DANE ALBERTS7:21 am
I woke up because of this stupid alarm clock, actually naka set siya 7:00 kaso tinatamad akong bumangon. At sino naman ang nag set niyan?! Siguro ang mga hampas lupang mga nurse dito.
Nakakasakal na sila! Kahapon palang habang nag di-dinner ay gustong gusto ko na silang sapakin. The way they look at me with fears makes me sick. Dammit!
I stood up and headed to my bathroom, and guess what? It's also color pink. Bakit ba pink? Porket mukha akong kikay ay color pink ang ibinigay nilang kwarto sakin?! I prefer black or red though.
After taking a shower ay pumunta ako sa closet. Hindi na ako nagulat na madatnan kong damit ay halos lahat puti, it's the uniform of the mental patients. The dresses are plain white that I found it lame so that I wore the white pajama and plain white t-shirt.
Wala akong magawa sa kwartong ito kundi ang hintayin ang breakfast mamayang 8:00. Wala namang T.V o kaya board games para malibang ako o di kaya bintana nagmumukha akong priso dito kung hindi dahil lang sa itsura nang kwartong to.
I bet Tita and Dad paid alot of money for this room, ayaw nila sigurong mag stay ako sa plain white room dahil paniguradong mababaliw ako pag ganon, sino ba namang magugustuhan na lahat nang makikita mo puti? O di kaya mag stay sa ward? Yung madami kayo sa iisang room? Hell. Ayokong makasama ang mga kapwa kong baliw.
Psychopath.
That word.
Am I really a psycho?
I never killed anyone, well, its an accident thats why he died. But is it really my fault? My parents told me that blaming myself will only make it worst, but is it really my fault?
Nasa gitna ako nang pagiisip nang may pumasok sa selda ko, a nurse. Yeah, I prefer call it my cell than my own room.
"Dane Alberts, it's time for breakfast." I just nod and follow the female nurse. Kung wala ako sa matinong pagiisip siguro hinampas ko na ito sa malambot kong pader. Now I get it, kung bakit foem ang pader nang seldang ito. Tss.
"After breakfast may check-up ka kay Dr. Watson and then you have a free time to enjoy the fresh air outside in 3 hours." I didn't respond. So pwede pala kaming magpahangin sa labas. That's great! Dahil sooner or later mamamatay ako dito kakalanghap nang amoy ospital, ospital nang mga baliw. Tsk.
I missed school. Kamusta na kaya ang mga plastic kong classmates? For sure pinagtatawanan na nila ako ngayon knowing that their running class valedictorian is a total psycho. Sana naman sa sobrang tawa nila ay mabilaukan sila nang kani-kanilang laway.
"Dane, are you listening?" Inis kong tinignan ang madaldal na nurse na ito.
"Ang sabi ko baka gusto mo tingnan ang ibang pasyente dito sa asylum, i'll gave you a short tour here." She offered.
I nod in response kaya sinundan ko siya habang naglalakad. Huminto kami sa isang bakal na kwarto din gaya nang akin. May parang box na butas na pwede mong silipin sa loob ay tinignan ko kung sino ang nandon.
I saw a guy.
Para siyang may kausap na tanging siya lang ang nakakakita. Parang nagsitayo lahat nang balahibo ko nang tignan niya ako at saka ngumisi. He even waved his hand and then laugh like a demon comming from hell.