Extra Chapter:Ang Tatlong Araw na Bakasyon

1.3K 31 2
                                    

Matapos ang nangyaring gulo sa bayan ng Zen ay maraming tao na ngayon ang gustong hanapin ang mga elemental warriors,mapamedia man o Imagine police kaya naman napagdesisyunan ng magkakaibigan na ikansela muna ang kanilang paghahanap sa mga kapangyarihang nahiwalay sakanila pati narin sa itim na dragon at magbakasyon sa loob ng tatlong araw....
"sigurado ka bang ayos lang na magbakasyon muna sila ng tatlong araw?"sambit ni Mang Silvio habang nagiisip nang igagalaw ni Mang Merkuryo sa larong chess
"oo sa tingin ko magiging okay lang sila"sambit ni Mang Merkuryo at inihakbang ang kanyang pawn
"matanong ko lang pala...saan ba nanggagaling ang iyong kayamanan?"takang sambit ni Mang Silvio at inihakbang ang kanyang knight/horse
"Checkmate!...marami lang akong koneksyon"nakangiting sambit ni Mang Merkuryo

Unang Araw...Amusement Park
"Ang ganda rito"manghang sambit ni Mizuri habang pinapalibot ang tingin sa mga rides
"oo nga...ito ang unang beses na nakapunta ako rito"masayang sambit ni Rockie
"hehehe dapat kayong magpasalamat sakin dahil alam ko itong lugar na ito"mayabang na sambit ni Aaron
"kung di ako nagkakamali karamihan sa mga naging girlfriend mo ay dito mo dinadala"naiilang na sambit ni Sky
"Sky-senpai dun tayo sa Ferris wheel"masayang sambit ni Kathandra habang nakaturo sa ferris wheel at nakakapit sa braso ni Sky
"hmp mas maganda kung doon tayo sa roller coaster"masungit na sambit ni Flaire na nakakapit naman sa kabilang braso ni Sky
"hehehe mas mainam na magkakasama tayo sa iisang ride uhm teka...doon tayo sa horror house"nakangiting sambit ni Sky na ikinamutla nila Kathandra at Flaire
"magandang ideya yan Sky ano sa tingin mo Mimi?"pagsangayon ni Rockie
"m-medyo nakakatakot ang itsura pero magandang yan muna unahin natin"takot na sambit ni Mizuri habang nakahawak sa damit ni Rockie mula sa likod
"fufufu mukhang matatakutin pala kayong mga babae huwag kayong mag-alala pwede niyo naman akong yakapin eh"masayang sambit ni Aaron ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nauna na palang maglakad sila Sky kasama sila Flaire at Kathandra
"uhm Aaron mas mabuting sumunod na tayo kela Sky"sambit ni Rockie at nagsimula naring maglakad habang pinapakalma si Mizuri
"pambihira ako nakaisip na ito muna puntahan natin pero bakit kayo ang nauuna?"inis na sambit ni Aaron at nagumpisa naring maglakad...sa loob ng horror house tanging si Mizuri lang at si Aaron ang natili samantalang ang mga nagpapanggap na mga multo at aswang ay nakaramdam ng takot mula kela Flaire at Kathandra habang si Sky ay nanatili lang nakangiti habang si Rockie naman ay biglang naninigas dahil sa pagkagulat na isa rin sa dahilan kung bakit natili si Mizuri,mga limang minuto lang ang tinagal nila sa loob ay pagkalabas nila ay ganito na ang kanilang itsura:si Sky na masaya,si Flaire at Kathandra na naglalabas ng nakakatakot na aura habang nakakapit sa magkabilang braso ni Sky,si Rockie na animo'y naging bato,si Mizuri at Aaron na tila nawalan ng boses
"argh...di ko akalaing mas nakakatakot na ang nasa horror house hehe medyo matagal narin pala nung ako'y pumunta dito"nanghihinang sambit ni Aaron
"Rockie?okay ka lang ba?huy Rockie wag ka naman ganyan"sambit ni Mizuri habang inaalog si Rockie...nakabawi rin agad silang lahat at sumakay naman sa iba't ibang rides gaya ng Roller coaster kung saan si Sky lang ang masaya habang sila Aaron,Mizuri at Rockie ay halos mawalan ng kaluluwa at sina Flaire at Kathandra ay nanatili parin sa tahimik na pagtatalo doon naman sa mga sumunod na rides gaya ng Merry-go-round at Bumper cars ay naging masaya halos lahat sila maliban kela Flaire at Kathandra na nagbabanggaan at nagaagawan kay Sky...sa sumunod na ride na ferris wheel ay napagdesisyunan na lamang ni Sky na sumakay magisa sa isang cargo habang sa isang cargo naman ay magkasama sila Flaire at Kathandra sa ikatlong cargo ay sina Mizuri at Rockie na tila nahihiya dahil sila lang ang magkasama at sa ikaapat naman ay tuwang tuwa si Aaron dahil may kasama siyang babae na napasang-ayon niya bilang bagong girlfriend...naisipan nilamg kumain matapos nun at nanunuod ng fireworks kinagabihan kung saan lahat na sila ay masaya at nakangiti matapos nun ay nagrent sila ng mga kwarto sa isang hotel kung saan magkahiwalay ang mga babae sa lalaki at doon nagpalipas ng gabi

ELEMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon