Lunes nang gabi ay nagkaroon ng konting pag-uusap sila Mizuri at ng kanyang lolo
"uhm lolo may gusto po lamang sana akong ihiling sainyo"nahihiyang sambit ni Mizuri
"okay sige apo ano naman yun?"nakangiting sambit ni Mang Silvio
"ah eh pwede po bang bumisita tayo sa ating probinsya?"kamot ulong sambit ni Mizuri habang nakatingin sa malayo samantalang si Mang Silvio naman ay biglang napasimangot sakanyang narinig
"pero bakit apo?nakalimutan mo na bang pinagtangkaan tayong saktan ng mga kabaro natin?"dismayadong sambit ni Mang Silvio
"pero lo desperado lang po sila nung mga oras na iyon atsaka gusto ko pong bumalik dun sa kadahilanang magagamot ko na sila nang di nila nalalaman"nakagiting sambit ni Mizuri na sinusubukang papayagin siya ng kanyang lolo at habang taimtim na nagiisip si Mang Silvio ay bigla nalang bumagsak ang isang pintuan at dun inilabas si Rockie at si Mang Merkuryo
"Mer?Rockie?...anung ginagawa nyo dyan?nakikinig ba kayo sa usapan namin?"takang sambit ni Mang Silvio
"hah eh hindi noh nagpupush up lang kami ni Rockie,diba Rockie?"kamot ulong sambit ni Mang Merkuryo
"oo nga po haha osige po aayusin nalang namin ni sensei ang pinto at aalis na kami"nakangiting sambit ni Rockie
"hoy Mercurious kelan pa naging push-up ang nakasandal sa pinto at nakikinig?atsaka nakalimutan mo nabang alam ko na palagi kang Curious kaya binansagan kitang Mercurious?"nakasimangot na sambit ni Mang Silvio
"ehehehe okay okay nahuli mo na nga kami at dahil diyan ay siguro naman hahayaan mo kaming makatulong sa iyong pagpapasya?"napahawak sa baba si Mang Silvio sa suhestyon ni Mang Merkuryo
"okay sige anu naman yun?"sambit ni Mang Silvio
"kung gusto niyo po ay sasamahan ko nalang po si Mizuri para di po siya mapahamak"sambit ni Rockie
"hmmm magandamg ideya yan Rockie okay sige payag na ako oh paano Mizuri okay lang naman sayo yun diba?"kahit naiilang sa ideyang magkasama sila ni Rockie ay wala na siyang nagawa pa kundi sumang-ayon matapos nun ay agaran na silang nagempake at kalaunan ay umalis subalit....
"huy Silvio sigurado ka bang okay lang na magkasama silang dalawa?"nagtaka naman si Mang Silvio sa sinambit ni Mang Merkuryo
"alam mo bilib din ako sa kuryosidad mo noh?hmmm kung ganon ay sundan natin sila"sambit ni Mang Silvio
matapos nun ay nagiwan sila ng note para kela Sky at Flaire na ang nakalagay"pasensya na Sky kayo muna bahala sa bahay babalik din kaming lahat maya-maya"matapos nun ay sumunod na sila nang palihim kela Mizuri at Rockie batid nang dalawang matanda na hindi ito alam nang dalawa sapagkat maraming tao parin ang naglalakad sa paligid na isang dahilan para di ito maramdaman ni Rockie....umabot sila sa istasyon ng bus at dun ay sumakay at ang dalawang matanda naman ay sumakay sa isang bus na may kaparehong destinasyon kela Mizuri....mahigit isang oras lang ang nabiyahe nila dahil walang trapik kaya naman masayang masaya si Mizuri sa muli niyang pagbalik sa probinsya
"hmmm ang sarap parin ng hangin dito sa probinsya at mukang wala paring pinagbago mula nang umalis kami"masayang sambit ni Mizuri
"haha eh syempre mahigit isang buwan palang yata kayo napadpad sa bayan ng Zen"natutuwang sambit ni Rockie habang dala ang mga gamit
"oh paano saan na tayo tutuloy Mimi?"nakangiting sambit ni Rockie
"hah?ah eh hehehe"napahilamos nalang ng muka si Rockie dahil kay Mizuri
"fine maglakad muna tayo malapit sainyo pagkatapos ay susubukan kong gumawa ng pansamantala nating matutuluyan"dismayadong sambit ni Rockie
