Chapter 7: Hospital

144 23 15
                                    

Ang ganda ng gising ko. Maaga ako pumasok sa school kasi ewan ko ba. Pero parang excited talaga ako eh. Pumunta ako sa locker para ilagay yung iba kong dalang libro.

Pag bukas ko may red rose nanaman. Nagtataka na talaga ako pano kaya nya nabubuksan yung locker ko. Bigla na lang ako napangiti kasi may kasamang mini card yung rose.

‘Keep smiling, you are so beautiful.’

Hala baka naman mamaya bulag yung nagbigay nito. Sabihan ba naman ako na maganda daw ako? Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Basta kahit di ko alam kung kanino galing to parang ang saya ko.

“Look who’s coming. Akala naman nya maganda na sya. Binigyan lang sya ng rose.” Inirapan pa ko ni Sabrina.

“If I know, baka kasing panget nya din nagbigay ng rose sa kanya.” Nakangising sabi ni Cristal.

“I know right, kaya siguro hanggang ngayon di pa din nagpapakilala sa kanya.” Pang-aasar pa ni Ruby.

“Titigilan nyo ba si Prey or puputulin ko yung mga dila nyo? Mga chismosa!” inirapan ni Kylie yung tatlo. Kararating lang nya. Hindi naman pala uubra sa kanya yung tatlo.

“Tara na Prey, wag mo na pansinin yung mga yan. Sa inaasal nila parang mga walang pinag-aralan.” Hinila na ko ni Kylie papunta sa upuan namin. Buti na lang dumating sya.

“Salamat Kylie.”

“Girl mag kwento ka naman, ano yang ngiti na yan ah?” tinignan nya ko ng parang nakakaloko.

“Kasi Kylie may rose sa locker ko.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Shet naman kasi. Kinikilig ang lola nyo. Haha

“Ayyyyieee. Sino kaya ngbigay nun? Kinikilig tuloy ako. Sana magpakilala na sya.” Kinikilig na sabi ni kylie.

Nakakapagtaka naman wala pa yung F4. Teka bakit ko nga ba yun iniisip. Nagpaalam ako kay Kylie na pupunta lang ako ng cr. Gusto nya ko samahan pero tumanggi ako.

Habang naglalakad ako sa may field nagulat ako kasi may nagbuhos sakin ng napaka lamig na tubig na may crushed ice pa na kasama. Pag tingin ko sa 2nd floor. Mga nakangiti ang loko. Yung F4 lang naman ang nakita ko.

Sa sobrang inis ko tumakbo na lang ako hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan maraming bakanteng rooms at walang katao-tao. Hindi ko na pigilan na umiyak kasi wala akong dalang damit at lamig na lamig na ako.

Makalipas ang isang oras hindi ko na ata kaya yung lamig dahil basing basa ako. Then everything went black.

Miggy POV

Hahaha. Laughtrip kami sa naging reaksyon ni ugly girl. Grabe. Priceless!

Nag paalam ako sa tatlo na hindi muna ko papasok. Pina una ko na sila. Nag lakad ako sa tambayan ko na hindi alam ng tatlo. Doon ako pumupunta pag gusto ko mapag isa. Pag malungot ako or may problema, mas gusto ko pa pumunta doon para tahimik. Walang mangugulo sa akin.

Hindi ko inaasahan na may makikita akong nakahiga sa may di kalayuan. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Paglapit ko napamura na lang ako. Si ugly girl walang malay! Tang ina kasalanan ko to eh!

Ginigising ko sya pero wala talaga. Sobrang init nya pa. Inaapoy na sya ng lagnat. Nataranta ako kaya binuhat ko na sya para madala sa clinic.

Kaya lang fuck! Lunch break at wala man lang kahit nurse na naiwan. Ano ba naman klaseng clinic to!

Hindi na ko nagdalawang isip at tumakbo na ko papunta sa parking. Kailangan ko na sya madala sa ospital. Mas maasikaso sya doon.

Binilisan ko na yung pagdadrive hanggang sa makarating kami sa ospital na pinakamalapit sa PrU. Ang ospital na pagmamay-ari ng pamilya namin. Sa sobrang bilis ko mag drive wala pang 5 minutes ay nakarating na kami. Dinala ko na sya agad sa emergency room dahil wala pa din syang malay.

I'm With 8 Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon