Chapter 8: Happy Day

149 22 10
                                    

-_- zZzZzzz..

--_o mulat ng kaliwang mata..

o_- mulat yung kanan...

0__0 gising na ko!!!

Pero teka bakit puti yung nakikita ko? nasa langit na ba ko?!

No, it can't be! madami pa akong pangarap sa buhay ko!   :'(

iiyak na sana ako eh pero biglang lumapit sina mama at papa. Joke lang pala! Thank you daddy God! :)

"Princess, anak gising kana! kamusta na pakiramdam mo? Nag-alala kami masyado sayo. Buti naman at nagising kana." bakas sa kanila ang pananabik nung nakita nila na gising na ako.

"Ma, Pa.. okay lang po ako, wag na po kayo mag alala sa akin." ngumiti ako sa kanila para naman hindi na sila mag alala sa akin.

"Anak, buti na lang at dinala ka nya dito agad." sabay turo sa lalaking nakahiga sa may couch. "Kung hindi, baka lalo lang napalala ang nangyari sa iyo." Hindi maalis yung tingin ko sa lalaking naka higa sa couch.

"Ikaw ha, boyfriend mo ba sya anak? hindi mo man lang sinabi sa amin. Naglilihim kana pala ngayon." Nag pout si mama.

"Ma hindi ko po sya boyfriend no, wag po kayo magsalita ng ganyan baka marinig nya nakakahiya naman. Kanina pa po ba sya amdito?" 

"Oo, pinapauwi na nga namin sya ng papa mo kaya lang hindi daw sya uuwi hanggat hindi ka nagigising. Hindi pa nga yan nag hahapunan eh."

"Anung oras na po ba Mama?"

"11 pm na. Kaya siguro nakatulog na sya sa sobrang pagod." 

"11 pm?! napahaba po yung tulog ko??" Nagulat naman ako kasi antagal ko pala nakatulog. Grabe naman yun. Hindi naman ako puyat para maktulog ng ganun kahaba.

Napa lakas ata yung boses ko kaya nagising yung lalaki na natutulog sa couch. Hindi ako nagkakamali. Si Miggy nga. Pero anu naman ginagawa nya dito?

"Gising kana pala, kamusta na pakiramdam mo? ok ka na ba?" Halata kay Miggy na nag aalala sya.

"Ok lng ako." tipid kong sagot sa kanya.

"Bakit ka pala nandito?" dagdag ko.

"Dinala kita dito kanina kasi nakita kita na walang malay." Nakayukong sabi  nya.

Natatandaan ko na yung nangyari. Nawalan nga pala ako ng malay kanina. Basta ang natatandaan ko lang ay nilalamig na ako nun at mataas ang lagnat ko. At dahil yun sa kalokohan na ginawa nila. Binuhusan ako ng malamig na tubig. Haaaay.

"Teka, anak anu ba talagang nangyari sayo kanina bakit ka nawalan ng malay?" Nag aalalang tanong ni Mama.

"A-ah, w-wala po Ma, naulanan lang po ak-" hindi na ako nakatapos ng biglang magsalita si Miggy.

"No, it's my fault. Im sorry. Im so sorry. Kasalanan ko po. Binuhusan ko po sya ng malamig na tubig. I didn't expect na aabot sa ganito. Please forgive me. Ako na po ang bahala sa hospital bill nya since ako naman po ang may kasalanan." Halata sa mata nya ang sincerity sa mga sinasabi nya.

"I'm okay, you may go." Yun na lang ang nasabi ko sa kanya dahil naiinis pa din ako sa kanya. Pero hindi ko naman magawang magalit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Pagkasabi ko nun ay nag paalam na sya kina mama at papa na uuwi na sya. Sabi nya babalik na lang daw sya bukas ng umaga.

I'm With 8 Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon