Chapter 4: Espasol Girl

173 29 16
                                    

Napansin nina mama at papa hindi maganda ang gising ko. Natatakot kasi ako pumasok. Baka kasi galit pa din sakin si Miggy.Haay bakit ko ba iniisip yun. Hindi ako dapat matakot kaya ko to. Dapat lakasan ko loob ko.

Papasok na ko ng school. Nang malapit na ko sa room nagtataka ako kasi nakasara yung pinto, wala bang pasok ngayon? Tinignan ko yung class schedule ko. May pasok naman ngayon. Bubuksan ko na yung pinto at pagbukas ko boom.....

"Ahahahahahaha look at her face oh" sabay turo sakin nung babaeng maarte.

"She's so funny, Ahahaha" eto naman isang to, wagas makatawa.

"Ahahahaha She looks like espasol" etong maarte na to  akala mo naman di sya mukhang espasol sa sobrang puti ng mukha nya, di pa pantay sa kulay ng katawan nya.


At kung ano ano pa narinig ko mula sa kanila. Grabe di pa ko nakakapasok pero sobrang napahiya na agad ako. Pagbukas ko kasi ng pinto bigla na lang ako naligo sa harina na may tubig. Grabe nakakahiya itchura ko. Wala pa naman ako extrang damit. :(

Naiiyak na talaga ako sa sobrang kahihiyan kasi lahat ng studyante na dumadaan pinagtatawanan ako. Kaya tumakbo na ko papuntang cr. Nag kulong nalang ako dun..

Iyak lang ako ng iyak kasi di ko alam gagawin ko. Di naman ako makauwi kasi pano ako lalabas kung ganto ichura ko. Maya maya may pumasok na studyante kaya nagtago lang ako dito sa dulong cubicle. Narinig ko mga pinaguusapan nila.

"Grabe yung ginawa nila kanina dun sa classmate natin na mahirap no, kawawa tuloy ichura nya"

"Ye ryt, mukhang bumalik nanaman sa dati yung Flaming Four. Mukhang magsisimula nanaman silang mantrip ng studyante."

"Atsaka napansin nyo ba simula nung napabalita na wala na si Miggy at gf nya bigla nnaman sya nagkaganyan. Kawawa yung mga mapagtitripan nila. "

"Oo nga, tara balik na tayo sa room baka dumating na si Prof"

So I guess silang apat yung sikat na Flaming Four. Sa naririnig ko, kilalang grupo yun dito sa school at kinatatakutan ng mga studyante. Pero ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila para gawin nila ito sa akin? Ano naman kinalaman ko sa paghihiwalay nila ng gf nya para sa akin ibunton yung galit nya?

Napaiyak na lang ako kasi di ko na alam ggawin ko. Natatakot ako pero kailangan ko maging malakas, pinaghirapan ko makapasok dito kaya kailangan makatapos ako ng pag-aaral. Para sa pamilya ko. Tama, dapat di ako sumuko.

Nagulat ako kasi may biglang pumasok. "Prey andyan ka ba? Si Kylie to."


Di ako nagsasalita nahihiya kasi ako na makita nya ko na ganto.

"Prey lumabas ka na kausapin mo ko, may damit ako dito na dala. Mag palit kana. Para makapasok kana sa next subject."

Lumabas na ko at lumapit sa kanya. Nakayuko lang ako kasi makikita nya na umiyak ako.

"Salamat ah, hindi ko alam gagawin ko kung wala ka." Nagpalit na ko ng damit at sabay na kami pumunta ng classroom.

Pag pasok namin pinagtitinginan kami, Ay ako lang pala. Tawa pa din sila ng tawa habang nagbubulungan. Nung tinignan sila ng masama ni Kylie umiwas na sila ng tingin samin. Aba takot pala sila kay Kylie. Umupo na kami sa pwesto namin. Di ko matignan sila Miggy dahil sa totoo lang naiinis ako sa kanila.

"Kylie bat mo sya pinahiram ng damit?" Tinignan ni Miggy ng masama si Kylie.

"Ikaw Miggy, Joshua, Zayn at Drey, bumalik nanaman kayo sa dati ah, wala naman ginagawang masama si Prey sa inyo para ganunin nyo ah?" Naiinis na sabi ni Kylie sa kanila. Buti pa sya mabait sakin.

"Sa kanila wala, sakin meron. Baka akala ng panget na yan nalimutan ko na yung pagtapon nya ng chocolate sa damit ko." - Miggy ansakit talaga nya mag salita. Ang ganda ng pangalan ko tapos panget yung tawag nya saken :(

"Para yun lang nagkakaganyan kana?!" Hala nagagalit ata si Kylie kina Miggy. Kasalanan ko to eh. dahil sakin nag aaway pa tuloy sila. :(

"Sino ba kaibigan mo ah bat mo pinagtatanggol yang panget na yan?!" Sumisigaw na si Miggy, yung tatlo tahimik lang at inaawat si Miggy.

"Oo kaibigan ko kayo, pero kaibigan ko na din si Prey at saka hindi naman kasi talaga tama yung ginawa nyo!" Pagkasabi ni Kylie biglang umalis si Miggy at sumunod naman yung tatlo.

"Kylie sorry,. Sorry talaga.. Sorry dahil sakin nag away pa tuloy kayo ng mga kaibigan mo.." nag aala kong sabi sa kanya.

"Ano kaba wala yun, di naman kasi tama yung ginawa nila eh, atsaka di ba kaibigan na din naman kita? Wag kana malungkot" Gumaan naman yung loob ko sa sinabi ni Kylie.

Pagkatapos ng klase umuwi na ko sa bahay. Nagulat nga sina mama dahil iba na daw yung suot ko. Tinanong nila ako kung ano nangyari. Sabi ko na lang natapunan ako ng juice kaya pinahiram ako ng damit nung kaibigan ko. Ayaw ko naman kasi na mag alala pa sila sakin.

Pagkatapos kumain umakyat na ko sa kwrto ko. Maaga pa kaya gumawa na lang ako ng assignments. Pagkatapos ko, di pa din ako makatulog.. -_-

Magbubukas na nga lang ako ng facebook..

Pagbukas ko, grbe 758 friend request?! Hala bakit naman ganun kadami. Eh dati naman maswerte na sa isang linggo magkaron ako ng isang friend request. Isa lang naman kasi akong NOBODY. Teka panu kaya nagyari na ganun kadami yung friend request ko eh kakabukas ko lang kahapon..

Pagtingin ko sa profile ko, Hala. May nag tag sakin ng picture ko. Yung picture ko nung nabuhusan ako ng harina na may tubig.. My caption pa na "Espasol Girl". :(

978 people like this. 539 comment. 425 share


Dahil sa sobrang kahihiyan tumulo yung luha ko. Oo maswerte ako na nakapasok ako dun sa PrU (short for Princeton University) pero di ko naman inaasahan na ganito pala yung dadanasin ko dun. Ang hirap naman. Feeling ko di talaga ako belong dun. :(

Pero wala naman kasi ako magagawa di ko naman pde basta basta na lang isuko yung scholarship ko dun. Sayang din kasi. Haay pipilitin ko na lang matulog kahit ayoko pa. Nakaka stress na araw to. :(

SORRY MAIKLI. BAWI AKO NEXT CHAPTERS. :)

-PurpleDy

I'm With 8 Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon