GUSTONG matawa ni Lady habang pinagmasdan niya ang mga tindahan sa lugar na iyon. Medyo nawi-weirduhan siya sa mga pangalan ng mga establisyimentong naroon. Halimbawa na lang, ang kakakilala pa lang niyang si Olay. 'Paraiso ni Olay Sari-sari Store' ang pangalan. Ang flower shop na nadaanan niya kanina, 'Hardin ni Panyang flower shop' naman ang pangalan. May nakita din siyang, 'Kuskos-Piga Laundry Shop', 'Boutique ni Chacha'. Tanging ang Rio's Finest pa lang ang medyo matino sa mga nakikita niya.
"Bilib ka no?" ani Panyang, na siyang pumutol sa pag-iisip niya.
"Ha? Saan?"
"Sa mga pangalan ng tindahan dito. Unique ba?"
Napangiti siya. "Oo nga eh. I like it, actually. Nakakatuwa."
"Ganyan talaga dito. Bawal sa Tanangco ang malungkot." Sagot naman ni Olay.
"Mukha nga. Kaya nga dito ko napiling magtago habang abala sa pagkalkal ang mga tsismoso't tsismosa sa buhay ko." Sagot naman niya.
"Hay naku Girl, huwag kang mag-alala pagdating sa parteng 'yan. Walang taga-media na puwedeng makapasok dito. Lagot sila kay Kapitan Gogoy Lombredas." Pagmamalaking sabi ni Myca.
"Korek!" sang-ayon naman ni Abby.
"Salamat ha? Kasi kahit na bago pa lang ako dito. Hindi na iba ang turing n'yo sa akin." Wika niya.
"Sus! 'to naman, okay lang 'yun. Kami naman, eh natural na mabait lalo na sa mga girlfriend ng kaibigan namin." Sagot ni Panyang tapos ay umakbay pa sa kanya.
"Uhm... Teka, nagkakamali ka. Hindi ko naman siya boyfriend." Pagtatama niya dito saka nahihiyang ngumiti sa kausap niya. Pero bakit tila gusto ng puso niya ang ideyang nobyo niya ito.
"Ha? Hindi ba?" kunwari'y nagulat na tanong ni Madi.
"Ay sayang! Akala pa naman namin, kayo na ni Pengkum. Bagay pa naman kayo." sabad ni Abby.
"Oo nga." sang-ayon naman ni Chacha, karga ulit nito ang cute na si Chinchin. "'Di ba anak?" pagkausap pa nito sa walang malay na sanggol.
"Pero alam mo? Sa totoo lang, ikaw pa lang ang babaeng nakakatungtong diyan sa bahay ni Humphrey." Singit naman Adelle.
"Really? Eh 'di ba si Panyang nandoon lang noong unang beses ko na pumunta dito?" nagtatakang tanong niya.
"Well, except us. Dahil kami kaibigan n'ya kami. What I mean is, 'yung hindi niya kaibigan. Gaya mo, bagong kakilala ka pa lang." paglilinaw ni Allie.
"Ah okay. So, I should be more thankful to him, right?" aniya.
"Right," sang-ayon naman ni Olay.
"Grabe! Nakakakilig naman ang first meeting n'yo. Imagine, you're sharing your one miserable night with tequila. And comes in, your knight and shining armour. Saving you from the eyes of all those judgmental bitches," sabad naman ni Panyang na nag-e-emote pa habang nagsasalita.
"Wow naman! Bakla, ikaw ba 'yan?" nang-aasar na tanong ni Olay.
"Uy teka," sambit ni Madi. Sabay punas ng panyo sa may ilong ni Panyang. "Nagdudugo ang ilong mo."
Napuno ng tawanan ang tapat ng tindahan ni Olay, kung saan sila nakatambay.
"Lapastangan ka Diwata! Paslangin kaya kita!" singhal ngunit pabirong wika nito kay Madi.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas
RomanceHindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensi...