RAVI DREXEL LEIMBERG8:40 am
"Hindi mo ba naisip na delikado to." Hininaan ko ang boses ko dahil baka may makarinig samin ni Levi, mahirap na dahil may mga nurse sa paligid na nagbabantay.
"No, unless we try."
"Dude, c'mon I can't do this." Sabi ko nang naghihinayang.
"Hindi kaba nagsasawa dito? Diba sabi mo gusto mo nang makalabas dito? Then this is your chance." Tinignan niya ako nang mariin saka luminga linga sa paligid.
"Pero hindi sa ganitong paraan." Levi was disappointed for what I just said, this past weeks ay kinukumbinsi niya akong tumakas, I want to pero natatakot ako.
"I'll give you time to think, isipin mo naman ang sarili mo." Agad niya naman akong tinalikuran at naglakad palayo. Sa sobrang dami nang iniisip ko ay nahagip nang mata ko si Dane na kinakausap si Drax.
I was surprised nang tinawanan siya nito. Did I just saw him laugh? Well that's new because that guy is really weird and hard to approach.
Ano kayang sinabi ni Dane kaya siya tumawa?
"Alam mo para kang baliw dahil sa kausap mo." Prangka niyang sinabi kay Drax.
Baliw naman talaga yan, Dane.
"At isa pa bakit Casper ang pangalan niya? Paano mo nalaman na lalaki siya?" For the first time bakit parang naging bungangera siya? Sa pagkakaalam ko ay hindi siya ganito.
"S-inabi ko bang lalaki siya?" Nauutal niyang sabi kay Dane.
"So babae siya? Ilang taon na siya? Paano mo siya nakilala? And to be honest lang ha? Nakikita mo ba talaga siya?" Gusto kong matawa dahil sa mga pinagsasabi niya. Para siyang inaabnoy.
"H-hindi niya naman k-kasi sinabi kung b-babae o lalaki siya." Nuutal na wika ni Drax.
"Sira ulo ka pala eh, kaibigan mo tapos hindi mo alam kung anong gender niya?" Bakas sa mukha ni Dane ang pagkainis dahil kay Drax kaya lumapit na lamang ako sa kanila.
"Anong pinaguusapan niyo?" I asked joyfully.
"Ravi, kausapin mo nga to, mas abnoy pa kasi sayo." Sabi niya saka tinalikuran kami ni Drax. Lumakad siya papalayo at umupo sa isang bench at nagsimulang may drinawing sa dala dala niyang malaking notebook, nakalimutan ko ang tawag don eh. Hahaha. Basta ang sabi ni Dane ay sketch--- ewan.
"Sabihin mo kay Casper na hindi siya nage-exist." Tukso ko kaya naman sinamaan niya ako nang tingin.
"Brief mo day kulay pink." Halos manigas ako dahil sa sinabi niya. Teka? Paano niya naman nalaman?
"Binosohan mo ako no? Ang manyak mo naman, tol. Hindi tayo talo!" Bigla kong dinastansya ang sarili ko kay Dax na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Sige, isuot mo pa ulit yan, mukha kang bakla." Walang pahintulot siyang umalis na may nakakalokong ngiti sa labi.
That Casper is a stupid fuck, lalo na si Drax!
***
I was disturbed by the scream and shouts on the next room that's why I stood up and open the lights. It's 2:13 in the morning, at alam kong wala nang nurse na nagroronda sa labas.
I sigh when I realized that it's Reese, again. I think he's hallucinating that's why nagkakaganyan na naman siya. Kaya ang laki laki nang eyebags nun dahil gabi gabi kung anong oras matulog pero gwapong gwapo padin si Dane sa kanya dahil ang cool niya daw tingnan.
And speaking of Dane, kanina habang nasa labas kami ay tutok na tutok siya sa ginagawa niya. If I would take a peek on whatever she's doing ay hinahampas niya ako at sinisipa.
But im still happy because we became friends. Ni minsan hindi ko man siya nakitang ngumiti but I know deep inside in her, she's happy for having Ravi. HAHAHA.
Plus Levi, he's still a big mystery to me. The day when Levi got in here ay wala naman akong nakikitang deperensya sa kanya, except pag napipikon at nasasakal siya sa mga nurse. I can say that he is a nice person.... and normal too. Hindi lang halata pero feel ko. I trust my instinct more than I trust my own self.
Hindi man siya pala-smile but I know that he will never hurt me or Dane. After I heard that he already killed people ay hindi ako naniwala dahil wala sa itsura niya. Sa gwapo ba naman ni utol. Hays. Pero totoo, akala ko nga biro lang yun nang mga nurse eh. Kung tatanungin ko naman siya kung totoo ay ayaw sumabat, parang napipi ba kamo?
I was stuned when I heard a sound from the outside kaya ako dali daling tumayo at sumilip sa maliit na box.
I saw a man wearing a black leather jacket. May suot itong black face mask kaya hindi ko makita ang mukha. Baka housekeeper lang o guard.
May dala dala siyang malaking cart na tinutulak niya. It looks so heavy dahil mukhang nahihirapan siya sa pagtulak nito. I'm just watching him nung napadaan siya sa aking kwarto nang mapatakip ako nang ilong dahil may nakakalusok akong naamoy. Paniguradong galing yun sa cart. Hindi ko masabi na basura dahil iba ang amoy nang basura sa naamoy ko ngayon. Parang masusuka ako kaya dali dali akong lumayo sa pinto at pumunta nang banyo.
Whatever that is, im praying na sana hindi ko ulit maamoy yun.
***
