"KUMUSTA naman diyan sa opisina?" tanong ni Lady sa bestfriend at sekretarya niyang si Karen na ngayon ay kausap niya sa cellphone.
Pagkagising niya ng umagang iyon. Agad niyang naisip ang pansamantalang iniwan na kumpanya. It has been two weeks simula ng mawala siya sa mata ng lahat. At dahil iniiwasan din niyang manood ng telebsiyon. Wala siyang nababalitaan tungkol sa kung ano man ang sinasabi ng mga media hinggil sa kanya.
Maging si Humphrey ay hindi rin nagbabanggit sa kanya tungkol sa issue.
"Okay naman. So far. So good. But it would never be the same. Mas masaya kapag nandito ka. Pati na ang ibang empleyado ay ganoon din ang sinasabi. Mas gusto nila na nandito ka." mahabang sagot nito.
"Tell them this is just temporary. Huwag kayong mag-alala, babalik din ako diyan." Aniya.
"Kailan ka nga ba talaga babalik? Nasaan ka? Para naman mapuntahan kita. Pati na ang buong media ay nagtatanong kung nasaan ka na. Dalawang linggo ka nang nawawala sa limelight. Pati kami dito kinukulit ng media." Ani Karen na mahihimigan sa tinig ang labis na pag-aalala sa kanya.
"Mas mabuti nang hindi mo alam. But don't worry; I'm in a safe place. Nandito lang din ako sa tabi-tabi." Wika niya.
"Bumalik ka na, Lady. Please." Pakiusap nito.
"I can't. Not now. Gusto ko kapag bumalik ako. I'm a better person. Iyong mas may ipagmamalaki. Iyong Lady na mas kayang lumaban na hindi umiiyak." Paliwanag niya.
Narinig niya bumuntong-hininga ito. "O sige, kung iyan ang gusto mo. Basta, call me from time to time." Sabi pa nito. Bahagya nang gumagaralgal ang boses nito. Alam niyang umiiyak na ito.
"Karen, huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako dito. May isang taong labis na nag-aalaga sa akin. At masaya ako sa piling niya."
"I'm glad. At least, pagkatapos ng lahat ng nangyari. Naging masaya ka na ulit." Tugon nito.
"Thanks Karen. I owe you a lot. Pangako, babawi ako sa'yo pagbalik mo." Sabi naman niya.
"Kahit huwag na. Ang importante sa akin. Maging masaya ka. At ligtas ka. Basta, kung kailangan mo ako. Just call me anytime." Anito.
"Okay. I'll keep that in mind. I have to go now."
"Sige, bye."
Agad niyang in-off ang cellphone niya pagkatapos nilang mag-usap ng kaibigan.
Lady missed Karen. Kung mayroon man siyang labis na pinagkakatiwalaan. Ito iyon. They've been friends for almost more than a decade now. Highschool pa lang yata sila nang maging matalik silang magkaibigan. Kaya noong mga panahon na dumilim ang mundo niya. Ito ang laging nakaalalay sa kanya.
Naputol ang pag-iisip niya nang marinig niya ang mahinang katok sa pinto ng silid niya.
"Come in," usal niya.
Dahan-dahan bumukas ang pinto. Pumasok doon ang guwapo at tila maganda ang gising na si Humphrey. Lumukso ang puso niya nang ngumiti ito sa kanya. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ito. He looks so gorgeous on his simple black board shorts and white shirt. Kahit na may distansya sila ay abot pa rin sa kinaroroonan niya ang amoy ng after shave cologne nito.
"Good Morning," bati nito sa kanya.
"G-Good Morning, Ang aga mo yatang nagising." Ganting-bati din niya.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas
RomantikHindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensi...