Ang Pagwawakas

1.9K 47 21
                                    

Matapos nilang magpalit ng kasuotan ay agad na silang tumungo papunta sa itim na dragon
"oi teka maiiwan nanaman ako?haist ano bayan"kamot ulong sambit ni Aaron matapos siyang iwan nila Sky
"di bale atleast magagamit ko muli ang kotse ko hehe"nakangiting sambit ni Aaron at masayang naglakad patungo sa kanyang pinagparkehan ngunit laking gulat niya dahil wala na ito doon
"p-paanong?sino?grrr nakakainis paano ako makakatulong kela Sky?"inis na sambit ni Aaron ngunit matapos nun ay para siyang biniyayaan ng langit sa biglang paghinto nang isang van at lumabas ang pamilyar na tao
"ehem ito po ang balita sa news at mula po sa aming kinatatayuan ay makikita niyo po ang isang hinihinalang dragon at kasalukuyan po itong umaatake sa bayan ng Zen ngunit huwag po kayo mag-alala dahil sinusubukan itong pigilan ng mga imagine police at--"naputol ang paguulat ng babae dahil sa paglapit bigla ni Aaron
"Rena!tamang-tama ihatid niyo ako malapit dun sa dragon"sambit ni Aaron sabay turo sa itim na dragon subalit pagtataka lang ang tanging nasa muka ni Rena
"s-sino ka ba?bakit parang pamilyar ka sakin?hmp alam ko namang sikat na ako sa t.v pero huwag naman ganito"sambit ni Rena kasabay nun ay ang pagsentas nya sa cameraman na tumigil sa pagrolyo
"tsk oo nga pala hindi niya ako kilala"bulong ni Aaron sa sarili
"mukang wala na akong choice....MANIPULATION:MINDCONTROL!"sambit ni Aaron at nagawa niyang gawing mistulang robot ang cameraman ni Rena
"ehh?s-sino ka ba talaga?"gulat na sambit ni Rena
"tsaka na ako magpapakilala at ikaw magmaneho ka at dalhin mo kami malapit dun sa kaganapan ng pangyayari"walang anu-ano ay sumunod ang cameraman kay Aaron kasabay nun ay hinablot na ni Aaron si Rena upang isakay

Samantala patuloy parin ang pagpapautok at pagbomba sa itim na dragon ngunit balewala lang ito dahil sa kapal at tigas ng balat at bakal ng itim na dragon
"GRAAAAAGHH!!"sambit ng itim na dragon at bumuga ito ng itim na bolang apoy at tumama sa isang helicopter
Sfx:RATATATAT!BANG!BANG!
"tsk anong klaseng halimaw ba ito?nababalewala lang mga baril natin"inis na sambit ng isang sundalo
"bzzzk zzk nandiyan na ang mga Creation Squad"sambit nang isang boses mula sa communicator(note:ang Creation Squad ay pawang binubuo ng mga imagine police ngunit mas nagagamit pa nila ang kanilang mind powers kumpara sa imagine police)
"ROBOT DUMMIES ATTACK!"sambit nang isang lalaki na may suot na puting uniporme ng sundalo at may tatak na CS,sumunod ang mga robot dummies at pinaglulundag ang dragon para patamaan ng bazooka sa malapitan
"hahaha mga walang kwenta"sambit nang itim na dragon at pinaypay nito ang kanyang bakal na pakpak at dito lumabas ang itim na hangin na humiwa at nagpatalksik sa mga robot dummies
"mukang malakas ang isang ito kung ganon...WEAPONS LOCK!TARGET SHOOT!"sambit naman ng isang babae na may kahalintulad na kasuotan sa lalaki,naglikha ng usok ang mga bala at bombang itinira ng babae gamit ang mga sandatang hindi ginagamit ng mga sundalo ngunit gaya ng sa una ay wala rin itong silbi
"naasar na ako sainyong mga tao kaya tanggapin niyo ito...DARKFLAME BALL!"matapos sambitin iyon ng itim na dragon ay bumuga siyang muli ng itim na apoy at patungo sa dalawang miyembro ng Creation Squad
"BURNING CANNON!"
"WIND SLASH!"nagulat ang dalawa nang biglang sumabog ang itim na bolang apoy at nahiwa ito pagkatapos ay napatingin sakanilang likuran
"umalis na kayo dito at baka mamatay kayo!"sambit ni Sky at ang dalawa ay tila namangha sa limang tao na mabagal na naglalakad mula sa usok at lumitaw ang elemental warriors
"kami na ang bahala...LIGHTNING CHAINS!"matapos sambitin iyon ni Kathandra ay may tumamang kadenang kidlat sa itim na dragon
"kayo!!"galit na sambit nang dragon
"oo kami nga tanggapin mo ito....GIANT EARTH PUNCH!"sambit ni Rockie matapos makalundag sa ere at makalapit sa dragon sabay suntok nito mula pailalim hanggang pataas sa baba ng dragon
"imposible bakit bigla kayong lumakas at bakit bumalik ang kapangyarihan niyo gayong nakuha ko na ito!"inis na sambit ng dragon

ELEMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon