. Dahil ang nakakalungkot na katotohanan ay hindi pa rin nito lubusang nakakalimutan si Dave.

The Tanangco Boys Series 8: Humphrey LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon