Papasok nanaman ako sa school. Kinakabahan nanaman ako. Sana naman maging maganda ang araw ko ngayon. Pg alis ko sa bahay pumunta muna ko sa 7/11. Bumili ako ng hot chocolate, Di na ko nag almusal sa bahay kasi male late na ko. Pag pasok ko sa room bigla na lang ako nadapa. May humurang kasi na paa at sa kamalas malasan naman natapon yung hot chocolate ko kay...
"Fuck! Shit! hindi ka lang panget tatanga tanga ka pa!!" -Miggy.
"Hala sorry, di ko naman sinasadya eh, napatid kasi ako, sorry talga." Mangiyak ngiyak na ko kasi sobrang natatakot ako sa kanya. Galit na galit sya sakin. :(
"May magagawa ba yung sorry mo ah?! mawawala ba yung dumi sa damit ko?! ang mahal nito baka akala mo, galing pa yan sa ibang bansa ang tanga tanga kasi eh!" -Miggy. Naiiyak na talaga ako di ko na magawang magsalita. Papunta na ko sa upuan ko sa dulo.
"Hahaha look girls oh, bagay lang sa kanya yan. Nakakaawa naman nasigawan pa sya ni Miggy." Maarte 1. Tawa lang sila ng tawa at ang sama ng tingin sakin.
"Prey tama na wag kana umiyak, hindi sinasadya ni Miggy na sigawan ka. Tama na yan." -Kylie. Di ko napigilan kasi napahiya ako masyado sa mga sinabi nya. Di tuloy ako masyado makapag concentrate.
MIGGY POV
Dahil badtrip ako, di na ko pumasok. Nagpunta na lang ako sa tambayan at tinext ko na lang sina Drey, Zayn, at Joshua para pumunta na lang din sila dito. Nakakabadtrip talaga yung babaeng yun napaka tanga. Ewan ko ba bakit inis na inis ako sa kanya.
"Oh pare anung problema bakit ayaw mo pumasok?" -Zayn
Kinwento ko na sa kanila yung nagyari kahit inis na inis ako sa babaeng yun.
"Di naman siguro nya sinasadya dapat hindi mo na sinigawan, kaya pala pagdaan namin sa room kanina nakita namin umiiyak." - Joshua
"Oo nga naman bestfriend kawawa naman yung babae." - Drey
"Kung naaawa kayo sa kanya odi dun na kayo! Mga bwisit kayong lahat iwan nyo na nga ako dito kelan pa kayo di sumang ayon sakin ah?!"
Pinaalis ko na sila. Ok na din siguro yun para mapag isa muna ko dito sa tambayan. Kumuha na lang ako ng beer sa ref at uminom,. Bwisit talaga. Bakit pa kasi dito pa nag aral yung babaeng yun naiinis ako pag nakikita ko yun. Ayoko sya makita kaya gagawa ako ng paraan para mapa alis yan dito, akala nya ah. Wala akong paki alam basta paalisin ko yan dito. Sa mga gagawin ko tignan lang natin kung hanggang san sya tatagal.
Back to Prey
Vacant ko na at dahil gutom na din naman ako, pumunta na lang ako sa canteen para kumain. Mag isa lang ako kasi may ginagawa si Kylie kaya di nya ako nasamahan. Habang nakaupo ako, napansin ko na mga kaibigan pala ni Miggy yung nakaupo sa may table sa likod ko. Di na ko lumingon ulit dahil baka makita nila ako. Alam ko na yung mga names nila dahil sinabi sakin ni Kylie kahapon. Narinig ko silang nag uusap.
"Alam nyo mga pare natatakot ako para kay bestfriend, bumalik nanaman sya sa dati. Palagi na lang sya galit at madalas umiinom pa sya." -Drey. Sabi ni Kylie si Drey daw yung may kulay ang buhok kaya ko nalaman.
"Oo nga eh, masyado sya nasaktan kay.. ay oonga pala bawal banggitin pangalan nya." -Joshua. Yung kulot ang buhok.
"Hayaan na muna natin sya kasi kahit anong gawin natin di naman natin sya mapipigilan, lalo na ngayon bumalik nanaman sya sa dati, baka mamaya pagtripan nya nnaman yung mga kawawang estudyante dito."-Zayn. Yung matangkad na may dimples.
"Pre mamaya ayain na lang natin sa Miggy sa bar namin, para naman mawala yung lungkot nya, mag eenjoy sya dun madaming chicks pare!" -Joshua Haay mga gwapo nga babaero naman..
Siguro nga may problema lang yung kaibigan nila kaya iintindihin ko na lang siguro. Bumalik na ko sa class ko at ayun mabilis naman yun natapos. Pag uwi ko di na ko kumain direcho na ko sa kwarto ko dahil feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman ako masyadong ginawa.. Napapaisip lang talga ako sa mga narinig ko kanina, ano kayang problema ni Miggy?
BINABASA MO ANG
I'm With 8 Bad Boys
RomanceI'M WITH 8 BAD BOYS BY: PurpleDy Lahat naman siguro ng babae ay pangarap na magkaroon ng mala fairy tale na love story.. Yung kagaya ng kina Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty at iba pa dahil gusto nila ng Happily Ever After.. Pero kapag nag ma...