CHAPTER SEVEN

5.9K 174 26
                                    

DAHIL SA masamang panaginip na iyon, tila nawalan ng gana si Lady nang umagang iyon. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga nangyari sa nakaraan. Umahon muli ang galit niya para kay Dave Marciano. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang baby niya.

"Are you still thinking about it?"

Ang tanong na iyon ang nakapagpa-balik sa kamalayan niya. Napakurap siya saka nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Humphrey. Naroon sila sa kusina nang mga oras na iyon, nagluluto ito ng tanghalian nila habang siya ay abala naman sa panonood dito.

"Ha?"

Umiling ito. Saka siya tinapik ng bahagya sa braso.

"Look, it's just a dream. Hindi mo na dapat dinadamdam 'yun." Anito.

"I know. I'm sorry. Hindi ko lang talaga maiwasan na makaramdam ng lungkot." Sagot naman niya. Binaling niya ang tingin sa ibang direksiyon. Nangingilid na kasi ang mga luha niya. Ayaw na naman niyang umiyak dito.

Matapos niyang magising kaninang madaling araw dahil sa panaginip niya. Humahangos na pumasok ito sa silid niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nang hilingin niya dito na huwag itong umalis ay hindi nga ito lumisan sa tabi niya. He stayed beside her until the sun goes up.

Ginagap ng isang palad nito ang mukha niya at binaling nito paharap dito. Muli ay naroon ang biglang pagkabog ng dibdib niya. May kung anong emosyon siyang nababanaag sa mga mata nito na lalong nagpatindi ng kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Muli ay naalala niya ang mapangahas niyang paghalik dito. Nag-init ng wala sa oras ang pisngi niya. Muli niyang iniwas ang tingin kay Humphrey.

Bumuntong-hininga ito.

"Lady, ayokong nakikita kang malungkot. Dahil nasasaktan ako." Sabi nito.

Gulat na napatingin siya ulit dito. Bago pa siya makapag-react sa sinabi nito. Nagsidatingan na ang mga kaibigan nito.

"Hoy Phrey, tara na!" singit ni Victor sa usapan nila. "Hi Lady," bati nito sa kanya.

"Hi,"

Kasunod nito ang iba pa nitong kaibigan. Mukhang kumpleto ang mga ito ngayon. Pawang mga nakasuot ito ng basketball jersey.

"May practice ba?" tanong ni Humphrey.

"Malamang, Pare." Pabirong sagot ni Justin.

"Puwede rin naman kaming pumasok sa opisina ng ganito." Pamimilosopo pa ni Roy dito.

Natawa sila. "Sira-ulo! Kelan ka pa natutong mamilosopo?" sagot naman ni Humphrey.

"Simula nang mapangasawa n'ya ang pinsan kong kulang-kulang," sagot naman ni Dingdong.

"Hoy! Nagsalita ang matino! Eh isa't kalahati ka ring sintu-sinto!" biglang singit ni Panyang.

"My Love, bakit ka pa sumunod dito? 'Di ba sabi ko magpahinga ka na lang muna sa bahay?" ani Roy sa asawa.

"Eh kasi, nakalimutan mo 'tong towel mo." Sagot naman nito.

"Ah, oo nga pala..."

"Here."

Humalik muna ito sa pisngi ni Roy bago naglakad palabas ng bahay.

"Bakit masama ba ang pakiramdam ni Panyang?" tanong niya kay Roy.

"Oo. Kaninang umaga pagkagising niya. Nagreklamo, nahihilo daw siya."

The Tanangco Boys Series 8: Humphrey LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon