Miggy's POV
Umaga na at sobrang sakit ng ulo ko. Wala na din yung babaeng di ko naman alam ang pangalan. Buti na lang at walang pasok ngayon. Ay sh*t talaga! Hanggang ngayon napapaisip pa din ako kung bakit nangyari lahat sa akin to. Si Wesley, ang itinuring ko na best friend... Siya ang dahilan ng lahat kung bakit ako nasasaktan simula noon hanggang ngayon.Flashback (Noong elementary pa lang sina Miggy)
"Drey tignan mo yung babae oh! Ang ganda nya no?" Napangiti ako habang pinagmamasdan yung babaeng kumakain sa may bench.Maganda siya, maputi, kulot ang buhok at ang cute ng balat nya sa may leeg :)
"Oo nga Miggy, bilis lapitan mo!" Tinulak ako ni Drey kaya napatingin sa akin yung babae.
"Hi, ang cute mo naman ako nga pala si Miggy, Naaalala mo pa ko?"
Hindi nagsalita yung babae at bigla na lang umalis. Ngayon lang ako hindi pinansin ng isang babae. Sobrang napahiya ako. Crush ko pa naman siya dahil nung unang beses ko siya makita sa park nagustuhan ko na agad siya. Hindi na yata niya ko naaalala. Buti na lang same school pala kami.
"Ano ba yan ang hina mo naman Miggy!" Pang-aasar sa'kin ni Drey.
"Tignan lang natin kung hindi nya pa din ako mapansin sa mga gagawin ko."
Kinabukasan..
"Hoy panget ang sarap naman ng pagkain mo penge nga!" Sabay kuha ko nung sandwich na kinakain niya." Tinignan nya lang ako ng masama at kinuha yung chocolate drink na baon nya.
"Wow, painom nga!" Inagaw ko ulit yung iniinom niya at tumakbo na siya ng umiiyak.
Hindi pa man siya nakakalayo nakasalubong niya si Wesley at binigyan siya nito ng panyo at niyakap para hindi na siya umiyak. Nakaramdam ako ng inis kay Wesley dahil sa ginawa niya.
"Miggy bakit mo naman pinaiyak yung babae? Ikaw talaga bully ka. Simula ngayon wag mo na ulit ibubully yung girl na yon ah? I like her." Wesley
Lumipas ang mga araw at naging close nga sila nung girl na crush ko, si Princess.. Sobrang nagseselos ako dahil yung babaeng gusto ko, si Wesley ang gusto. Pero best friend ko si Wesley kaya ayoko magalit sa kanya. Sobrang nasaktan ako. Kasi si Princess ang first love ko.
End of flashback
Noong high school na kami lumipat na pala si Princess ng school kaya di na kami nagkita. Matagal din akong hindi nakikipag usap o nakikipag-kaibigan sa mga babae dahil si Princess ang gusto ko, Di man lang kami naging close dahil kay Wesley.
Dumating ang araw na may nakilala akong babae at si Pearl yun. Na-inlove ulit ako. Ganito din yung naramdaman ko nung unang beses ko nakita si Princess. Naging kami at masaya kami sa isa't-isa. Pero muli, nasaktan nanaman ako dahil kay Wesley. She fell inlove with Wesley. Ansakit mga dre! Sh*t naman palagi na lang ba ako yung masasaktan dahil kay Wesley?
Now there is a girl na napaiyak ko ng sobra dahil sa mga pantitrip na ginagawa namin ng F4. Nung una naiinis talaga ako dahil para siyang si Pearl. Kahawig niya si Pearl at halos parehas sila ng ugali. Kaya ko siya napagtripan dahil simula nung dumating siya, bumalik lahat ng sakit sa puso ko.
Nung na ospital siya dahil sa'kin, nakita ko yung balat sa may leeg nya habang natutulog siya. Then I realized na siya pala si Princess, ang first love ko..
Pumunta ako sa C.R at napaiyak ako ng mahina dahil ang g*go ko talaga! Pinaiyak ko nanaman siya :(
Nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makakabawi sa kanya pero after ilang days, nandyan na naman si Wesley. Pumasok nanaman siya sa eksena. At nag date sila ni Princess. :(

BINABASA MO ANG
I'm With 8 Bad Boys
RomanceI'M WITH 8 BAD BOYS BY: PurpleDy Lahat naman siguro ng babae ay pangarap na magkaroon ng mala fairy tale na love story.. Yung kagaya ng kina Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty at iba pa dahil gusto nila ng Happily Ever After.. Pero kapag nag ma...