NAMAMANGHA na inikot ni Lady ang mga mata sa buong paligid. Naroon na sila sa farm ni Victor sa Tagaytay. Malawak ang lupain nito. Karamihan ay puro mga bulaklak ang nasa paligid nila. Ayon dito, eighty percent ng farm ay puro bulaklak ang nakatanim. Iyon kasi ang gusto ng lola ni Victor. Nang dumating sila doon ay sinalubong sila ng katiwala nito.
Iba't ibang klase ng bulaklak ang nakikita niya. And how she loves flowers. Tinaas ni Lady ang shades niya sa ulo. Kaya nagmistula itong headband. Hindi na siya makapaghintay na maikot ang buong farm.
"Ang ganda naman," mangha pa ring sabi niya.
"Yeah, napakaganda." Narinig niyang sang-ayon ni Humphrey.
Napangiti siya saka lumingon sa katabi niya. Napakunot-noo siya dahil hindi naman sa tanawin nakatutok ang camera ni Humphrey. Kung hindi sa kanya. Kung ganoon, siya ba ang sinasabihan nitong maganda?
Pabirong tinakpan niya ng palad ang lente ng camera. "Mukha ba akong bulaklak na may dahon? Hindi dito ang view, doon." Sabi pa niya. Kailangan niyang ma-distract kahit na konti para kahit paano ay mag-function ng normal ang puso't isip niya. Dahil habang tumatagal, lalo nitong sinasakop ang buong sistema niya. And somehow, it bothers her. Natatakot na kasi siyang muling isugal ang puso.
"Bakit ba ayaw mong maniwala na maganda ka?" tanong nito.
"Wala lang. Nahihiya kasi ako kapag pinupuri ako." sagot naman niya.
"So humble," usal nito.
"Hindi naman."
"You know what I'm thinking right now?" anito.
"What?" tanong naman niya.
"That Dave Marciano is an asshole. A total jerk. How come sinaktan niya ang isang kagaya mo? Ang tanga tanga niya." Sabi pa nito.
Bahagya niyang ikinagulat ang biglang pagbanggit nito ng pangalan ng ex niya. Hindi siya nakakibo. It's been more than two months simula ng huli niyang marinig iyon.
"Bakit hindi ka na nakakibo diyan? Binanggit ko lang ang pangalan niya. Hindi ka na umimik." Anito. May bahid ng inis ang tinig nito at hindi niya maintindihan kung bakit.
"Hindi. Hindi naman. Nagulat lang ako, bigla mo kasi siyang binanggit."
"Apektado ka pa rin," may lakip na lungkot ang tinig na wika nito.
"No. It's not—"
"Guys! Let's go!" biglang sigaw ni Victor.
"Kalimutan mo na lang na binanggit ko ang pangalan niya." Seryosong sabi ni Humphrey. Saka mabilis na naglakad palayo sa kanya.
"Anong nangyari doon?" nagtatakang tanong niya sa sarili.
"LQ?" pabulong na tanong ni Adelle sa kanya mula sa likuran niya.
"LQ? Hindi ah, kaya lang parang nabad-trip siya." sagot naman niya.
Natawa si Jared na nasa tabi ng una. "Nagseselos lang 'yun." Singit nito sa usapan.
"Bakit naman siya magseselos?" tanong niya.
"Aba malay ko, baka may gusto sa'yo." Sagot ni Jared ng may mapanuksong ngiti.
May kung anong bumundol sa dibdib niya. Maaari nga ba? Na may gusto sa kanya si Humphrey?
"Huwag mo na nga lang isipin 'yan si Pengkum. Ang lakas din ng topak n'yan minsan eh." Sabi naman ni Adelle.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas
RomanceHindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensi...