CHAPTER SIX

6K 151 9
                                    

TATLONG ARAW na ang nakakalipas simula ng mangyari ang eksenang iyon sa harap ng maraming tao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Masyado yata siyang nadala sa pagpapanggap nila para lang mapaniwala si Margie. Bukod pa sa talagang napikon na siya ng tuluyan dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya.

Kung may isang bagay man siyang aaminin. She really intends to kiss him infront of her. But it supposed to be a quick kiss. Sa hindi malamang dahilan, nadala sila ng sitwasyon. Ang simpleng halik ay naging mas malalim. Napuno ng emosyon ang halik na iyon. It's like kissing the man of her dreams.

Dumako ang mata niya sa salamin. Tumayo siya doon at hinarap ang sariling repleksiyon. Tinitigan niya ang sarili. Medyo nanlalalim na rin ang mga mata niya. Tatlong gabi na rin kasi siyang hindi makatulog ng maayos. Kahit na pilit niyang inaalis ang eksenang iyon sa kanyang isipan. Sa tuwina na lang na pumipikit siya. Tanging ang halik na iyon ng binata na lang ang naiisip niya. Agad siyang tumalikod. Saka bumuntong-hininga. Malala na talaga yata siya.

Naputol ang pag-iisip niya ng marinig niyang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib niya. Iisa lang tao ang inaasahan niyang nasa likod ng pinto na iyon. Ang lalaking nagpapagulo ng isip at puso niya. Si Humphrey.

"C-come in," kandautal na sagot niya.

Nahigit niya ang paghinga ng pumasok ito. He looks gorgeous on his Simple jeans and white shirt. Natuon ang mga mata niya sa guwapong mukha nito. Parang nanunuot ang tingin nito hanggang sa kaluluwa niya. His dark brown eyes were like saying something to her. Hindi lang niya maipaliwanag kung ano iyon. And the way he smiles, it's like melting her heart. Kahit na may distansya sa pagitan nila, nakarating pa rin sa ilong niya ang mabangong amoy nito.

Pilit niyang binaling ang paningin sa ibang direksiyon. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Bigla niyang naalala ang eksenang magkalapat ang mga labi nila. Nag-init ang mga pisngi niya.

"Good Morning!" bati nito sa kanya.

"H-Hi," usal niya.

"Kumusta? Tatlong araw din tayo hindi nagkita ah." Anito.

"Okay naman." Sagot niya.

Pagkatapos ang mapangahas na halik na iyon, tatlong araw na ang nakakalipas. Nang araw din na iyon, umalis ang binata. Ayon dito, may three days photo shoot ito sa Camsur. Kaya kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Pero hindi naman siya makalabas ng bahay dahil alam niyang tutuksuhin lang siya ng mga bagong kaibigan, maging ng mga taga-roon.

"Anong oras ka nakauwi?" lakas-loob niyang tanong dito.

"Madaling araw na rin, mga alas-tres na yata." Sagot naman nito.

Napatingin siya sa maliit na orasan sa ibabaw ng bedside table. Alas-siyete pa lang pala ng umaga. Maaga pa pala. Dapat sa mga oras na iyon ay nagpapahinga pa ito.

"Umaga ka na pala nakauwi. You should be sleeping by now. Magpahinga ka muna." Aniya.

"No. I'm okay. Huwag mo akong alalahanin. Nakatulog din naman ako sa biyahe kanina."

"Sige, ikaw ang bahala."

Katahimikan ang sumunod na pumagitna sa kanila. Hindi nakatiis si Lady, siya na ang unang bumasag niyon. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Uhm... About what I did three days ago..." pagsisimula niya. "I don't know what to say. Kasi—"

"Lady," sansala nito sa sinasabi niya. "Hindi na natin dapat pang pag-usapan 'yun. I know you're not comfortable talking about it. It's okay."

The Tanangco Boys Series 8: Humphrey LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon