Sa isang dojo di kalayuan sa bahay ni Aaron...
"HAAH!"sigaw ng isang binatilyo matapos niyang masira ang isang robot dummy gamit ang isang Roundhouse kick
"magaling Rockie....ngayon bilang sugo ng makabagong panahon gusto kong ipakita mo sakin ang iyong kapangyarihan"sabi ng isang matanda na di mo makikitaan ng senyales bilang matanda dahil sa maligsi at malamang pangangatawan nito(note:malaman is mamuscle or muscular xD)
"masusunod sensei"sagot ng binatilyong nagngangalang Rockie kasabay nun ay ang pagdikit ng kanyang kamao sa palad niya at nagbow senyales ng pagrespeto o pagsunod sa kautusan ng kanyang guro
"EARTH PUNCH!"sigaw niya matapos niyang suntukin ang kinatatayuang lupa at may lumabas na isang kamaong hulma sa matigas na lupa at tumama sa isang robot dummy dahilan para matilapon ang ulo nito(note:pauppercut ang pagkakatama sakanya)matapos nun ay sumugod sakanya ang tatlong robot dummy
"GROUND SHAKE!"sambit niya matapos apakan ang kinatatayuan niyang lupa at dahil sa ginawa niya ay nagkaroon ng pabilog na shockwave dahilan para mawalan ng balanse ang mga robot dummy at magkaroon ng konting earthquake(note:yan yung dahilan kung bakit nagkaearthquake ng konti sa bahay ni Aaron xD)
"sige iho magaling ang ipinakita mo ngunit masyado ka yatang napalakas...maaring matuklasan ka ng ating kapulisan"nalungkot ang binatilyo sa kanyang naging aksyon
"paumanhin sensei...pagiibayuhin ko pa ang pageensayo upang lubos kong makontrol ang aking kapangyarihan para mahanap ko narin ang iba pang kagaya ko"tinapik ng matanda ang balikat ng binata at tumungo sa sinabi nito
"sige magpahinga ka muna"sabi ng matanda pagkatapos ay nagbow ule ang binata at lumabas na ng dojo matapos magpalit ng damit
Samantala sa isang terminal sa siyudad kung saan naninirahan sina Sky ay bumaba sa isang bus ang isang dalaga at matanda
"Lolo Silvio ito na po ba ang Manila?"tanong ng dalaga habang inililibot ang kanyang paningin sa paligid
"oo apo...kaya halika sundan mo ako"nilingon ng dalaga ang matanda at tinulungan sa bagahe nito
"lolo san po ba tayo tutuloy?"tanung ng dalaga matapos nilang makasakay ng tricycle
"sa isang kaibigan panigurado matutuwa kang makilala ang kanyang apo hehe"medyo natutuwang sabi ng matanda ngunit ang dalaga naman ay tila hindi magugustuhan ang mangyayari...habang nasa biyahe ay nagkaroon ng konting pagyanig sa kalupaan dahilan para huminto saglit ang tricycle
"a-ayos lang po ba kayo?pasensya na po kung huminto ako baka po kasi madisgrasya tayo"sambit ng drayber ng traysikel habang nagkakamot ng kanyang ulo
"ayos lang kami iho tama naman ginawa mo eh"tumungo nalang ang drayber at ngumiti pagkatapos ay inumpisahang magmaneho ng maramdamang wala na ang pagyanig
"hindi normal na pagyanig yun maaring galing iyon sa katulad ko...kung ganon tama lang pala ang pinuntahan namin"sabi ng dalaga sakanyang isip matapos maramdaman din ang nangyaring pagyanig.
Nakarating din sa wakas ang traysikel sa patutunguhan nito at nagbayad na si mang Silvio habang ang dalaga naman ay nakatingin lang sa labas ng dojo
"lo,ito na po ba iyon?ang galing po ah di ko akalaing may bahay kubo dito"medyo natutuwang sabi ng dalaga
"haha binibini hindi ito bahay kubo ngunit isang dojo"sabi ng isang binatilyo ng mapansin niya ang pagtingin ng isang dalaga sa dojo
"oh!ikaw nabayan Rockie?binatang binata kana ah!"natutuwang sabi ni Mang Silvio ng makilala ang binata
"lolo Silvio?haha long time no see po teka lang po ah tawagin ko lang si sensei"tumungo naman ang matanda at agad pumasok si Rockie sa loob ng dojo
"lolo ano po ba ang dojo?at paano niyo po nakilala ang lalaking iyon...ang gwapo niya ah"natawa naman ang matanda sa inasal ng kanyang apo
"mamaya apo malalaman mo rin"pagkasabi ng matanda ay lumabas na ang isang maskuladong matanda sa loob ng dojo kasama ang binata
"oh Silvio...kamusta kaibigan?"natutuwang sabi ng maskuladong matanda matapos magyakapan sila saglit ni Mang Silvio
"ito medyo nanghihina na dahil sa katandaan haha eh ikaw Merkurio?mukang di ka tumanda ah"sabi ni Mang Silvio si Mang Merkurio mula ulo hanggang paa
"haha siyempre pinapatili ko ang matipuno kong pangangatawan osya sa loob na tayo magkwentuhan"pagkatapos nun ay umakbay si Mang Merkurio kay Mang Silvio at pumasok sa loob at naiwan naman si Rockie at ang dalaga
"uhm binibini ako na magbubuhat ng dala mo...halika na sa loob"nginitian siya ng dalaga at hinayaang kunin ang bagahe niya at sumunod na sila sa loob
"ipaghahain ko lang po kayo ng makakain pati narin tsaa...sige po sensei"nagbow si Rockie at pumunta na sa kusina
"hoho ang laki na ni Rockie ah at mukang sinasanay mo siyang maigi"paguumpisa ng usapan ni Mang Silvio
"siyempre dahil siya ang susunod sa yapak ko at dahil narin sa iba pang dahilan"nakangiting sabi ni Mang Merkurio
"nga pala anong ginagawa niyo dito at sino iyang magandang dilag na kasama mo?"tanong ni Mang Merkurio matapos tignan ang apo ni Mang Silvio
"ah ito pala ang apo ko si Mizuri...hmm sa totoo lang ay di ko lam kung maniniwala ka o hinde pero.."naputol ang sasabihin ni Mang Silvio ng dumating si Rockie dala ang kanilang makakain pati narin ang tsaa at tumayo sa gilid ni Mang Merkurio
"salamat Rockie...ano nga ule iyong sasabihin Silvio?"napaisip ang matanda kung sasabihin niya ba ang totoo o hindi at si Mizuri naman ay kumakain habang sinusulyapan si Rockie pagkatapos ay yumuko ng mapansin siya ni Rockie at nginitian pa nito
"waah grabe ang gwapo niya talaga"sambit ni Mizuri sa isip niya habang kumakain
"mas maigi sigurong pagusapan natin ito sa pribadong kwarto medyo alanganin kasi eh"tumungo nalang si Mang Merkurio at pinasunod si Mang Silvio samantalang naiwan naman sina Rockie at Mizuri sa sala
CHAPTER END
A/N:like i said on the latest chapter xD ito nangyari sakin nung linggo...una pagdating ko sa SM north ay nailibot ko ito ng paulit ulit sa loob at labas sa loob ng dalawang oras sa paghahanap ng meeting place akala ko 4pages corner ang meetup yun pala precious pages nalaman ko lang iyon nung naisipan kong magnetopia at buksan ang wifi ko...then after waiting for another 1hour actually lumibot muna ako ng konti then may nakita akong pumasok sa precious pages at lumabas...isang lalaki na may hawak ng PHILPPINESYEAR:2300 trilogy at may signpen pa kala ko reader sya nun ta2nungin ko pa nga kung san niya nabili hawak niya pero naisipan kong tumingin ule sa loob ng precious pages then nakita ko ung book tapos sabi sakin ng isang lalaki at babae kung hinahanap ko daw ang otor para magpabooksign nandun daw sya sa labas nagulat ako dahil di ko akalaing si Sir EMPriel pla yun xD
BINABASA MO ANG
ELEMENTS
FantasySa bayan ng Zen kung saan ang panahon ay nalalapit na sa hinaharap dahil na rin sa mga makabagong makinarya pati na rin mga robot maliban dun ay nadiskubre din ang tungkol sa kung papaano gagamitin ang kabuuang pag-iisip ng isang tao na tinatawag na...