Chapter 12: Rooftop

94 10 3
                                    

Miggy's POV

I woke up early. Actually ilang oras lang ako nakatulog dahil iniisip ko kung paano ako makakabawi kay Princess. Alam ko sobrang napahiya siya sa mga ginawa ko kaya this time, gusto ko bumawi sa kanya. Sana naman mapatawad nya ako.

Yesterday when I saw them, I admit masakit. Alam ko Malabo na maging close din kami ni Princess pero ayoko naman sumuko.

Before going to school, dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng roses. Ibibigay ko kay Princess dahil alam ko mahilig siya sa mga bulaklak.

Bumili ako ng isang bouquet ng pink roses. Nagmamadali akong pumunta sa classroom namin kahit sobrang kinakabahan ako. Pinagtitinginan pa ako ng mga studyante.

Papasok na sana ako ng room nang makita ko sila…

Si Wesley at si Princess.. Masayang nag-uusap habang inaamoy ni Princess yung roses na bigay sa kanya ni Wesley.. Hindi ko na kaya kaya tinapon ko na lang sa trash can yung roses na binili ko. Umalis na lang ako ng school at umuwi sa bahay. Wala na ako gana pumasok.

Drey Calling…..

“Oh?”

[Bestfriend asan ka ba bakit di ka pumasok?]

“Coz I saw them.”

[Aww. Asan ka ngayon?]

“Bahay. Tara bar tayo?”

[Ge, kita na lang tayo dun. Bye.]

Call ended

Drey’s POV (Miggy’s Bestfriend)

Hello! Ako nga pala si Drey Anthony Perez. Ang pinakapoging bestfriend ni Miggy. :D Bata palang kami ay naging bestfriends na kami dahil simula kinder classmate ko sya. Ako ang pinaka bestfriend nya sa aming apat.  Magkaibigan din ang parents namin.

Saksi ako sa bawat kalungkutan ni Miggy. Sabi ko naman kasi sa kanya wag sya magseryoso sa mga babae..Gayahin nya na lang ako, puro laro lang. Hindi ka pa masasaktan. =)

So today pumasok na pala si Wesley. At classmate din namin siya. Naabutan ko na masayang-masaya silang nag-uusap ni Prey. Naku panu kaya pag naabutan sila ni Miggy. -_-

Lumipas ang buong araw at hindi pumasok si Miggy. I decided to call him.

Calling Miggy…

[Oh?] Cold na sagot ni Miggy.

“Bestfriend asan ka ba bakit di ka pumasok?”

[Coz I saw them.]

“Aww. Asan ka ngayon?”

[Bahay. Tara bar tayo?]

“Ge, kita na lang tayo dun. Bye.”

Call ended

Nagpunta kami sa Bar nila Josh. Kasabay ko si Zayn at Josh. Naabutan namin si Miggy sa may Bar at umiinom na siya.

“Yow Miggy” bati sa kanya ni Zayn.

“Mga dre, anu ba kasing gagawin ko?” halata kay Miggy na sobrang nalulungkot sya ngayon.

“Alam mo pare, hindi man ako naniniwala sa love na yan pero wag ka pa din sumuko. Kung alam mo naman na gusto mo talaga siya odi ipaglaban mo.” Sabi ni Josh.

I'm With 8 Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon