Bayan ng Zen taong 2015 sa isang eskwelahan na nagngangalang ZenXerxes High...
Unang Araw nang buhay third year ni Sky sa ZenXerxes High
"Haay panigurado mas mahirap na mga pag-aaralan namin ngayon sana man lang may magagandang activities ang taong ito"sambit ni Sky sa sarili habang naglilibot sa eskwela dahil sa hinahanap niya ang kanyang classroom nang biglang may narinig siyang mga mabibilis na yabag,lilingon na sana siya pero nabunggo na siya ng tumatakbo patagilid
"Sky?pasensya na pre mamaya na tayo magusap"sambit nang lalaki habang tumatakbo pagkatapos nun ay may huminto naman sa harap niya na isang hinihingal na babae
"hha hha Sky hha *cough**cough*saan nagpunta si Aaron?"hingal na sambit nang babae kay Sky
"deretso lang pero teka lang muna Elle bakit ba kayo nagtatakbuhan?"takang sambit ni Sky habang naghahabol ng hininga ang dalagang nagngangalang Elle
"eh kasi naman kinain niya yung binake kong cookies pagkatapos ko itong ipakita sakanya kaya ayun"tumango naman si Sky sa sinabi ni Elle
"haha bakit kasi di mo nalang ipagbake si Aaron alam mo namang sarap na sarap yun sa cookies lalona't galing sayo"namula naman si Elle sa sinabi ni Sky
"eh?p-para naman sakanya yun eh kaso ang loko di man lang ako pinagkinggan muna nung binuksan ko ang lalagyan ng cookies"nakatingin sa malayong sambit ni Elle"ah hehe osige mauna na ako at sapalagay ko naman ay baka napunta na iyon sa classroom nila kaya maigi sigurong dun mo siya puntahan"awkward na sambit ni Sky
"oo nga tama ka okay sige salamat Sky sana lang maging magkakaklase parin tayo ngayong taon"ngumiti si Sky at kalaunan ay nagpatuloy na sa paghahanap ng kanyang classroom,sa loob ng limang minuto ay nahanap rin ni Sky ang kanyang classroom
"Section Aventus?ang weird talaga magpangalan ng eskwelang ito"napailing na sambit ni Sky pagkatapos ay pumasok na at naghanap ng mauupuan...umupo siya sa isang bakanteng upuan kung saan walang ibang kaklase niya ang nakaupo malapit rito
"hmmm siguro hinahanap pa ng iba ang klasrum namin o kaya ay naglalakwatsa pa ang iba tsk tsk mga tao talaga"sambit ni Sky sa kanyang isip pagkatapos ay nilapitan siya ng isang kaklase niya na babae na kanina pa nakatingin sakanya
"um hi pwede ba akong makipagkilala sayo?"masayang sambit ng babae
"ah okay wala pa naman ang mga kaklase natin at guro"nakangiting sambit ni Sky at dun ay naupo na ang babae
"Ako nga pala si Shana ikaw ano pangalan mo?"pagpapakilala ng babae kay Sky
"uhm Sky,Sky Dorotan"nakangiti muling sambit ni Sky
"oh Sky alam mo bang matagal ko nang pinangarap na makasama ka?"mahinang sambit ni Shana
"huh?anu ulit sinabi mo?"takang sabi ni Sky na siyang dahilan para marealize ni Shana na sinasabi niya pala ang kanyang nasa isip
"hah ah eh wala wala haha"di na naipagpatuloy ang kanilang paguusap dahil nagsidatingan narin ang kanilang mga kaklase kasabay nang kanilang guro nabigla naman si Sky nang huling pumasok sila Elle at si Aaron na mukang nawalan ng malay dahil sa bitbit siya ni Elle na kumakaway pa kay Sky
"ahe hehe mukang magkaklase nanaman tayo ulit ah"sambit ni Sky nang sila'y makaupo sa tabi niya
"gusto ko sanang magtanong kung anu ang nangyare pero mas maiging hindi nalang"sambit ni Sky sakanyang isip bago magumpisa ang klase at bumalik na sa kamalayan si Aaron
BINABASA MO ANG
ELEMENTS
FantasySa bayan ng Zen kung saan ang panahon ay nalalapit na sa hinaharap dahil na rin sa mga makabagong makinarya pati na rin mga robot maliban dun ay nadiskubre din ang tungkol sa kung papaano gagamitin ang kabuuang pag-iisip ng isang tao na tinatawag na...