Chapter 5: Trippings

148 25 14
                                    

Nakalipas yung isang linggo at puro pantitrip yung ginawa nila sakin. Nakakahiya na nga kasi palagi na lang ako yung pinag uusapan sa school. Hindi ko talaga inaasahan na ganito yung magiging buhay ko dito. Nahihirapan na tuloy ako. Araw araw may bago akong picture sa facebook kaya sikat na ko dito sa school. Ang epic nung mga kuha ko sa picture. Yun yung mga kuha pag pinagtitripan nila ko. -_-

Pero kahit anong mangyari dapat maging matatag ako. Nandito ako sa Princeton University para tupadin yung mga pangarap ko. Hindi para sumuko. Kaya ko to.

Hayysss. Naisip ko nanaman yung ginawa nila sakin. Pano ko ba naman makakalimutan ganito lang naman yung mga nangyari sakin:

Day 1. Yung naligo ako sa harina na may tubig. Diba nga nagkulong ako nun sa may cr kasi nahihiya ako dahil ang dumi dumi ng damit ko at wala akong pamalit. Buti na lang talaga dumating si Kylie at pinahiram nya ko ng damit. Naku kung wala sya malamang di na ko lalabas sa cr. Haha.

Day 2. Pag bukas ko ng locker ko, andaming ipis. Grabe di ko alam gagawin ko nun kasi kung alam nyo lang, sobrang takot ako sa ipis kahit maliit lang yun. Pag may ipis nga sa kwarto di ako nakakatulog hanggang di ko napapatay yun. Di ko alam panu ko lilinisin yung locker ko, ang baho. :(

Day 3. May nagbigay sakin ng black gulaman. Pag inom ko, may toyo pala. Pag pasok ko sa room bigla ako binigyan ni Drey ng black gulaman. Nag sosorry sya sa mga ginawa nila sa akin. Akala ko naman totoo. Kaya ayun iniinom ko. Halos masuka na ko sa lasa kaya pinag tawanan ako ng mga mababait kong kaklase. Wala kasi si Kylie kaya wala akong kakampi. :(

Day 4. May nagdikit sa likod ko ng papel na may naka sulat na "MABAHO AKO". Pagpasok ko sa canteen bigla ako inakbayan ni Zayn. Sabi nya nagsisisi na daw sya kaya sana daw mapatawad ko sya. Dahil mabait at malambot ang puso ko, naniwala naman ako. Lahat ng madadaanan kong studyante iiwas sakin tapos biglang tatawa. Inamoy ko sarili ko pero hindi naman ako mabaho. Pag dating ko sa room tinanggal ni Kylie yung nasa likod ko at pinag sabihan yung apat. Kaya pala umiiwas sila sakin dahil sa nakadikit sa likod ko. :(

Day 5. Uupo na sana ako pero may nag alis ng upuan ko. Nagmamadali akong pumasok sa room dahil 2 minutes na lang dadating na yung prof namin. Nung uupo na ko, biglang inurong ni Miggy yung upuan ko kaya nahulog ako sa sahig. Hanggang ngayon tuloy ansakit ng pwet ko. Anlaki ng pasa kasi nabugbog. Huhubels.. Araaaaay. :'(

Day 6. Napagbintangan ako na nangongodigo. May quiz kami sa History at random yung seats namin. Malapit yung upuan ko kay Joshua. Bigla siyang may inabot sakin na letter habang nag kuquiz. Sabi nya may nag papabigay daw. Nakatupi yung letter at may nakalagay na To: Princess Eyla Reyes. Akala ko naman importante kaya bubuksan ko. Nung saktong pagkabukas ko biglang nasa tabi ko na pala yung prof at kinuha yung letter. Pinalabas ako at sinabing ayaw nya daw ng mandaraya sa quiz. Yun pala, kodigo pala yung naka sulat dun.. :(

Dahil sa sobrang pag aalala ko dahil baka maapektuhan yung scholarship ko, nakalimutan ko na nasa klase pala ako ngayon. Bigla akong nagulat ng biglang....

"Miss Reyes! mukhang malalim ata yung iniisip mo. You're not listening! paki sagutan yung problem na nasa board!." Pasigaw na sabi sakin ng terror na prof namin sa accounting, Siya si Prof. Mangku. Siguro MANGKUkulam ibig sabihin non? AHAHA. de Joke lang, yun talaga yung apelyido nya. Mukha lang talaga syang magkukulam dahil ubod ng kasungitan. :D

"Miss Reyes, what's funny?! You'll solve the problem or I'll send you out of the classroom?"  Hala bakit pa kasi pumasok sa isip ko ung mangku thingy. Lagot ako nito nakakatakot na sya. -_-

"A-ah S-sorry p-po. I'll solve the problem" Tumayo na ko agad at nag punta sa harap. Simple accounting problem lang naman pala kaya di man lang ako nahirapan. Hahaha, Kala mo ah..

Di ko pa pala nasabi sa inyo na I'm taking up Bachelor in Business Management kaya may Accounting subject ako. Meron kasi kaming maliit na kainan at yun yung kinabubuhay ng pamilya namin. Sapat lang yung kinikita ng kainan para sa pang araw araw na gastos namin. Kaya eto yung napili kong program dahil pangarap ko na magkaroon kami ng malaking negosyo sa future. Gusto kong magkaroon kami ng isang sikat na Restaurant. Libre naman mangarap di ba?

Dahil tulaley nanaman ako, di ko napansin uwian na pala. Unti-unti na naglalabasan mga kaklase ko sa room. Wow wala atang nantrip sakin ngayon. Siguro narealize nila na titigilan na nila ko dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Tatayo na sana ako ng biglang..

"Wag kang ngingiti-ngiti dyan. Kung akala mo na tapos na kami sayo, well nagkakamali ka." Nag evil smile pa si Miggy sakin. Akala ko pa naman ligtas na ko. Umalis na ko ng room at lumabas na ko ng school para maka pag abang na ko ng jeep.

BROOOOOOM........

At ayun habang nag aabang ako ng jeep may magandang sasakyan ang mabilis na dumaan at yung tubig na may putik sa kalsada tumalsik sa mukha pati sa damit ko. Nilagpasan ako ng konti at biglang tumigil yung saskyan.

"Ahahaha, I told you, wag ka muna magpakasaya dahil di pa ko tapos sayo. Kung ako sayo aalis na lang ako dito sa school." Sabi sakin ni Miggy at mabilis na umalis yung sasakyan nya. Haay kahit anung gawin nya di ako aalis dito sa school na to.

Sumakay ako ng jeep dahil no choice naman ko. Pinagtitinginan ako sa jeep at yung iba nag tatawanan pa. 

"Oh anak andyan kana pala, bakit ganyan yung itchura mo?" Nagtatakang sabi sakin ni papa.

"Pa wala po natalsikan lang po ako nung sasakyan dyan sa labas."

Pagkatapos kumain nag hugas ako ng plato tapos umakyat na ko sa kwarto.

Pagbukas ko ng facebook ko, may bago nanamang picture na nakatag sakin. Nakalagay sa caption 'Im Wet'. Huhuhu nakakahiya naman to. :(

3457 like this. 1342 comments. 784 share.

Tinakpan ko na lang ng unan yung mukha ko at tahimik na umiyak para di marinig nila mama. Nakatulog na ko habang umiiyak...

MAY MYSTERY SA MGA SUSUNOD NA UD KO. ABANGAN. SANA MAGUSTUHAN NYO TO. :) PLS VOTE/COMMENT. THANKS. :)

I'm With 8 Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon