PAGOD NA PAGOD na umupo si Humphrey sa bench sa gilid ng court. Naroon siya sa basketball court kasama ang mga kaibigan niya at nagpa-practice para sa darating na liga. Halos dalawang oras na rin silang nag-eensayo. Puspusan ang practice nila. Ayaw nilang masira ang record nilang mga taga-Tanangco sa buong barangay nila na bilang nangungunang team sa basketball. Ilang liga na rin na sila ang champion.
"Break muna, Pare!" anunsiyo niya.
Tumigil ang mga ito sa paglalaro at nagsiupo sa tabi niya.
"Ang dali mo naman mapagod, Phrey." Ani Jared.
"Asa ka pa. Wala akong tulog halos." Sagot niya.
"Bakit ka naman napuyat? Sino na naman ang kasama mo kagabi? Bigla ka na lang nawala sa bar ah." Sabi naman ni Darrel.
"I saved a damsel in distress."
"Really? Maganda ba?" usisa naman ni Vanni. "Ano? May nangyari?"
He chuckled. "Sobrang ganda. But it's not what you think."
"Pare, tayo tayo na lang ang nandito. Hindi mo kailangang magmalinis sa harapan namin." Biro pa ni Dingdong sa kanya.
"Pengkum! Hindi ako nagmamalinis. Totoo lang ang sinabi ko. I just gave her a favor. Naawa ako kasi sa kanya." wika niya. Then, he imagined Lady's lovely face again. Ang totoo, hindi siya nakatulog dahil naging abala siya sa pagtitig sa magandang mukha ng dalaga. Para itong anghel sa ganda, and still, she looks beautiful kahit na tulog.
"Hoy!"
Nagulat pa siya dahil sa mismong tenga siya sinigawan ni Justin. Namura niya ito ng wala sa oras. Tinawanan tuloy siya ng mga kaibigan niya.
"Ikaw naman kasi eh, tinanong lang sa'yo kung maganda. Natulala ka na diyan." Victor.
"Maganda nga siya." Ulit niya.
"Sino ba kasi 'tong chick na 'to?" tanong pa ni Dingdong.
"Lady Castillo."
"No Way Pare!" halos hindi makapaniwalang reaksiyon ni Ken.
"Yeah. Siya nga ang nakita ko kagabi. Naawa naman ako. She looks so depressed. Eh lasing na lasing, kaya hinatid ko na sa tinutuluyan niyang hotel. Pero hindi rin agad ako pinauwi. Iyak ng iyak." Paliwanag niya.
"Talaga? Sabagay, sino ba naman ang hindi made-depressed ng lagay na 'yon. Halos sunod-sunod ang issue na binato sa kanya." ani Darrel.
Napailing si Roy. "Mukhang hindi pa tapos ang kalbaryo n'yo." Anito.
"N'yo? Bakit nakasama ako?" tanong niya.
"Here. Read this. You're in a great trouble." Sagot naman ni Leo sabay abot ng isang diyaryo sa kanya.
Ganoon na lang ang pagsalubong ng kilay niya nang makita ang malaking larawan nila na kuha sa parking area ng bar na kinaroroonan nila kagabi. Nakayakap pa sa kanya ang dalaga. Nakatungo ito kaya't hindi nakita na umiiyak ito.
"Damn!" galit na galit na sigaw niya sabay bato ng bolang hawak niya. Napamura siya ng wala sa oras. "Paano nangyari 'yan?"
"Uy! Congrats! Lalo kang naging sikat." Pang-aasar pa ni Ken sa kanya.
"Shut up!" napipikon niyang wika. "Anak naman talaga ng talaba! Nagmalasakit na ako sa babaeng 'yan, nadamay pa ako sa issue n'ya." Reklamo pa niya.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas
RomanceHindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensi...