Ang Magkasalungat

2.6K 82 2
                                    

Sa loob ng isang kwarto sa isang dojo ay nagusap ng pribado sina Mang SIlvio at mang Merkurio....

"ngayon Silvio sabihin mo sakin ang problema..."pagsisimula ni mang Merkurio ng sila'y maupo agad

"di ko alam kung papaniwalaan mo ako o hinde pero si Mizuri ay may kapangyarihan at ang kapangyarihan niya ay katubigan..."seryosong sabi ni mang Silvio na medyo kinagulat naman ni  mang Merkurio subalit hindi niya na lamang ito pinahalata

"kung ganon kagaya lang siya ni Rockie.."mahinang sambit ni  mang Merkurio

"hah?anong ibig mong sabihin?"pagtataka ni mang Silvio sa kaibigan

"Silvio,makinig kang maigi kaibigan si Rockie ay may kapangyarihan din at ang kapangyarihan niya ay kalupaan"sambit ni man Merkurio na ikinagulat ni mang Silvio

"kung ganon magiging madali lang ang lahat"napatingin naman si mang Merkurio kay mang Silvio na may halong pagtataka

"anong ibig mong sabihin?"napatingin sakanya si mang Silvio at ngumisi

"silang dalawa mismo ang kasama sa lima pang kabataan na may hawak ng elementong pangkaisipan"agad naalala ni mang Merkurio ang ikinwento sakanya ni Rockie ng mapaginipan niya nag tungkol daw sa prinsesa ng kalikasan

"kung ganon nagkita rin sa wakas ang dalawang elemento"masayang smabit ni mang Merkurio

Samantala sa labas ng kwartong iyon ay patuloy parin sa pagkain si Mizuri at kasabay niya na ngayon si Rockie

"pambihira...paano ako makakain ng maayos kung ngayon pa lang busog na ako sa gwapong nilalang na ito"nakayukong sabi ni Mizuri sa isip niya habang siya ay kumakain ng mabagal at nakayuko

"uhm ano...binibini pwede ko bang malaman pangalan mo?"medyo nahihiyang sabi ni Rockie

"hah?uhm..eh...mi..mi.."hindi masyadong maintindihan ni Rockie ang sinasabi ni Mizuri at ito's medyo mahina pa kaya naman lumapit ng konti si Rockie ng di namamalayan ni Mizuri

"uhm ano ulet sinabi mo?mimi?"sabi ni Rockie ng siya ay makalapit kay Mizuri na ikinagulat naman ni Mizuri kaya naman ay wala sa isip niyang magamit ang kanyang kapangyarihan

"WATER SPLASH!"sambit ni Mizuri na medyo ikinagulat ni Rockie lalo na ng mapatalsik siya ng tubig mula sa tsaa

"AWWW...anong...teka wag mong sabihinng tubig ang kapangyarihan mo?"medyo gulat na sabi ni Rockie habang siya ay nakabaligtad at si Mizuri naman ay natauhan bigla sa ginawa niya

"naku patay di ko iyon sinasadya"agad namang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan naguusap sila mang Silvio at mang Merkurio

"anong nangyari dito?san galing ang kalampag na iyon?"sabi ni Silvio habang tumitingin sa paligid at nakita nilang dalawa si Rockie na nakabaligtad parin sa dingding

"Rockie?anong ginagawa mo?bakit basa ka ng tubig?"tanung ni mang Merkurio kay Rockie at si Rockie naman ay agad umayaos ng upo at si Mizuri naman ay napabalikwas ng tingin ng tignan siya ni mang Silvio

"Apo...ginamit mo ba kapangyarihan mo?"medyo seryosong sabi ni mang Silvio kay Mizuri

"uhm..ah..eh..o..opo hehe"medyo awkward na sabi ni Mizuri habang nagkakamot ng kanyang ulo at si mang Silvio naman ay nagbuntong hininga lang

ELEMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon