Chapter 6: Mystery Gift From Mystery Guy

146 25 14
                                    

Wala ako sa mood na pumasok ngayon dahil alam ko kung ano ang mga pwedeng mangyari sa akin pag dating ko sa school. P.E pala namin ngayon dahil Monday. Bago ako pumunta sa room, nagtungo muna ko sa locker para mailagay ko yung dala kong P.E uniform.

Pag bukas ko, meron akong nakitang isang red rose at may note na kasama.

‘Dear Princess, please don’t forget to smile.’

Hala, bakit kaya may rose dito at sino naman kayang nag bigay nito sa akin? Sinara ko na yung locker ko at iniwan ko na yung rose dahil baka Makita pa ng mga kaklase ko. Aasarin lang ako ng mga yun. Nagmadali na ako dahil malapit na ko ma late.

Pagpasok ko ng room nag uusap nanaman yung Powerpuff girls tungkol sa akin. Alam ko na yung mga pangalan nila. Si Sabrina yung leader nila. Ang maarte sa lahat ng maarte. Si Ruby naman yung araw araw nagtitipid sa tela sa ikli ng suot at si Cristal naman yung mukhang clown dahil sa kolorete sa mukha.

“Girls have you seen the poor girl sa locker kanina? She’s holding a red rose. Sino naman kaya magbibigay sa kanya non?” –Sabrina. ano kayang paki nya kung may nagbigay sa kin ng rose. Naiinggit lang siguro sya.

“Oo nga Sab, at sino naman kayang bobong lalaki ang magkakagusto sa ugly girl na un. Like hello? Wala ata syang taste eh. Poor guy.” – Cristal. Maka ugly girl naman to kala mo kagandahan. Like hello? Kahit naka make up siya mas lalo lang lumala ichura nya. Para syang bakla. Anu ba yan nagagaya ko na tuloy yung like hello nya.

“Well kahit ano pang gawin nya wala pa din panama yun sa beauty natin no.” –Ruby. Nagtawana pa sila ng malakas kaya di ko na lang sila pinansin at dumiretso na ko sa seat ko.

“Hi Kylie kamusta ka na?” Napansin ko tahimik lang sya habang nagtetxt at parang seryoso sya.

“Prey nandyan kana pala sorry di kita napansin. May ka txt kasi ako na importante. So how are you?” Nakangiti nyag sabi sa akin. Ang ganda talaga sya.

“Ok naman ako. Ganun pa din.” Matipid kong sabi sa kanya. Baka kasi mamaya tanungin nya nanaman ako about sa F4, short for Flaming Four. Ayoko na kasi pag usapan dahil baka mag away nanaman sila dahil sa akin.

Sakto naman na dumating yung prof kaya nakaligtas ako sa maari nyang itanong sa kin. Nakakaantok, Filipino kasi ang first subject tapos 3 hours pa.

Nag lecture lang yung prof at sinabi lang na maghanda kami sa quiz sa next meeting tapos umalis na din agad. Lunch time na pero parang ayoko kumain. Parang ayoko kasing umalis sa upuan ko dahil baka pag labas ko ng room may naka abang nanaman sa akin.

“Prey, ang lalim ng iniisip mo. I know you are worried sa pwedeng gawin ng F4 kaya join me sa canteen. Sabay na tayo mag lunch ako bahala sayo.” –Kylie. Nag smile sya sa akin. Ang bait nya kasi parang alam nya yung iniisip ko kahit di ko sabihin sa kanya.

“Thanks Kylie. Sige tara na.” I smiled then nag lakad na kami papunta sa canteen.

Pag dating namin sa canteen pinag titinginan ako. Siguro dahil kasama ko si Kylie. Takot na din kasi sa kanya yung mga studyante dahil best friend sya ng F4.

“Prey don’t mind them. What do you want to eat? My treat.” –Kylie

“Wag na Kylie nakakahiya naman sayo.” Nahihiyang sabi ko sa kanya.

“Sige ka magtatampo ako sayo nyan.” Nag pout si Kylie. Ang cute. Hehe kaya no choice ako at umorder na ako. Baka mamaya magtampo pa sya sa akin eh.

Kumain na kami ni Kylie. Nagkwentuhan lang din kami. Sabi nya dun daw sya madalas kumain sa tambayan ng F4 kaya di kami nagkikita pag lunch. Pero sabi nya gusto daw nya sabay kami palagi para wala na umaway sa akin. I love her na talaga. :)

After ng lunch break P.E na namin. 2 subjects lang naman kami pag Monday. Sabay kami ni kylie na pumunta sa locker para kunin yung P.E uniform namin. Ang galing nga eh kasi hindi ko alam magkatabi lang pala locker namin.

Pagbukas ko ng locker ko may nakita akong gift. May ribbon pa at may nakadikit na card.

‘Princess, I really love to see you smile. Hope you like this.’

Napa isip nanaman tuloy ako. Kanina rose, tapos ngayon naman isang gift.

“Prey, kanino galing yan?” Nakangiting tanong ni Kylie.

“Di ko alam eh, wala naman kasing nakalagay na pangalan.” Sagot ko sa kanya habang nakatitig pa din sa gift. Ang weird naman kasi.

“Ayieee may secret admirer ka na Prey! Im so happy for you, buksan mo na dali!” Excited na sabi sa akin ni Kylie. Mukhang sya pa mas kinikilig eh. Haha

Binuksan ko na yung regalo at pag bukas ko napangiti naman ako sa laman.

Isang maliit na choco-strawberry cake. May note na nakadikit sa lalagyan nung cake.

‘I know you like this one. I can see you right now.’

Napalingon naman ako sa paligid dahil nakikita nya daw ako. Pag lingon ko andaming studyante. Imposible naman na makita ko kung nasan sya. Di ko naman kasi alam kung sino sya.

“Prey pano kaya nya nalaman na gusto mo yan? Im sure kilala ka talaga nung nagbigay sayo nyan, ayieeeeee.” Kinikilig na sabi ni Kylie.

Kahit hindi ko alam kung sino nag bigay sa akin nito, napangiti naman ako kasi favorite ko talaga ang choco strawberry. Hindi lang sa cake, basta kahit anong may chocolate at strawberry. Nilagay ko na ulit muna sa locker dahil iuuwi ko na lang sa bahay. Di naman siguro lalanggamin dahil naka sealed naman.

Nagpunta na kami sa gymnasium dahil doon kami mag P.E. Basket ball kasi ang P.E namin. Nakakainis nga eh kasi panglalaki. Pwede naman kasing volleyball na lang. Pero ayos lang at least kasama ko naman si Kylie.

Pagdating namin sa gymn nakita ko yung F4 kasama yung ibang ka team mates nila. Player pala sila ng basketball team ng Princeton University. Yung kilalang Golden Tigers. Magaling kasi yun dahil maraming university na ang natalo nila.

Bigla ko na lang napansin na may mga pasa yung apat. Di ko naman sana gustong tanungin pero na curious ako kaya tatanungin ko si Kylie.

“Kylie bakit sila may pasa?” sabay turo ko sa F4.

“Siguro nakipag away nanaman yang mga yan. Nag aalala na nga ako sa kanila kasi nagbago na sila dati tapos bumalik nanaman sila sa ganyan. Mahilig makipag away. Wala naman akong magagawa kasi hindi sila nakikinig sa akin. Lalo na si Miggy.” Halatang nag aalala si Kylie sa tono ng boses nya.

Hindi na ulit ako nag tanong dahil baka naman sabihin nya chismosa ako. Nag P.E na kami at pagkatapos sabay na ulit kami nagpunta sa locker ni Kylie para kumuha ng pamalit at mag bihis.

Umuwi na ko dahil si Kylie sinundo na din ng driver nila.

Pag dating ko sa bahay wala pang tao. Nag punta ako sa kitchen tapos binuksan ko na yung cake at kinain. Wow ang sarap! :)

Napapaisip pa din ako kung sino yung nag bigay nito sa akin pero Masaya talaga ako. Alam ko makikilala ko din sya. :)

PLEASE VOTE AND COMMENT KAYO, SANA NAGUSTUHAN NYO. :)

I'm With 8 Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon