"WHEN ARE you planning to come home, hija?" tanong ng Mommy ni Lady.
"I don't know. Ayokong magsabi kung kailan ako uuwi. Gusto ko munang libangin ang sarili ko. I want some time to breathe from all the intrigues. Maloloka na ako kapag hindi ako lumayo." Mahabang sagot niya sa Ina.
"Eh saan ka nga pupunta?" tanong ulit nito.
"I can't tell you. Mas mabuti nang hindi n'yo rin alam. Para kapag may naghanap sa akin. Hindi n'yo kailangan pang magsinungaling."
"Anak, hindi mo kailangan gawin 'to. Nandito kami ng Daddy mo."
Nangilid ang luha niya sa mga mata sa sinabing iyon ng Ina.
"Since when, Mom? Kailan pa kayo nandiyan ni Dad. Hindi ko po yata matandaan." Masama ang loob niyang sabi.
"Alam namin na malaki ang pagkukulang namin sa'yo ng Daddy mo. Pero lahat naman ay ginawa namin para sa'yo." Paliwanag nito.
"Narinig ko na po 'yan."
Sinarado na niya ang maleta niya saka dinampot ang bag niya sa ibabaw ng kama. Bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ay niyakap pa niya ang Mommy niya.
"Mag-iingat po kayo ni Daddy. Bye Mom, tawagan po ninyo ako kung magka-problema kayo dito." Paalam niya dito. Lumabas na siya ng silid niya hila ang maleta na may trolley. Sinalubong siya ng maid nila at ito na ang nagdala ng ibang bitbit niya.
"May taxi na ba?" tanong niya dito.
"Meron na po, Ma'am." Sagot naman ng kasambahay nila.
"Joselyn, ikaw nang bahala kay Mommy ha? Alam mo naman ang number ko. Text mo ako o kaya tawagan kapag may problema dito." Bilin niya.
"Sige po, makakaasa po kayo."
"Salamat,"
Tinulungan pa siya nitong ilagay ang maleta sa compartment ng taxi bago siya sumakay. Habang papalayo siya ng bahay nila. Dalangin niya na sa kanyang gagawin na biglaang pagkawala sa mata ng publiko. Sana'y matigil na ang lahat ng pangungutya sa kanya. At sana, matagpuan na niya ang katahimikan at maghilom na ang mga sugat sa puso niya na dulot ng mapait na nakaraan.
"WHAT?!" gulat na tanong ni Humphrey. "Anong ibig mong sabihin? Hindi pa puwedeng matulog doon sa bahay ni Chacha si Lady?"
Parang balewalang tumango lang si Panyang.
"Oo eh. Biglang nagkaroon ng problema doon sa kuwartong ookupahin niya. Pinagawa ni Chacha 'yung kisame kasi nabutas. Baka mamaya umulan, tapos natutulog si Lady eh tapos malay mo nakanganga siya. Eh di pumasok pa 'yung tubig ulan sa bibig niya," mahabang paliwanag nito.
Naghagalpakan ng tawa sina Madi, Adelle, Myca, Allie, Abby at si Chacha na kalong ang cute na cute na baby nitong si Chinchin. Naroroon sila sa tapat ng tindahan ni Olay at nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang mga kanya-kanyang mga asawa at fiancé nito. Tanging siya lang at si Vanni ang lalaki na naroon. Hindi na niya sinama sa bilang si Olay dahil alam niyang babae ito sa puso at diwa.
"Naku Anak, cover your ears. Huwag kang makinig sa baliw mong tiyahin. Masamang impluwensiya siya sa'yo." Ani Chacha sa walang malay na anak.
"Hoy, huwag mong i-brainwash ang pamangkin ko. Tingnan mo, paglaki n'ya. Sa akin magmamana 'yan." Pagmamalaki pa nito.
"Diyos na mahabagin, huwag po ninyong pahintulutan." Sabad ni Olay sa usapan.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas
RomanceHindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensi...