the crossover pt3

1.6K 53 3
                                    

Samantala sa isang pwesto sa plaza kung nasaan si Kathandra….
"Anim na taon lang ang agwat kung saan kami nagmula…kung ganon, maari kong pigilan si Hermo sa kanyang masamang balak at para maiwasan rin ang pagkamatay ng aking mga magulang pero…kung mabago ko ang mga pangyayari sa ngayon, ano ang mangyayari sa hinaharap? makikita ko parin kaya si Sky-senpai?" mga bagay na bumabagabag sa isip ni Kathandra nang biglaan nalang siyang may naramdamang kakaiba.

"Para yatang lumindol? at bakit yata pumupunta ang hangin sa direksyon na iyon? Hindi kaya…" dahi sa kutob ni Kathandra ay dali-dali siyang tumungo sa lugar kung saan ngayon ay nasasaksihan niya ang isang labanan.

“WIND SLASH!”sambit ni Sky matapos niyang iwasiwas ang kanyang dalawang ispada sa mga di matukoy na nilalang na bigla nalang sumulpot.


"Nakakapanibago…tala­ga bang mula sa hinaharap ang mga batang ito?” sambit ng nilalang na dumating mula sa malakas na hangin pagkatapos ay tinignan niya rin ang paraan ng pakikipaglaban ng ibang element warriors.

“STONE COLLAPSE!”matapos sambitin ni Rockie ito ay bigla nalang nahulog sa kinatatayuang lupa ang iba pang mga nilalang.


“ACID RAIN!”kahit maganda ang panahon ay tila nagawa paring umulan dahil sa sinambit ni Mizuri ngunit di lang ito ordinaryong ulan kundi ay nakakalusaw ng sino mang matamaan nito mabuti nalang at kontrolado ito ni Mizuri.


“BURNING BULLETS!”nagpaulan naman si Flaire ng mga bala na nag-aapoy at sinunog ang mga nilalang na tinamaan kasabay nun ay ang pagkaubos ng mga nilalang sa paligid kaya naman naiwan nalang na nakangisi ang nilalang na dinala ng hangin.

“Ngayon ikaw nalang ang natitira may huli ka bang habilin bago ka namin tapusin?”may halong yabang na sabi ni Sky.


"Hmp! Kagaya ng iyong kapangyarihan ay mahangin ka rin pero pauunlakan ko ang iyong sinabi, makipaglaro pa kayo sa aking mga alaga hahaha”ang mga nilalang na napatumba nila Sky ay bigla nalang nagsibangon na parang walang nangyari
“PARALYSIS SHOCK!”may tumamang kuryente sa batok mismo ng nilalang na lider mismo nang ibang nilalang at dahil dito ay nawalan siya ng kakayahan na kumilos dahilan para tumigil din mismo ang mga nilalang na pasugod palang sana sa grupo nila Sky.

"Ha? Ano yun? Isang kidlat?" gulat at takang nasabi ni Flaire.

"Imposible! Anong...hindi ako makagalaw. Ang mga batang ito! Masyado silang kakaiba." nasabi ng kanilang kalaban sa kanyang sarili.

Napansin naman ng lima ang isang babae na nakatayo sa bandang likuran ng kanilang kalaban.


"Iyon si...Kathandra, hindi ba?" tanong ni Mizuri.


"SLASHING FLASH!" nilabas ni Kathandra ang kanyang katana at tuluyang tumapos sa kanilang kalaban.

"SIYA ANG...IKALIMANG ELEMENTO?!" gulat na bulalas ni Sky ng mawala na ang kanilang mga kalaban.


Bigla namang may lumabas na liwanag sa likod nila Sky at nilabas nito sina Lilian, Sagi, Leo at Aaron.

"Eh?! Nandito na tayo kaagad?" manghang wika ni Leo malamang nandoon na sila sa plaza.

"Kaya mo pala ng teleportation, Lian eh! Bakit ngayon mo lang ito ginawa?" tanong ni Sagi kay Lilian na ngayon ay nakaupo sa lupa. Nagtaka naman siya dahil sa ayos nito. "Anong problema Lian?" nag-aalalang tanong ni Sagi dahil mukhang nahihirapan si Lilian.

"Ito ang dahilan kung bakit. Hindi ako sanay na magteleport at dahil na rin sa malakas kumuha ng kapangyarihan ang ganoong paraan." hirap na paliwanag ni Lilian.

"Teka! Si Kathy yun ah!" turo ni Leo kay Kathy na nakatayo di kalayuan sa kanila.

"Teka! Anong nangyari dito? Nasaan na yung mga kalaban?!" maangas na wika ni Aaron habang pinapatunog ang kanyang mga kamao.

"Huli ka na. Wala ng mga kalaban."-Flaire

"Ano?! Umalis na sila kaagad?! Eh hindi pa nga ako nakakalaban eh!" inis na sabi ni Aaron ng tuluyan ng mawala ang mga nilalang.

Nang mga sandaling iyon ay hindi malaman ni Kathandra ang kanyang gagawin. Nalantad na ang kanyang pagkatao. Gayun din ang nararamdaman ng mga elemantal warriors. Hindi nila inaasahan na ang babaeng hinahanap ay ang ikalimang elementong bubuo sa kanila.

"Bakit parang iba ang atmosphere dito?" takang tanong ni Sagi habang buhat si Lilian. Napakatahimik kasi at halos lahat ay seryosong nakatingin kay Kathandra.

"Kathy!" sigaw ni Leo at tumakbo palapit kay Kathandra ngunit kaagad siyang hinarangan ni Rockie.

"Wag ka munang lumapit sa kanya."

"Huh? Bakit naman?" -Leo

"Katulad ka din namin 'diba? Isa ka ding elemental warrior?" tanong ni Mizuri at bahagyang lumapit kay Kathandra.

Tumingin sandali si Kathandra kay Sky na nakatingin din sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot. Wala na siyang magagawa pa. Ano pang dahilan ng pagtatago eh darating din naman ang puntong ito na makikilala na sya ng kanyang mga kasama. Tumango na lang siya bilang sagot.

"Sabihin mo nga Lian, may alam ka ba dito?" naniningkit na matang tanong ni Sagi kay Lilian na umiwas ng tingin sa kanya habang naka-pout.

"Malay natin na ito pala ang dahilan kung bakit sila napunta sa nakaraan diba?"

Sa bahay nila Sagi...

"Matagal mo na pala kaming sinusundan. Ikaw nga siguro yung madalas naming maramdaman na nagmamatyag sa amin." sabi ni Sky kay Kathandra na nakaupo ngayon sa single seat na sofa. Para syang nasa hot seat ngayon habang ang lahat ay nakatingin sa kanya.

"Uhm. Naghahanap kasi ako ng tamang tyempo para makapagpakilala sa inyo."

"Nakakatuwa at kompleto na tayo. Siguro nga ay ito ang dahilan kung bakit tayo dinala dito ng kahon." masayang sabi ni Mizuri.

"Speaking ng kahon...ngayong kasama na natin si Kathy ay paano tayo makakabalik sa panahon natin?" napapaisip na tanong ni Aaron.

"SANDALI!" sigaw ni Kathandra at napatayo pa ito na ikinagulat naman ng kanyang mga kasama.

"Bakit, Kathy?" -Leo

"Hindi pa tayo pwedeng bumalik. Pagkakataon na natin ito na mapigilan ang mga hindi magandang mangyayari sa hinaharap."

"Ano?"

"Nandito tayo sa nakaraan 'diba? Maaring sa panahong ito ay nagsisimula palang ng kanilang mga plano ang mga kalaban natin. Maganda kung ngayon pa lang ay mapigilan na natin sila."

"Maganda yang ideya mo Kathy. Kaya lang, di mo ba naisip na dahil diyan ay mababago mo din ang magiging takbo ng history?" kaswal na tanong ni Sagi.

"Tama si Sagi doon, Kathy. Kaya ka nga namin hinanap kaagad eh. dahil hindi tayo pwedeng kumilos o gumawa ng mga bagay na makasisira sa future. Maari ngang maganda ang plano mo pero...paano na lang kung makabalik na tayo? Hindi natin alam kung sa pagbalik natin ay ganun pa din ang takbo ng mga pangyayari mula noong umalis tayo."

"Naisip ko naman iyon eh! Kaya lang...baka naman pwede tayong mag-isip ng paraan para mapigilan sila ng hindi masisira ang future. Samatalahin na natin ang pagkakataon, baka ito talaga ang dahilan kaya tayo nandito di'ba? Ang misyon natin ay pigilan ang mga kalaban na sirain ang ating mundo."

"Kung susundin natin ang plano mo ay masyado tayong matatagalan dito. Yun palang ay malaki na ang magiging epekto sa hinaharap di'ba?"

"Uhm, sang-ayon ako dun. Pwede pa rin naman nating gawin ang ating misyon sa sarili nating panahon. Ngayon pa't kompleto na tayo ay tiyak na magtatagumpay tayo."-Rockie

"Bakit? Bakit?...BAKIT HINDI NINYO MAINTINDIHAN?! Dahil sa kanila maraming buhay ang nawala! Hahayaan nyo bang dumami pa iyon?! Paki-usap...pakinggan nyo ako..." umiiyak na sabi ni Kathandra. Nabigla naman ang lahat sa reaksyon ni Kathandra.

"Kathy?"-Leo

"KUNG AYAW NYO AY AKO NA LANG ANG GAGAWA MAG-ISA!"

"Sandali! Hindi ka pwedeng kumilos ng mag-isa!" napatayo na din silang lahat.

"Wag kang magpadalos-dalos Kathy!" Pigil ni Aaron.

"Kathy, makinig ka sa amin. Kailangan kasi nating maging mag-ingat."-Rockie

"Ang mga...magulang ko...nawala sila...pinatay sila...ng mga taong iyon..." umiiyak na sabi ni Kathandra. Nilapitan naman siya si Sky at niyakap.

"Shhh...nauunawaan ko. May malalim kang pinaghuhugutan ng plano mo. Alam kong ayaw mo lang din na may masaktan pang ibang mga tao pero maintindihan mo din sana ang pinupunto namin." pag-aalo ni Sky kay Kathandra. Ikinainit naman ng uko ni Flaire ang kanyang nakita.


"Eh? Grrrrrr! Ang babaeng ito!..." nanggigigil na sabi ni Flaire. Ngunit bago pa sya tuluyang magliyab sa galit ay binuhusan na sya kaagad ng tubig nila Sagi at Mizuri.

"Hindi mo pwedeng gawin yan. Baka masunog ang bahay namin." kunot noong sabi ni Sagi.

"Hehe, chill ka lang Flaire. Nakikituloy lang tayo dito kina Sagi eh."-Mizuri

"Argh! Kainis!" gamit ang kapangyarihan ni Flaire ay tinuyo nya ang kanyang sarili.

"Pero...kasi...sina mama...at papa.." patuloy pa ding humihikbi si Kathandra.

"Wag ka ng umiyak. Pangako, pagbalik natin sa ating panahon ay gagawin natin ng magkakasama ang misyon natin at magtatagumpay tayo." nakangiting sabi ni Sky habang pinahid nya ang mga luha sa pisngi ni Kathandra.

"S-Sky-senpai...uwaaah." napayakap naman si Kathandra kay Sky. Lalo tuloy nainis si Flaire. At sa pangalawang pagkakataon ay binuhusan sya ulit ng tubig ng dalawang water element.

"ANO BA NAMAN KAYONG DALAWA?!" inis na bulyaw ni Flaire kina Sagi at Mizuri.

"Ikaw kasi eh! Sinabi ko ng hindi ka pwedeng maglabas ng apoy dito sa bahay." kibit balikat na sabi ni Sagi.

-----------
Halos palubog na rin ang araw kaya naman naisipan na ni Lilian na magluto na ng hapunan. Tinutulungan naman sya ni Mizuri sa pagluluto. Si Kathandra naman ay nakatulog dahil sa pag-iyak at sa sobrang pagod kaya naman ay nandoon sya sa kwarto ni Lilian at nagpaahinga.Ang mga lalaki naman ay nagkukwentuhan lang sa sala kasama ni Flaire. Hindi kasi siya pinayagan ng kanyang mga kasama na tumulong sa pagluluto dahil baka makadisgrasya pa sya.

"Sagittarius, naubusan na tayo tayo ng pepper, ketchup at soy sauce. Kukulangin kasi para sa lulutuin namin. Pwede bang bumili ka muna sandali?" tawag ni Lilian kay Sagi mula sa kusina.

"Ahm, sige." sabi ni Sagi atsaka tumayo. "Teka lang muna ah, may pinapabili si Lian eh."


"Sige lang."-Aaron

"Sagi, pwede ba akong sumama?" -Sky

"Sure, malapit lang naman ang bilihan eh."

Habang naglalakad ay nililibot ni Sky ang kanyang paningin. Sinisiyasat nyang maigi ang bawat detalye ng paligid. Napansin naman si Sagi ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Sky.

"Sabihin mo Sky, may napapansin ka din bang kakaiba?" seryosong tanong ni Sagi

"Ha?" puno namang pagtatakang nilingon ni Sky si Sagi.

"Hindi ko alam pero kasi...parang kakaiba si Lilian ngayong araw. Parang mayroon siyang dapat sabihin na hindi nya sinasabi sa atin."

"Ganoon ba? Ang totoo kasi niyan ay naguguluhan ako. Habang nagkukwentuhan tayo kanina ay may mga bagay na hindi ko mapagtagpi-tagpi. Tapos ngayon naman..." muling tumingin si Sky sa paligid.

"Ang weird kasi eh. Ilang taon lang ang agwat ng panahon ko sa panahon ninyo pero...parang masyadong malaki ang pagkakaiba ng mga panahon natin. Kasi naman, masyadong modern ang panahon namin kung ikukumpara sa inyo. At base sa kwento nyo at sa nakikita ko ngayon, parang hindi kapani-paniwala na sa loob lang ng ilang panahon ay magiging ganoon kabilis ang pagbabago."

"Yan din ang hindi ko maintindihan eh. Ewan ko ba doon kay Lian at ayaw pa nyang ipaliwanag ang mga nangyayari. Ugali na talaga nya na hayaan ang ibang nga tao na makatuklas ng mga bagay-bagay." dismayadong sabi ni Sagi.

"Hindi naman sa minamaliit ko ang bansang Pilipinas na magagawa nitong umunlad kaagad--" ngunit naputol naman ang kanyang sasabihin.

"Pilipinas?"naguguluhang tanong ni Sagi.

"Oo, Pilipinas. Ang bansa natin...di'ba?"medyo alanganing tanong ni Sky.

"O--kay...mukhang nakukuha ko na kung anong nangyayari. Wala tayo sa bansang Pilipinas. Ang Alstreim ay nasa bansang Nogirbo.

"Nogirbo?...wala namang ganoong bansa sa amin. Saang kontenente ba iyan?"

"Kontenente?"

"Oo, Europe, Asia, America, ganun?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Sky. Wala namang ganyan dito eh. Mukhang hindi kayo nagtime travel..." napahalukipkip na sabi ni Sagi.

"Tama, isa itong dimensional travel." napapatangong sagot ni Sky.

Nagmamadaling umuwi ang dalawa para sabihin sa kanilang mga kasama ang kanilang natuklasan.

"Eh? Dimensional travel?!"

"Oo, kasi naman hindi magkakatugma-tugma ang mga detalye ng ating mundo at panahon."

"So wala nga tayo sa nakaraan. Tama pala ang desisyon natin na wag ituloy yung plano ni Kathandra."

"Maaring ang mundong ito nila Sagi ay nag-eexist kasabay ng ating mundo kaya hindi rin natin ito matatawag na nakaraan kahit na mas nauna ang taon natin sa kanila."

"Tama ba kami doon, Lian?" nakasimangot na tanong ni Sagi kay Lilian.

"Hehe. Pasensya na kung di ko sinabi kaagad. May tiwala naman akong matutuklasan niyo din iyon kaagad eh." nakangiting sagot ni Lilian.

"Lilian, matutulungan mo ba kaming makabalik sa aming mundo?" Rockie

"Hindi ko alam kung magagaw ko. Hindi kasi ako pamilyar sa inyong mundo at hindi rin ako sanay gumamit ng teleportation. Baka kung saan ko lang kayo madala."
Nalungkot naman ang mga elemental warriors sa kanilang narinig.

"Paano na tayo nito?"


Samantala...sa gilid ng dojo kung saan naiwan ang kahon...


"Teka, anong ginagawa nito dito?" tanong ng isang lalaki ng pulutin nito ang kahon.

"Hehe, naisipan ko lang na maglaro sandali." paliwanag naman ng isang babae habang nagkakamot ng ulo.

"Maglaro? Ikaw talaga, sinabi ko na sayong hinatayin mo muna ako eh. May plano pa nga akong gawin di'ba?"

"Pasensya na! Naexcite lang naman ako. Gusto ko lang namang ipakilala ang mga kaibigan mo sa mga kaibigan ko sa kabilang mundo hihi. Don't worry kasi sinigurado kong wala namang mangyayaring kakaiba at hindi maganda."

"Tingin ko oras na para ibalik mo sila dito. Mamaya niyan ay kung mapaano pa ang mga warriors ko doon eh." nakataas na kilay na sabi ng lalaki.

"Okay, sorry na Partner hehe. Sige ibabalik ko na sila. Baka makagulo na ako ng husto sa istorya eh."

"Mabuti pa nga." iniabot ng lalaki ang kahon at dahan-dahan naman itong binuksan ng babae.

"Anong ingay ang nangyayari dito?" tanong ni Kathandra na kababa lang. Gising na pala ito.

"Gising ka na pala sleeping beauty. Well namomroblema lang naman kami kung paano makakabalik sa mundo natin." mataray na sagot ni Flaire.

Bigla namang nagliwanag ang ilalim ng kinatatayuan nila Sky at ng kanyang nga kaibigan.

"Ano ito?"

"Mukhang sinusundo na kayo ah." nakangiting sabi ni Lilian.

"Babalik na sila sa mundo nila?" Leo

"Waaah! Wag nyo akong iwan Sky-senpai." tumakbo palapit si Kathandra kay Sky at kumapit sa braso nito.

"Teka! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bitawan mo nga si Sky!"-Flaire

"Ayoko nga! Hmp! Bleeh!"-Kathandra

"Ikaw?!"-Flaire

"Tama na nga iyan kayo talagang dalawa."-Mizuri

"Ba-bye Lilian! Sayang at hindi man lang kita nagawang ayain na makipagdate sa akin."-Aaron

"Ha? Anong date ka diyan?!"-Sagi

"Wag nyo na lang pansinin itong si Aaron. Paalam na sa inyong tatlo. Salamat sa pagpapatuloy niyo sa amin."-Rockie

"Uhm, paalam. Salamat din at nakasama namin kayo. Nag-enjoy din naman kami."-Leo

"Ba-bye. Galingan nating lahat. Sana ay magtagumpay tayo sa ating misyon."-Sagi

"Haha syempre naman magtatagumpay tayo. Mauna na kami sa inyo Sagi."-Sky

Naglaho na nga ng tuluyan sa harapan nila Sagi sina Sky.

"Ang weird ng araw na ito." Sagi.

---------
"Nakabalik na tayo!"-Aaron

"Oo nga! Yes! Namiss ko kaagad ang dojo!"-Eockie

"Tignan nyo, mukhang hindi umandar ang oras dito sa mundo natin ah."-Mizuri

"Oo nga, nasaan na din yung kahon?"- tanong ni Aaron habang hinahanap ang kahon sa paligid.

"Hindi ka ba talaga bibitaw kay Sky?!"-Flaire

"Ayoko nga! Sa akin lang si Sky-senpai!"-Kathandra

"Hehe. Teka kayong dalawa...nasasaktan ako eh." nakasimangot na sabi ni Sky habang hinihila sya sa magkabilqng kamay ng dalawang babae.

"Oh, anong nangyayari dito? Tapos na ba kayong maglinis mga bata?"-Lolo ni Mizuri.

"Lolo! Mang Merkyuryo!" niyakap ni Mizuri ang kanyang lolo pagdating nito.


"Bakit parang namiss mo naman ako kaagad, apo? Sandali lang naman kaming nawala ah?"

"At sino naman ang batang babaeng iyan?" tanong ni Mang Merkyuryo ng makita si Kathandra.

"Hehe. Kamusta po."

"Ahm, sya nga po pala siya po si.."

"Sky-senpai.." pinutol ni Kathandra ang pagsasalita ni Sky kaya naman napalingon ito sa kanya.

"Patawad." nagtaka naman sila sa sinabi ni Kathandra. Hindi na sila nakapag-react pa ng may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanilang spine diretso sa kanilang utak.

"Hindi pa talaga ako handang makapagpakilala at makasama kayo ngayon. Patawad kung binura ko ang inyong ala-ala tungkol sa akin." malungkot na wika ni Kathandra bago tuluyang umalis.

CHAPTER END

A/N:maraming salamat kay msrenasong palakpakan nyo po siya dahil siya halos gumawa at may ideya ng crossover na ito haha di bale may part din ako dito ito rin pla dahilan kung bakit natagalan ako magupdate xD,sana po basahin nyo rin ang story ni msrenasong na Lady Of The Blue Moon Lake

p.s join our group ELEMENTS and LOTBML nandyan po kami ni msrenasong

ELEMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon