Ang Kadiliman

1.6K 52 3
                                    

'Philippine Mental Asylum

Home For Special People'...

yan mismo ang nakalagay na karatula kung saan ngayon patungo ang sinasakyan nila Hermo,inihinto nila ang kanilang sa tapat mismo ng gusali na ngayon ay mukang haunted house dahil sa mga sira-sirang parte at dahil narin sa kawalan ng tao sa paligid

"hmmm ano sa tingin mo ang nangyare dito Milcer?"tanong ni Hermo sa kanyang alagad na sinagot naman nito at sinabing

"sa tingin ko po sir ay may naganap dito na di kanais-nais na pangyayare"

"sa tingin ko nga ay ganun ang nangyare...mukang kelangan nating magingat sa pakikipagkita sa binatilyong ito"kahit di nakikita ni Hermo ay tumunga parin si Milcer bilang pagsang-ayon at dahan-dahang pumasok sa loob,makikitang nagkalat ang mga papel at may mga bahid ng dugo sa sahig na kumimpirma sa hinala nila...tinahak nila ang daan kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy pati narin ang isang nasusunog na bagay

"hoho mukang magiging magandang kaalyado itong batang ito ah"masayang sambit ni Hermo ng madatnan ang mga samut-saring mga bangkay ng mga pasyente at doktor o nars na may hiwa,ang iba ay may bakas ng pagkalunod dahil sa itsura nilang basa,meron namang nakatusok mismo sa mga batong hindi mo aasahan na nanggaling sa loob...habang naglalakad sila ay nakarinig sila nang putok ng baril

sfx:RATATATATAT!BENG!BENG!

"mga putok ng baril yun ah,Milcer!"tumunga si Milcer sa kadahilanang naintindihan niya ang gagawin kaya dali-dali silang tumungo sa isang kwarto kung saan nila narinig ang mga putukan doon ay naabutan nila ang isang gwardiya na nakaangat habang sinasakal siya nang isang binatilyo

"nakakabagot naman kayong mga kalaban sana pala pinaslang ko nalang kayo,DARKBURN!"namangha sila Hermo nang biglang lumiyab ang gwardiya ngunit di ito ang nagpamangha sakanila kundi ang itim na apoy na ngayon ay pilit na pinapatay ng gwardiya

"tulong!arrgh!saklolo!...patayin niyo itong apoy graggh!"kahit anung gawing pagrolyo ng gwardiya ay di parin namamatay o nababawasan man lang ang apoy

"hahaha walang kwenta yang ginagawa mo dahil ang apoy ko ay di namamatay hanggat di rin namamatay ang tinamaan nito...BULLETROCK!"ngayon lang napagtanto nila Hermo na kanina pa sila napansin ng binata mabuti nalang at nakagawa ng barrier mula sa pwersa si Milcer

"fufufu muntikan na kami dun bata pero huminahon ka lang,mga panauhin mo kami at di kaaway...Kres"ibinaba naman ng binatilyo na nagngangalang Kres ang kanyang depensa

"hoh...ngayon lang ata ako nagkaroon ng bisita,ano naman ang kelangan niyo sakin?bibigyan niyo ba ako ng malalakas na kalaban?"nakangising tanong ni Kres na ginantihan ni Hermo

"oo pero ang kapangyarihan nila ay katumbas din ng sayo"napasimangot si Kres at biglang tumawa

"hahaha katumbas ng kapangyarihan ko?wag kang magpatawa dahil ako ang diyos at ako ang pinakamalakas"si Hermo naman ngayon ang napasimangot sa kadahilanang ang black dragon na kanyang sinasamba lang ang maghahari pero naisipan niya nalang na wag kontrahin ang binatang baliw

"fufufu tama ka kaya sumama ka samin at ibibigay ko sayo ang gusto mo"natigil sa paghalakhak si Kres tumingin kela Hermo bago kunin ang isang katana sa ibabaw ng mesa na ngayon lang nakita nila Hermo...iwinasiwas ng binata ang kanyang katana bago ilagay sa gilid ng bewang niya

"itong katana na ito ang dahilan kung paano ako nagkaroon ng kapangyarihan hahaha at sa totoo lang ay itong kulungan na ito na may mahigpit na seguridad ay nawasak sa loob ng isang araw dahil dito"sambit ni Kres kahit di siya tinatanong nila Hermo pagkatapos ay nauna nang lumabas na sinundan nila Hermo...