"yehey ang bait mo talaga Rockie kaya mahal na mahal kita eh"masayang sambit ni Mizuri kasabay nang pagyakap kay Rockie na ikinabigla ni Rockie
"hah?a-anung sabi mo?m-mahal mo ako?"nauutal na sambit ni Rockie na ikinabigla ni Mizuri kaya naman kumalas agad siya sa pagkakayakap at namumulang tumalikod kay Rockie
"ahahahaha wala iyon natuwa lang ako tara na"masayang sambit ni Mizuri na halatang tinatago ang totoo niyang nararamdaman,hindi na masyadong inisip ni Rockie ang nangyare nang magumpisa ng maglakad si Mizuri sa kagubatan samantala ay nagkatitigan naman ang dalawang matanda at tumungo sa isa't isa bago ipagpatuloy ang pagsunod sa dalawa...habang nasa kagubatan ay biglang binasag ni Rockie ang katahimikan
"Mimi...naisip mo ba na kung gumawa ako ng bahay ay para narin tayong mag-asawa dahil sa tayo ang titira dito?"nahinto bigla si Mizuri dahil sa sinabi ni Rockie
"hah a-ano bang klaseng katanungan yan hahaha di naman porket nakatira sa iisang bahay ay mag-asawa na haha tsaka ang mag-asawa magkasama sa iisang kwarto hindi lang sa bahay haha"matawa tawang pagpapaliwanag ni Mizuri pero sa kaloob looban niya:"A-anung klaseng tanung ba yun?may kinalaman ba ito sa pagkadulas ko kanina?di kaya...m-m-may gusto narin siya sakin?"namumulang sambit ni Mizuri sakanyang isip
"Mimi pst"tawag at sitsit ni Rockie kay Mizuri
"hah?bakit Rockie mahal?"naibulaslas ni Mizuri na ikinapagtaka ni Rockie
"hah?ano ba pinagsasabi mo diyan? hmm anyway wala ka bang naririnig na kaluskos?"agad natauhan si Mizuri dahil di niya akalaing madudulas siya dahil sa sobrang pagpapantasya ngunit inayos niya rin ang sarili niya nang makumpirma ang sinasabi ni Rockie
"Rockie kaya mo bang pakiramdaman ang mga kilos na iyon sa pamamagitan nang iyong kapangyarihan?"sambit ni Mizuri na nakahanda sa kung anu man
"kanina ko pa yan ginagawa subalit magagaan masyado ang nararamdaman ko kaya di ko makumpirma ang nasa paligid"nagtaka si Mizuri sa sinambit ni Rockie dahil wala siyang maisip na nilalang sa gubat ng kanilang probinsya na magagaan hanggang sa bigla nalang lumabas ang mga lobo sa harap ni Mizuri
"Mimi Ilag"sambit ni Rockie matapos itulak si Mizuri at salagin ang pag-atake ng lobo gamit ang kanyang kaliwang braso
"ROCKIE!"sambit ni Mizuri kasabay nang paglabas nang iba pang lobo na gutom na gutom
"Hah!..Mimi gamitin mo ang tubig na to"sambit ni Rockie matapos tanggalan ng malay ang lobo at naghagis ng plastik na bote na may tubig
"salamat Rockie...WATER PUMP"matapos sambitin iyon ni Mizuri ay agad na nagsitalsikan ang mga lobo dahil sa tubig na likha ni Mizuri
"DUSTWALL"lumikha naman si Rockie nang isang pader na mula sa naipong alikabok sa paligid na naging dahilan para magsi alisan ang mga lobo
"okay ka lang ba Mimi?"sambit ni Rockie habang sinusuri si Mimi kung may sugat ba o wala
"hah?oo okay lang ako teka gagamutin ko lang sugat mo"agad ginamit ni Mizuri ang natitirang tubig at pinagaling ang sugat ni Rockie na unti-unting naghihilom
"salamat Mimi"nakangiting sambit ni Rockie
"wala yon dapat nga ako ang magpasalamat dahil sa iniligtas mo ako eh hihi"nakangiting sambit ni Mizuri samantalang di nila alam na sobrang lapit na pala nila sa isa't isa kaya naman sobrang lagkit nang tinginan nila,maglalapat na sana ang kanilang mga labi nang muli silang makarinig ng kaluskos kaya naman agad silang natauhan at inalerto ang mga sarili pero di nila inaasahan ang sunod na nangyare
"waaah tulong!tulong!waaah"narinig nila ang dalawang pamilyar na boses at sinundan nila ito hanggang sa makita nilang nakatiwarik ang dalawang matanda na nahulog sa patibong
"Lolo Silvio!?/Merkuryo sensei!?"gulat na sambit nang dalawa habang ang dalawang matanda ay nakangiti lang
"lolo Silvio at lolo Mer sinusundan nyo po ba kaming dalawa ni Rockie?"sambit ni Mizuri na may halong nakakatakot na aura
"p-patawad apo eh si Merkuryo kasi eh"mangiyak ngiyak na sambit ni Mang Silvio habang nakaluhod
"nacurious lang ako haha pero si Silvio ang nagsabing sundan namin kayo eh"takot na sambit ni Mang Merkuryo
"haist bakit di niyo nalang po kami tinawagan tutal dala naman namin selpon namin para sana nakasabay nalang kayo"dismayadong sambit ni Mizuri
"hah selpon?"takang sambit ni Mang Silvio
"pero wala kaming selpon at isa pa di rin kami marunong gumamit nun kahit na marunong akong magkumpunin ng mga gamit"sambit naman ni Mang Merkuryo
"ganun po ba osige pero sana po ay tinawag niyo nalang kami nung nakarating po kami sa terminal para di na po kayo sumunod pa"sambit ni Mizuri
"patawad apo/pasensya na Mizuri"malungkot na saad ng dalawang matanda
"tama na po iyan mabuti nalang at ligtas po kayo at di naabutan ng mga lobo"sambit ni Rockie
"Rockie tapos na ba?"tumango naman si Rockie sa tanong ni Mizuri
"lolo,Mang Mer...dun po muna kayo sa pansamantalang tirahan na ginawa ni Rockie at pakibantayan nalang po ng mga gamit namin uhm medyo nasa gilid na parte ng gubat na ito nakalagay yung bahay tama ba Rockie?"sambit ni Muzuri
"oo pero huwag po kayo mag-alala nagawa ko pong lumikha ng mga buhay na bato para kung sakaling atakihin po kayo ng mga mababangis na hayop ay maproprotektahan nila kayo"nakangiting sambit ni Rockie
"kung ganon saan naman kayo pupuntang dalawa?"takang sambit ni Mang Mer
"ipagpapatuloy po namin yung plano ko"nakangiting sambit ni Mizuri
"uhm sige magiingat kayo"sambit ni Mang Silvio matapos nun ay naghiwalay na sila ng landas...
"b-b-bahay ba talaga ito?"gulat na sambit ni Mang Silvio
"hay naku mukang walang ideya si Rockie sa normal na bahay"dismayadong sambit ni Mang Mer(Note:mukha po kasing apartment ang nalikha ni Rockie kasi ito ang karaniwang nakikita niya haha)napansin nang dalawang matanda na may dalawang istatwang nakatayo sa magkabilang gilid ng 'bahay' kaya naman nilapitan nila ito para suriin pero nagulat sila nang bigla itong kumilos ng konti
"pambihira aatakihin ako sa puso nito eh"inis na sambit ni Mang Silvio
"di ako makapaniwalang makakalikha ng golem si Rockie"manghang sambit ni Mang Mer ilang oras ang nakalipas ay bumalik narin sila Mizuri ngunit di gaya nung huli nilang makita ay malungkot
"Rockie anung nangyare sa apo ko?"takang sambit ni Mang Silvio
"di ko po alam kung paano ito maipapaliwanag pero pagdating po namin sa lugar nyo ay wala po kaming makitang mga tao nakakapagtaka nga po dahil wala kaming ibang nakita kundi mga damit na nakahandusay sa lupa at itim na alikabok"nagtaka ang dalawang matanda sa sinabi ni Rockie pero di na nila ito gaano pang inisip at naisipan nalang nilang bumalik na agadCHAPTER END
A/N:kung di niyo po alam ay ito po yung part na wala sila Mizuri haha sa totoo lang di ito alam ni Sky dahil di niya naman nabasa ang note ganun din si Flaire xD
BINABASA MO ANG
ELEMENTS
FantasySa bayan ng Zen kung saan ang panahon ay nalalapit na sa hinaharap dahil na rin sa mga makabagong makinarya pati na rin mga robot maliban dun ay nadiskubre din ang tungkol sa kung papaano gagamitin ang kabuuang pag-iisip ng isang tao na tinatawag na...