===========================

Apat na taon ang nakakalipas mula sa bayang nakatayo mismo sa mga bundok...(A/N:nakalimutan kong ilagay itong part na ito sa last chapter hehe sorry)

Malakas ang buhos ng ulan na animo'y isang bagyo at sa kasagsagan nito ay may isang pamilya ang tumatakbo palayo sa isang tao

"mahal bilisan niyo baka maabutan pa kayo ni Hermo"sambit nang isang lalake sa kanyang mag-ina

"pero paano ka?baka patayin ka ni Hermo?"nag-alalang sambit ng babae na isang ina at asawa ng lalake

"huhuhu papa bakit po ba tayo hinahabol ng mamang iyon?"humahangos na sambit nang isang dalagita

"magiging ayos lang ako mahal at anak...hindi niya pwedeng makuha ka Kathandra lalona't nalaman niyang may kapangyarihan kang maaring bumuhay sa itim na dragon"naalala ng dalagita ang mga panahon kung kelan palaging brownout sakanila ngunit ang bahay lang nila ang may kuryente dahil sa kapangyarihan niya

"pero papa...sa tingin ko matatalo ko siya kung gagamitin ko kapangyarihan ko"hinimas nang kanyang ama ang ulo ng dalaga

"anak,alam kong malakas ang kapangyarihan ngunit di pa ito ang tamang panahon dahil di mo pa kontrolado kapangyarihan mo"matapos nun ay umalis na agad ang mag-ina dahil naabutan na sila ni Hermo...nagtago ang mag-ina sa isang puno di kalayuan sa kanilang ama nang makarinig sila ng putok ng baril

"papa..."naiyak si Kathandra sa pag-alala para sakanyang ama kaya naman inalo siya nang kanyang ina

"Kathandra,anak wag kang mag-alala okay lang si papa...dito ka lang ah para makuha ko papa mo okay?"alanganin man ay tumungo nalang si Kathandra ngunit di pa masyadong nakakalayo ang kanyang ina mula nang umalis ito sa pinagtataguan nila ay nakarinig nanaman ang dalaga ng pangalawang pagputok ng baril kaya naman naisipan niya nang lumabas at doon ay tumulo ang kanyang mga luha ng makitang nakahandusay ang kanyang ina...nilapitan niya ito na lingid sa kanyang kaalaman na nakatayo lang si Hermo at masayang pinapanuod ang nangyare

"mama!mama gising!...papa!"naiyak lalo si Kathandra ng makita sa di kalayuan ang kanyang ama na kaparehas ng sinapit sa kanyang ina at dito ay unti-unti na siyang nilapitan ni Hermo

"IKAW!...MAMATAY TAO KA ITONG SAYO!"hindi inaasahan ni Hermo na biglang may tumama sakanyang kanang mata na isang kidlat,nakaiwas man siya ay nadaplisan parin ang mata niya

"tch mukang nagagamit mo na ang kapangyarihan mo bilang panlaban...mukang di na kita kayang patayin ngayon upang di na mabuo ang limang Elemento"unti-unting umaatras si Hermo habang sinasabi iyon at di inaasahan ng dalaga ng ito'y lumundag sa bangin at nabigla ng may lumitaw na isang helicopter doon ay lumabas si Hermo para magpaalam

"hanggang sa muling pagkikita...Kathandra"matapos noon ay ginawa ni Kathandra ang lahat ng makakaya niya para mahanap si Hermo at para tuparin ang kanyang misyon na buoin ang mga Elemento...

CHAPTER END

A/N:hahaha lalo yatang gumulo ang mga pangyayari xD comment or vote po kayo please xD

ELEMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon